Kabanata 14

42 2 0
                                    


Bumuntong hininga ako at saka unti unting binuksan ang pinto ng opisina niya. Nakita ko siya na nakaupo habang may ginagawa sa laptop at may mga papel na nakalagay sa lamesa niya

"Fin." Pambungad ko ng makapasok na ako

Nakatayo pa rin ako sa entrada ng pinto habang nakatingin sakaniya. Nakasuot siya ngayon ng pambahay kaya medyo nanibago ang paningin ko

Lagi ko kasi siyang nakikita na naka polo. Ang outfit niya kasi ngayon ay t-shirt na kulay puti. Medyo nag rereflect ang biceps niya dahil sa suot suot. Magulo ang buhok niya at naniningkit ang mga matang nakatutok sa laptop

Nakita ko ang pag sara niya ng laptop at pag gilid non bago nag angat ng tingin saakin. Medyo nailang ako. Sa mga tingin niya kasing binibigay saakin e parang kakainin niya ako ng buhay

"Come here kitten" Inangat niya ang kamay na parang pinapalit ako na agad kong ginawa

Dahan dahan akong nag lakad habang nakayuko. Nasa likod ko ang mga kamay ko at nakatingin sa mga paa kong walang sapin. Lumunok ako ng makalapit na ako sakaniya at saka ng angat ng tingin

Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinila na kinagulat ko. Nakaupo na ako ngayon sa mga hita niya habang nakayakap ang braso niya sa beywang ko

"What is it, hmm?" Malambing na tanong niya na kinakagat ko ng labi

Puro kalokohan na ang nasa utak ko at nawala na ang pinaka sadya ko dahil sa lapit niya saakin. Pinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko at saka tumingin saakin

Lumunok ako "I'm bored" Pauna ko at saka tinignan ang itsura niya

Kalmado pa rin ang emosyong pinapakita niya saakin kaya itinuloy ko "Can we go out?" Mabagal kong tanong

Kinuyom ko ang mga kamao. Alam kong hindi siya papayag dahil baka "tumakas" nanaman ako. May part saakin na gustong tumakas pero mas matimbang pa rin ang pag gala

Gusto kong makisalamuha sa mga tao kaya ako lumapit sakaniya at humiling kahit alam kong fifty-fifty ang chance. Tumingin ako sakaniya at napansin ko ang pag singkit at pag kunot ng noo niya. Humigpit ang pag kakayap niya saakin kaya medyo napapikit ako

Hindi ko na nagugustuhan ang pinapakita niyang emosyon kaya nag salita ako ulit "Hindi ako tatakas fin. Gusto ko lang na pumunta tayo sa mall at manood ng cine. Ngayon kasi released ng inside out 2 and i want to watch it" Mahina kong paliwanag "Besides, i want to spend my time with you"  Bulong ko

Sana pumayag siya. Gusto ko ng makalabas sa malaking bahay na 'to. Para akong baldado sa pinapakita nila saakin. Alam ko namang inuutusan lang sila pero medyo sobra kasi e

May one time na mag luluto ako. And then noong mag hihiwa na ako ng manok e biglang may dumating na maid tapos dali daling lumapit saakin. Inagaw pa saakin ang kutsilyo at saka ako pina upo

Sabi niya e bakit daw ako mag hihiwa. Masusugatan daw ako kaya siya na gagawa. Baka rin daw mag karoon ng mga paso ang kamay ko mapapagalitan pa raw sila. May one time rin na nag lilinis ako ng sala noon kasi bored na bored na ako

Nakita ako ng isa sa mga katulong. Kaedaran niya lang ang nanay ko dahil sa itsura niya. Mabilis siyang lumapit saakin at saka inagaw ang hawak hawak kong basahan tapos hinila ako sa sofa at pinaupo. Binigyan pa ako ng softdrinks noon tapos sinabing wag daw ako mag lilinis dahil trabaho daw nila 'yon at trabaho rin daw nilang pag silbihan ako

Medyo nakakaurat na!! Hindi ako baldado para agawan nila ng gawain. May kamay at paa rin ako at may kusang loob din ako. Nakikitira lang ako kaya tungkulin kong tumulong sa gawaing bahay

Hindi rin naman ako ang nag papasahod sakanila kaya dapat hindi sila umakto ng ganoon. 'tong lalaking 'to ang nag papasahod sakanila pero parang ako dahil sa asal nila saakin

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon