Nag pupuyos ako ng galit na tumingin sa ama amahan ko na ngayon ay gulat ngunit nag aalab na mga matang nakatingin saakinNakita ko rin ang ina ko na kakababa lang na nakatingin saamin na may gulat sa mata.
Alam kong galit siya ngayon. Galit silang pareho ngayon, pero wala akong pakiAng huling araw na nag karoon ako ng paki sakanila ay nung mga panahong bata pa ako. Nung mga panahong hindi pa mulat ang mga mata ko sa realidad. Tanging galit na lamang ang namumuo sa puso ko dahil sakanila
"WALANG HIYA KA!" Galit kong sigaw habang nakaduro sakaniya
"HINDI KO KAYO BINIBIGYAN NG KAHIT ANONG PANSIN!! HINAHAYAAN KO KAYO DIYAN SA LABAS NA MAG PAKASASA SA SARILI NIYONG BISYO GAMIT ANG PERA KO!! TAPOS MALALAMAN KO NA SINASAKTAN NIYO ANG MGA KAPATID KO?!! ANG KAKAPAL NAMAN PALA NG MGA MUKHA NIYO!!" Nang gigigil kong sabi habang nag pupuyos sa galit na nakatingin sakaniya
Mula sa aking gilid na mata, nakita ko ang mabilis na pag baba ng aking ina habang gigil at galit ang mga mata. Nakita ko naman ang mga kapatid ko na nakatago sa gilid ng hagdan habang si ace ay nakatingin saakin nang nag mamakaawa
"Ate, tama na..."
Isang sampal ang sumalubong sa pisngi ko at nadagdagan pa ng isa sa kabila. Nag tama ang tingin namin ni mama at kita ko sa mga emosyon sa mata niya ang galit, lungkot, pag sisisi. Pero kahit na ganun ay mas lamang pa rin ang galit
"Ayos ayusin mo pananalita mo amore!! Tandaan mong anak lang kita!! Anak lang kita kaya wala kang karapatan na maningil saamin!!! Tandaan mo! ITATAK MO DIYAN SA KOKOTE MO NA KUNG WALA AKO, WALA KA NGAYON!!! KUNG HINDI DAHIL SAAKIN, HINDI KA LALAKI NA MAY ISIP AT KATALINUHAN!! TANDAAN MO 'YAN!!!"
Mas lalo akong nagalit "BAKIT MA? NAG PAKA INA KA BA SAAKIN?!! KAHIT BA ISANG BESES MINAHAL MO KO BILANG ANAK MO?!! SIMULA'T SAPUL, ANG TINGIN MO SAAKIN AY ISANG BASTARDA DIBA?!! SIMULA'T SAPUL, ANG TINGIN MO SAAKIN AY ISANG ANAK NG RAPIST DIBA?!! DIBA MA??!!" Nakatanggap ulit ako ng isang malakas na sampal na nag palabo ng mga mata ko dahil sa luhang nag babadyang bumagsak
"Ma, tama na!!" Sigaw ni ace
Nakita kong tumakbo ang kapatid ko sa harapan ko para harangan ako. Kahit siya ay umiiyak na rin "Tama na ma!"
"UMALIS KA DIYAN JACE!" Pabalyang hinawakan ng aking ina ang braso ng kapatid ko at saka siya binato sa gilid na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat at mas lalong umaalab ang galit na namumuo sa puso ko
Tumama ang likod ng kapatid ko sa pader ng bahay namin na kahoy. "Kuya!!" Lumipat ang mga kapatid ko sa kuya nila at kahit sila ay umiiyak na rin nakatingin sa kuya nilang nang hihina dahil sa pag lipad
Nakita ko ang ama amahan ko na nakatingin na saakin ng masama habang nakahawak sa panga. Nakatayo na siya galing sa pag kakabagsak
"WALA KANG KUWENTANG ANAK!! WALA KANG UTANG NA LOOB!! WALA KANG KARAPATAN NA SIGAWAN AKO AT SAKTAN 'YANG TATAY MO!! TANDAAN MO 'YAN!! IKAW BA ANG INA NG MGA KAPATID MO PARA MAG SABI NG WALANG KARAPATANG SAKTAN HA?!! TANDAAN MONG KAMI PA RIN ANG MAGULANG NIYO!!!" Ha! Magulang. Magulang na hindi nag paka magulang
Tumingala ako, at duon, lumabas ang malakas kong tawa habang tuloy tuloy na tumutulo ang luhang nang gagaling mga mata ko
"WALANG KARAPATAN?! MA!!! WAKE UP!!! ARE YOU BLIND BY YOUR LOVE TO THAT FUCKING MAN?!!! MASYADO KANA BANG BINULAG NG LALAKING 'YAN PARA MAKALIMUTAN ANG PAG HIHIRAP NATIN SA KAMAY NG PUTANGINANG LALAKING 'YAN?!! N-NAKALIMUTAN MO NA BA ANG P-PAG TITIIS NATIN SA GUTOM HA?!! NANG DAHIL S-SA LALAKING 'YAN!! DAHIL SA L-LALAKING 'YAN MA!!!" Humagulhol ako ng iyak habang nakatingin sakaniya--sakanilang dalawa na nakatingin saakin ng may galit

BINABASA MO ANG
Mistaken Life
RomanceAvylhana Amore Suaro is a girl who lives just to bare the unending pain the world had Will she have a happy ending?