4:00 amNaalimpungatan ako sa alarm clock ng cellphone ko sa tabi ng higaan. Agad agad akong naligo at nag ayos. Nag lagay ako ng concealer sa mukha upang maitago ang mukha kong namamaga at namumula. Biglang gumawi ang tingin ko sa mga braso kong puno ng pasa't kalmot
Sinasabi na nga bang ngayon mag papakita lahat ng 'to eh...
Bumuntong hininga ako at saka 'yon linagyan ng concealer. Hindi 'to pwedeng makita ng mga tao dahil baka mag taka sila o worst mag sumbong na kesyo may asawa ako at ang asawa kong 'yon ay sinasaktan ako. Delikado. Baka mag karoon ako ng asawa ng wala sa oras
Nag labo ang paningin ko kaya napahawak ako sa kobre kama habang nakapikit. Unti unting nag flash saaking memorya ang malabong imahe ng lalaki sa dilim at nakaharap 'to saakin. Masyadong malabo kaya't hindi ko nakita ang mukha nito
Unti unti kong hinilot ang sintido at nawala na ang imaheng 'yon. Dahan dahan, nag mulat ako ng mata at saka tumingin sa salamin. Namumutla ang mga labi ko. Actually, buong mukha ang namumutla saakin
Bumuntong hininga ulit ako at saka pinag patuloy ang pag lalagay ng concealer. Kung ano mang nakita ko ay baka gawa gawa lang 'yon ng memorya ko.
Tumayo ako pag katapos ko mag lagay ng kakaunting liptint at nag tali ng buhok. Isang messy bun lang ang ginawa ko sa buhok at saka sinuot ang black shoes at lumabas dala dala ang bag. Nadaanan ko ang kuwarto ng kapatid ko at ng magulang ko
Wala akong naririnig na mga kalabog sa kuwarto nila kaya lumuwag ang aking hininga. Nakarating ako sa sala at wala pang tao duon habang naka patay ang mga ilaw. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at saka lumabas. Sinara ko iyon at siniguradong naka lock ito bago pumunta sa motor ko. Sinuot ko ang sumbrero ko at saka 'yon pinaandar at minaneobra.
Malamig na hangin ang sumalubong saakin. Marami nang mga sasakyan sa kalsada. Nag iingayan nilang busina at kumikinang nilang ilaw ang nag papaliwanag sa dinaraanan ng lahat. Unti unti ko na ring nakikita ang pag sikat ng araw
Bumalik nanaman sa utak ko ang nangyari kahapon. Mahirap 'yon kalimutan. Tila isang tunog na patuloy na tumutugtog sa tainga ko na nag papairita sa ear drums ko at nag papasakit ng ulo
Masyadong malala ang natamo ko sa nanay ko. Sa tuwing nag aaway naman kami ng nanay ko ay hindi nagiging ganito ang kalagayan ko. 'yong tipong mag dudugo ang buong katawan dahil sa pasa't sugat na natamo. Ngayon lamang 'to nangyari saakin at hindi iyon maganda. Para itong patuloy na hinahalukay hanggang sa kailaliman ng balat ko
Hindi naman ako nag aalala sa mga katrabaho ko at sa mga costumer nang pinag tatrabahuhan ko eh. Hindi nila mapapansin ang suot ko at ang mga nag tatagong mga sugat at pasa sa katawan ko. Natural lang na mag suot ako ng sleeves dahil de aircon ang pinag tatrabahuhan ko kaya hindi ako nag aalala.
Ang problema ko ay ang mga pasa't sugat sa braso ko. Huwag lang sana nila akong hawakan dahil makikita nila ang pag igik at pag daing ko
Hanggat kaya ko ay pipigilan ko. Malamang, wala naman akong magagawa. 'yon lang din ang isang paraan. Panganay ako kaya dapat matuto akong mag tiis sa lahat ng nangyayari saakin
Nakakapagod iendure ang isang bagay o gawa na alam kong sa huli ay mag iiwan saaking memorya ng bitak at peklat na hindi ko na kailanman makakalimutan
Patuloy na umuukit sa aking buong sistema...
