Kabanata 21

51 1 0
                                    


Amore POV

Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan bago niyakap ang malambot na unan sa tabi ko

Kakalabas ko lang sa hospital kahapon at hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaide ideya kung ano ba talagang nangyari saakin at nalagay ako sa sitwasyon na nakaratay sa hospital bed
  

Nag pakilala ang tatlong tao na naabutan ko nang magising ako

"I'm Gin Zylar Levin and this is my wife Shania Twain" Hinila niya sa beywang ang babaeng katabi niya na nakangiti na saakin ngayon ng matamis habang ang mga mata nitong nag aalala ay nakadapo saakin

"That man is my brother and your husband. Fin Xyler Levin" Tinuro niya ang lalaking nakaupo ngayon sa sofa sa gilid ng pader at tulala lang itong nakatingin sa kawalan

Malalim na ang eye bugs nito at nangingitim na. Nakaawang ang labi nitong manipis at pansin ko ang katawan nitong namamayat. Mukha siyang sinampal ng tinalupan at dala dala ang buong mundo
 

Tatlong beses akong kumurap at sinigurado kong makikita nila ang katanungan na nabubuo sa buong utak ko

Hindi ko na alam kung anong gagawin. Nag papanic na ang buong pagkatao ko. Ramdam ko ang nag huhumirintadong tibok ng puso ko at hindi ko 'to masabayan kaya medyo mabilis ang aking paghinga

Natunugan nila ang nangyayari saakin kaya mabilis na lumapit saakin ang babaeng nag ngangalang shania at masuyong hinawakan ang mga kamay ko na nanginginig

"Hey, hey, calm down okay? Breath slowly hmm. Inhale, exhale..." Sinunod ko ang sinabi niya kaya ngumiti siya saakin

"That's right avy. Calm down..."

For the last time, I release a heavy breath and slowly nod my head on her saying that i'm alright

Huminga siya ng maluwag at saka niya hinimas ang aking kamay na kaniyang hawak-hawak. Hindi siya umalis sa tabi ko at masuyo akong tinignan bago pinukol ang tingin sa asawa niya. Nakita kong tumango ito kaya tumingin siya sa lalaking sabog na nakaupo sa sofa at tulala

Nang malamang hindi ito makakakuha ng sagot ay bumuntong hininga siya at saka ako tinignan "You're Avylhana Amore Suaro and you had a short term amnesia"

A felt my body stiffen to its position and slowly, my heart begin to palpitate. Hindi ko na alam kung saan ako titingin dahil punong puno ng katanungan at kalituhan ang utak ko

Ano bang nangyari saakin at humantong sa ganito ang lahat? Gaano ba ako katanga bago ako nawalan ng memorya? Hindi ko na alam kung anong gagawin

Narinig ko ang sunod sunod na pag sigaw ni shania saakin ng mapansin niyang nag papalpitate nanaman ako. Hindi ko siya pinansin dahil nag simulang manlabo ang aking paningin at kumirot ng husto ang aking ulo.

With that, i lost consciousness

 
And now, I'm here in a big room lying and savouring the time on thinking about the possible things why i got admitted to the hospital

Hindi kaya nabangga ako? Or may nagawang masama ang 'asawa' ko na masama and that makes me run away and get bumped by a car or a ten wheeler truck. Or maybe, i got chased by some bad guys...

Sumimangot ako dahil imposibleng habulin ako ng mga masasamang tao. Mabait kaya ako! Pumikit ako ng mariin ng may maalala at saka sinapok ang aking ulo

Wala kang amnesia amore kaya huwag kang manguna sa tadhana!! Aish, stupid me!!

Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Ng magising kasi ako galing sa pag kakahinatay, again, tinanong ko sila kung anong nangyari saakin at kung bakit ako napunta sa hospital

Nang binanggit ko 'yon ay napansin ko ang pagkagulat at pagkabalisa nila. Ang isa naman na pinakilalang asawa ko ay naging tense ang katawan at naging halata sa kaniyang kilos at galaw ang galit. Umigting din kasi ang panga nito at mas lalong sumingkit ang pula nitong mata

Wala sa sarili akong napangiti ng pumasok sa utak ko ang mga mata niya. Napakagandang tignan. Parang may apoy na sumasayaw sa loob ng mga mata niya ng saglit na nag tama ang tingin namin

That's the most mesmerizing eyes i have ever seen. Mas bumagay kasi sa gwapo nitong mukha ang kulay at hulma ng nga mata niya

"Why are you smiling?"

