Tahimik nalang akong umiyak sa silid na 'to pagkatapos akong iwan ni fin na maraming tanong sa utak. Napaka unfair lang sa part na ayaw nilang sabihin saakin kung anong dahilan ng pagiging ganito ng nararamdaman ko
Para akong isang paslit na kakapanganak pa lang sa mundo. Ni ayaw nga nila sabihin saakin kung may pamilya ba ako e. Tinatago nila saakin ang bagay na karapatan kong dapat malaman
Impit nalang akong sumigaw sa sobrang galit at pagtitimpi na nararamdaman habang patuloy pa rin sa pag iyak
"Avy..." Hindi ko pinansin ang kung sino mang kumakatok sa pinto ng kwartong 'to
Hindi naman 'yon naka lock kaya mabubuksan nila ang pinto kung kelan nila gustuhin
"Avy, narinig ko sa mga maids na hindi ka pa lumalabas diyan simula kanina, are you hungry?" Marahan na tanong ng boses babae na nasa labas ng pinto
Hindi ko pa rin 'yon pinansin sa halip ay nag talukbong ng kumot. Nararamdaman ko ang hapdi ng mga mata ko. Kanina pa kasi ako umiiyak kaya hindi na ako nag tatakang maga ang mga mata ko habang namumula ang ilong ko
Hindi ako titigil na mag kulong dito hanggat hindi nila sasabihin saakin kung anong alam nila tungkol saakin
"Papasok ako avy, ha?"
Narinig ko ang pag bukas ng pinto at pagpasok ng isang yabag. Hindi ko tinitigan kung sino ito sa halip ay umakto akong natutulog
"Right. I know you're upset with us for not telling you of who you really are but avy, we just wanted to protect you. I know it's kinda unreasonable but we really just want to protect you"
Kumuyom ang mga kamao ko dahil sa narinig at saka nag salita "Protecting me saan?" Mahina kong tugon at sinigurado kong maririnig niya pa rin
Wala akong narinig na tugon kaya tumawa ako ng mahina at saka inalis ang pagkakatalukbong. Umupo ako at saka walang emosyong tumingin sa taong nag sabi non
"See? Paano ko kayo maiintindihan kung ayaw niyong sabihin saakin 'yang protect-protect na 'yan?"
Hindi ko na maintindihan ang lahat ng reason nila. Tao lang din naman ako at pagod na mag hintay. Napapagod din akong umintindi
"I'm sorry avy..." Narinig ko ang papalayo niyang yapak at ang pag sara ng pinto na kinatanggal ko ng kumot sa buong katawan ko at nag simula uling umiyak
Huminga ako ng malalim at saka matamlay na tumayo at pumunta sa banyo. Tinitigan ko ang sarili sa salamin
My eyes are swollen red na kapag umiyak pa ako ulit ay dugo na ang lalabas sa mga mata ko. My nose is also red as my hair is a little bit messy. Napakagat nalang ako sa labi dahil sa nakikita
Tatlong araw na akong nakakulong sa kwartong 'to at sa tatlong araw na 'yon ay hindi ko naisipang lumabas. Ni hindi pa ako kumakain at sa tuwing naiisip ko ang pagtatago nila saakin nang totoong pagkatao ko ay nawawalan lang ako lalo ng gana
Good thing wala akong nakikitang matulis na bagay dito para isaksak sa sarili ko. Also, i'm still not on the verge of being crazy
Sa tatlong araw na 'yon ay naririnig ko ang mga nag papanik na boses sa labas ng kwarto. Sunod sunod na katok, tanong, pag mamakaawa na lumabas na ako at kumain na
Mabigat akong bumuntong hininga at saka nag hilamos pagkatapos ay tinitigan ang repleksyon sa salamin. I look like a freaking mess. I smell bad na rin dahil hindi ako kailanman naligo dahil sa pagdadrama
"You know what amore? Crying is useless so fix yourself and find your sense of self" Mahina kong sinampal ang sarili pagkatapos kong sabihin iyon sa sarili
" 'di ka ba napapagod?" Tanong ko sa sarili at saka napayuko
Pagod na ako...
I'm tired yet here i am, still breathing
Lumabas ako ng cr at saka pumunta ng walk in closet at nag hanap ng masusuot. Bumalik ako sa cr pagkatapos at napag pasiyahang maligo
I'm busy combing my hair in the whole length mirror. Mag didilim na ang panahon sa labas. Sa hula ko ay ala-singko o ala-sais na. Nilapag ko ang suklay sa vanity mirror ng makatayo at saka naisipang lumabas na sa kwartong 'to
Matamlay akong nag bukas ng pinto at bumaba and every maid that i pass by is looking at me shocked . Sino nga ba namang hindi lalo na at nakakulong ako sa kwarto at hindi nag paramdam o nag salita sa tuwing kumakatok sila
Dumeretso ako sa kusina at nakita ko si gin at ang asawa nito na kumakain. Nang mapansin nila ang presensya ko e nag angat sila ng tingin to be greeted by their widening eyes
Bumuntong hininga nalang ako at saka matamlay na umupo at nag sandok ng pagkain. May nakita kasi akong plato na walang laman, nakalagay 'yon mismo kung saan ako nakaupo ngayon kaya naisipan ko nang iyon ang gamitin ko. Tutal mukha namang malinis e
"O my gosh..."
"Finally, i thought you killed yourself inside your room. You make us worried avy" Ani ni gin saakin habang nakangiti na parang sinasabi na magiging maayos din ang lahat. Nag pilit nalang ako ng ngiti sakaniya at saka binigyang pansin ang pagkain
I think i should call her kuya
"AVY!!!"
Sinalubong ako ng yakap ng asawa ni gin na kinagulat ko. Humihingi 'to ng sorry saakin na kinabuntong hininga ko nalang. I don't know what to say so I chose to stay silent and just pat her back
Maiintindihin mo sila amore. Intindihin mo sila...
"It's okay shania. Tahan na. Para naman akong mamatay dahil sa pag iyak mo" I joke even if deep inside i want to burst with anger because of them hiding my true identity
"I'm really sorry... We just really wanted to protect-- it's okay now. Don't mention it" Putol ko sa sasabihin pa niya
Baka 'di ako makapag pigil at mailabas lahat ng hinanakit ko sakanila, ayoko namang mangyari 'yon lalo na at i've become part of their family. Sila din ang nag ligtas at tumulong saakin para maka recover ako ng mabilis
Marami akong utang na loob sakanila and i don't know how to repay their kindness
Lumayo siya saakin habang nag pupunas ng luha na kinatawa ko ng mahina at saka siya nginitian ng maliit
"Okay na. Huwag ka nang mag sorry, there's nothing to be sorry about. Tuloy na natin ang naudlot na kainan?" I said as i took a spoonful to my mouth
Ngumiti siya saakin ng matamis at nakita ko ang kaginhawaan sa mukha niya. Maybe nabagabag siya sa pagkukulong ko ng kwarto. Bumuntong hininga nalang ako at saka pinag tuunan ng pansin ang pagkain
I never thought that pretending is harder than i thought it would be...
BINABASA MO ANG
Mistaken Life
RomanceAvylhana Amore Suaro is a girl who lives just to bare the unending pain the world had Will she have a happy ending?