Nakarating na ako sa trabaho ko kaya pinark ko ang motor na sinakyan ko. Bumaba ako at tinanggal ang sumbrero at linagay iyon sa loob ng compartment ng motor. Bukas na ang cafe na pinag tatrabahuhan ko. Nakita ko pa ang iba ko pang katrabaho na nag aayos ng mga upuan at nag pupunas ng lamesa at counter"Good morning" Nakangiti kong bati sakanila
Nag angat sila ng tingin saakin at saka bumati pabalik. Pupunta na sana ako ng kusina ng biglang may pumasok sa loob ng restaurant. Tumigil ang mga katrabaho ko at kagaya ko ay tumingin din sila sa pinto upang batiin ang pumasok
"Good morning my employees" Bati ng pumasok
Sabay sabay kaming humilera sa gilid at yumuko para bumati. Ang boss naming may katandaan ang mukha ang pumasok. Kasama nito ang kaniyang asawa na mataray ang tingin saamin at isang lalaking nasa likod nito
Hindi ko pa makita kita ang itsura dahil nasa likod ito ng boss namin. Base na napansin ko, may katangkaran ito mukhang mayaman
"I want to tell you all that you really did a great job for keeping this restaurant of mine neat and clean. Thank you for working on me" Nakangiti ang boss namin na 'yon at nabakasan ko sa mga mata niya ang lungkot
Lahat kami ay nag pasalamat at ang buong sistema ko ay kinakain ng pagtataka. Sa boses kasi niya ay parang namamaalam siya
"I want you all to meet Mr. Levin. Your new boss strating today" Siya mismo ang gumilid para makita namin ang taong nasa likod niya
Unti unting bumilis ang tibok ng puso ko. Pamilyar ang itsura niya sa paningin ko. Hindi ako nag kakamali
Nakatingin saamin ang agresibo ngunit malamig niyang kulay pulang mga mata. Matangos ang kaniyang ilong at perpekto ang kaniyang panga. Kulay itim ang kaniyang buhok na masyadong magulo ngunit hindi 'yon nakabawas sa itsura niyang nakakamangha
Business attire ang outfit niya at kung hindi ako nagkakamali, 6 footer ang kaniyang tangkad. Tila isang buwan ang tinagal ng panginoon upang mahulma ng maayos ang adonis na 'to saaming harapan
Napapansin ko pa ang iba naming katrabahong babae na namamanghang nakatingin sakaniya habang nakanganga. Kulang nalang ay mag laway sila sa adonis na nasa harapan namin
Ginalugad niya ng tingin ang buong restaurant na malinis at naka organize na ang mga gamit dahil sa paglilinis namin kanina. Pag katapos niyang igalugad ang tingin ay tumigil ang kaniyang paningin saaming mga staff na nag tatrabaho dito
Nakatayo kami ng maayos at inoobserbahan ang kaniyang mga galaw. Kakasabi lang ng boss namin na siya ang bago naming magiging boss
Masyadong malamig at agresibo ang kulay pula niyang mata. Tila may balak na pumatay ng kung sinong haharang sa kaniyang daraanan
Nakapamulsa ang kaniyang mga kamay ng dumako ang tingin niya saakin. Hindi ko alam kung namamalikmata ako totoo ang nakita kong emosyon na dumaan sa mga mata niya
Nagliwanag kasi 'yon at napansin ko ang paninigas niya sa kinatatayuan. Napansin ko pa ang isang emosyon na dumaan sa mata niya na hindi ko matukoy kung ano iyon
Nagkatitigan kami sa mga mata at inaalala ko kung saan ko siya nakita. Pamilyar kasi ang itsura niya saakin. Nagsimulang manigas ang aking katawan ng may mapagtanto
Siya ang lalaking nakasama ko sa bar nuon. Siya ang lalaking nakauna saakin. Siya ang lalaking kumuha ng puri ko. Siya ang--
Nanlaki ang mga mata ko at unti unting yumuko dahil sunod sunod na senaryo ang pumasok sa utak ko
Kung paano ako naligaw sa isang kuwarto pagkatapos kong gamitin ang c.r. Kung paano ko siya nakita na nakapatong saakin habang hinahalik halikan ako
Kung paano--
I shookt my head. This is freaking insane!! Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang lalaking tinakasan at tinaguan ko
"I am sorry my employees. Mag mamigrate kaming mag asawa sa ibang bansa at duon titira ng pang habang buhay kaya binenta namin ang iba naming negosyo dito. Hindi na kasi namin alam kung sino ang maghahandle nuon. Tumatanda na rin ako HAHAHA" Pabiro pa niyang saad
Kinakain pa rin ang utak ko ng purong pag iisip. Hindi ko kinakaya ang nakikita ko sa harapan. Hindi ko napapansin ang nanginginig kong kamay. Sana nga lang ay napansin nilang hindi ako kinakabahan
Nakita ko ang pag taas ng sulok ng labi niya at ang pag bulong niya sa hangin na kinakaba ko lalo. Nabasa ko 'yon...
"Don't play hide and seek on me anymore my lost kitten"
BINABASA MO ANG
Mistaken Life
Roman d'amourAvylhana Amore Suaro is a girl who lives just to bare the unending pain the world had Will she have a happy ending?