Napaigtad ako sa gulat at bahagyang napatili bago mabilis na umupo at tumingin sa pinto. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang hawak hawak ang dibdib na nag tataas baba dahil sa mabilis na paghinga

Agad sumama ang tingin ko sakaniya dahil sa ginawa niya. Binato ko ang unan na yakap yakap ko kanina sakaniya na agad niya namang sinalo bago lumapit saakin

Napalunok ako at saka bahagyang umurong papunta sa headrest " 'di ka ba marunong kumatok? That's rude" Inirapan ko siya pagkatapos kong mag salita at saka bumuntong hininga

Nilapag niya sa higaan ko ang unan na binato ko sakaniya ng makalapit siya saakin bago tumayo sa gilid ko at saka ako tinitigan ng mariin, tila sinasaulo ang aking itsura

"You're in my house kitten. My property, my rules." Inirapan ko siya at saka ngumuso

Kung asawa niya ako at pag mamay-ari niya ang bahay na ito ibig sabihin ba non na pag aari ko na rin ito?

Inangat ko ang aking tingin at tumingin sakaniya na nakatitig saakin. Nakaawang ang kaniyang manipis na labi habang magulo ang buhok. Wala ata sa bokabularyo niya ang mag ayos ng buhok

Nakasuot siya ng plain t-shirt na kulay itim  habang pajama naman sa baba. Medyo napataas pa nga ang kilay ko ron dahil tanghali na. Hindi ba siya naiinitan?

Matangkad siya kumpara saakin. Hindi ko pa nararanasan na tumayo sa tabi niya kaya hindi ko alam kung hanggang saan ako ng tindig niya. Ang kulay pula niyang mata na tila nagbabaga ay nakatingin saakin ng mariin. Konti na nga lang ay matutunaw na ako e

"Did you eat?" Ang mariin niyang tingin saakin ay lumambot ng magtanong siya bago masuyong umupo sa higaan ko

Umurong ako ng kaunti para magkaroon siya ng space. Nakakahiya naman kasi kapag hindi ko binigyan. Baka matawag pa akong sugapa sa higaan, sheesh...

Maingat ako tumango habang nakasiklop ang mga kamay sa kandungan ko "Yea..." Mahina kong tugon

I saw how he raised his hand on me and because of that, I flinched. Pinikit ko ang mga mata ko at naghintay ng ilang segundo para maramdaman ang palad na tatama sa balat ko para saktan ako

Nag intay ako ng ilang segundo pero walang mahapdi ang tumama saakin, dahil don ay dumilat ako at mabagal na nilingon ang taong katabi ko

Nakita ko ang pag igting ng perpekto niyang panga at matinding galit ang dumaan sa mga mata niya. Naningkit rin ang mata nito na kanina lang ay malambot na nakatingin saakin. Mag kasalubong ang kilay nito at ang kamay na nakataas kanina ay nawala na. Nakita ko na 'tong nakalapag habang nakakuyom

Mabilis ang paghinga niya, indikasyon na nagpipigil siya ng galit. Pero bakit siya galit?

Dahil ba sa pagpikit ko? Pag igtad ko? Dahil ba sa naging reaksyon ng katawan ko?

Tumingin ako sa mga kamay ko at nakita ko itong nanginginig. Namumuo na rin ang mga luha sa mata ko habang nanginginig ang aking labi. Bakit ganito?

Bakit ganito pakiramdam ko? Why am i feeling pain? Why am i sad? Why am i angry? What is this unknown emotion i'm feeling? Bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko sa simpleng pagtaas ng kamay na 'yon ni fin?

Did i--

Did i experience mistreatment?

Unti unting nangunot ang noo ko dahil sa kaguluhan. B-bakit ganito nararamdaman ko?

Dahan dahang umangat ang tingin ko sakaniya habang naguguluhan. As i looked at him and met his ignited eyes, my tears fell

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon