Kabanata 12

44 2 0
                                    


Walang emosyon akong nakaupo sa higaan habang chini-check ng doctor ang lagay ko

"She's okay Mr. Levin. I suggest na huwag muna siyang pakilusin upang hindi maimpeksyon ang sugat niya sa paa. I suggest din na laging inumin ang gamot na nireseta ko sakaniya" Nakangiting sabi niya. Babae ito at halatang may edad dahil pansinin na ang hindi gaanong kulubot sa balat nito. Siguro ay nasa mid-50's na siya

"Thank you doc" Malamig na sagot ng lalaking ayokong makita

"Tsk."

Malamig siyang nakatingin saakin habang nakapamulsa na hindi ko binigyang pansin at masama lang ang tinging inirapan siya. Hindi ko alam kung bakit nandito ang hampas lupa na 'to

Pagkatapos niya akong ikulong eh biglang susulpot at sisigawan ako na kesyo anong pinag gagagawa ko. Bakit sinugatan ko sarili ko. Ganito ganiyan

Peste lang.

Nakangiting nag paalam ang doktor na tinawagan niya kanina sa taranta at umalis sa loob ng kwarto. Ramdam ko ang lamig ng buong silid na hindi ko pinansin at humiga. Hindi ko pinansin ang mga titig niyang nakakasunog ng balat

"I don't need you. Umalis ka na" Malamig kong ani at saka siya tinalikuran at pumikit

Abot hanggang kalawakan ang galit na nararamdaman ko sakaniya. The audacity of him to show up here and yell at me

Habang nag wawala kasi ako kanina ay nasagi ko ang basong babasagin na hindi pa pala nalalayo saakin. Naapakan ko ang bubog non dahil hindi ko napansin na basag na iyon. Ng maapakan ko na ay bigla akong nadulas at ang ulo ko ay nauntog sa kaliwang side table ng higaan

Dahil ang dulo ng lamesa na iyon ang tumama sa ulo ko at matulis tulis iyon ay nagdugo ang ulo ko kasabay ng pagdudugo ng aking talampakan

Ngayon ay para akong baldadong nakahiga sa putanginang letseng kwartong 'to habang may suot suot na benda sa ulo at paa

Pagka gising ko ay wala na rin ako sa kwartong pinag kalatan ko dahil bago na ang paningin ko sa lahat ng gamit sa silid na'to. Sa hula ko ay guest room ito

Nahimatay kasi ako ng tumama ang ulo ko sa lamesa at malakas ang impak non kaya ganoon na lamang ang pagdurugo. Pagka gising ko nalang ay may doctor nang nag checheck sa akin habang nasa tabi ang letseng lalaki na nanonood sa ginagawa ng doktor

Bumuntong hininga ako at hindi pinansin ang taong nasa likod ko na tinititigan pa rin ako. Hindi ko na kasalanan kung sinusungitan ko siya at hindi pinapansin

Ang gusto ko lang naman ay makauwi. Apat na araw na akong nakakulong sa kwartong 'to at ang balat ko ay maputla na. Nabawasan na rin ang timbang ko dahil sa stress na binibigay ng lalaking 'to

Hindi ako makatakas dahil linayo niya saakin ang lahat ng gamit na maaring gamitin ko sa pagtakas. Paniguradong hinahanap na ako ng mga kapatid ko. Nag aalala na rin ako sakanila. Baka may gawin sakanila ang nanay ko na masama. Hindi ko pa naman alam ang takbo ng utak non

"Are you still mad at me?" Magaspang na boses niyang tanong saakin

Hindi ko siya pinansin at nag panggap na tulog. Naramdaman ko ang pag lubog ng higaan at ang kamay niyang dadapo na saakin

"Please don't be mad kitten. I'm just doing this for you..." Mahinang ani niya at hinawakan ang kamay ko

Hindi ko ulit siya pinansin at kunyaring gumalaw habang nakapikit pa rin. Hinila ko ang kamay kong hawak niya at ginawa iyong unan sa aking ulo kasama ang isa ko pang kamay. Ginagawa ko 'yon habang nakapikit

"I know your awake kitten. Talk to me please..."

Ang kapal ng mukha niya. Kung tanga lang ako ay baka nag padala na ako sa pag mamakaawa niya but sad to say, i'm not

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon