Nagising ako na masakit ang ulo at para iyong pinopokpok. Dahan dahan akong umupo at sumandal sa head board para hindi makaramdam ng sobrang pagkahiloSyete, hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. Sobrang sakit ng ulo ko lalo na ang nasa pagitan ng hita ko. Binugbog ba ako kahapon??
Dinilat ko ang mga mata at tumingin sa paligid. Unti unting nanlaki ang mata ko ng iba na ang kwartong kinalalagian ko. Binuhat at linipat niya ba ako?
May malaking bintana sa gilid na tinatakpan ng makapal sa kortina kaya madilim ang silid. May side table sa kaliwa ng higaan ko at may lamp shade roon. May tatlong pinto akong nakita
Kung hindi ako nag kakamali, nasa masters bedroom ako. At ang pintong nasa kanan ay c.r at walk in closet. Habang ang isang pinto naman banda sa kanan ay pinto papalabas
Ibig bang sabihin ay nasa bahay niya ako at hindi lang basta nasa hotel?
Pumikit ulit ako at saka hinilot ang sintido. Para akong pinapatay sa sobrang sakit ng buong katawan ko. Hindi ko kinakaya. Mabigat din kasi kaya hindi ko mabuhat masyado ang katawan ko ng umupo ako kanina
May napansin akong tubig sa side table at gamot. May kasama iyong notes kaya binasa ko ito
To my kitten:
Drink this advil to lessen your body pain kitten. Also, see the paper bag on the sofa? That's your clothes. I'm sorry for the bruises I caused. Babawi ako pag uwi ko, I'll just need to finish something
Love,
husband
Bumuntong hininga na lamang ako at saka kinuha ang gamot at tubig pagkatapos ay ininom iyon. Binalik ko iyon at saka tumingin sa sofa at tama nga siya. May paper bag doonDahan dahan akong gumapang pababa sa kama at saka umupo saglit. Dahan dahan akong tumayo at naramdaman ko ang biglang panginginig ng mga binti ko. Humawak ako sa kama para masuportahan ang sarili at unti unting ngumiwi
Napakasakit sa tuwing iaapak ko ang mga paa ko. Parang kinukurot at hinuhukay ang bawat himaymay ng buong katawan ko. Nanubig na lamang ang mga mata sa sobrang sakit na naramdaman
Kasalanan niya 'to eh!! Kung hindi siya naging gentleman kagabi, makakalakad sana ako ng maayos ngayon. Hindi sana ganito kasakit!!
Nagustuhan mo naman diba? Unti unti akong umiling at winasiwas ang aking ulo. Ano nanaman bang katarantaduhan ang bumubulong saakin?
Bumuntong hininga ako at saka kinuha ang paper bag na nasa sofa pagkatapos ay pumunta sa c.r. Binuksan ko ang pinto habang paika ikang nag lalakad at sinara at ni lock iyon
May nakita akong full body mirror kaya tinignan ko ang repleksyon ko. Ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ang itsura kong sabog at bugbog na bugbog
Namumulang pisngi. Magulong magulo na buhok. Binilang ko ang violet na nasa aking leeg. Ganoon na lamang ang pag kuyom ng kamao ko. Sampo. Sampong hickey ang nasa leeg ko. Tangina!!
Namumula pa ang leeg ko dahil sa hawak niya kagabi. Hinubad ko ang aking buong saplot at ganoon na lamang ang pamumula ko ng makita ko ang aking itsura
Marami akong hickey sa dibdib at limang hickey sa bandang tiyan. Namumula rin ang aking beywang at may pasa pa akong nakita roon marahil sa mahigpit niyang pag kakahawak saakin. Namumula ang hita ko at may bakas ng kagat. My vigina is also swollen kaya mas lalo akong namula
Puta amore, is that you? You look like a freaking mess girl!! Anong ginawa sayo ng lalaking 'yon? Halimaw ba iyon? Kulang nalang lapain ka na niya ng buong buo dahil sa itsura mo
Kaya siguro sobrang sakit ng buong katawan ko at hindi makalakad ng maayos. Naalala kong, pagkatapos kong makatulog kagabi ay nagising ako ng madilim dilim pa rin na may gumagawal sa aking ibabaw
Hindi ako tinantanan ng lalaking iyon kaya siguro ganito na lang kalala ang nasa katawan ko. Ang ending ay maliwanag na akong nakatulog
Wala naman akong nakitang oras kagabi kaya hindi ko alam kung anong oras kami natapos. Nilibot niya ang buong kwarto at hindi ako tinantanan hanggat hindi ako pagod. Siguro ay tanghali na
Bumuntong hininga nalang ako at saka nag simulang maligo. Yari lang saakin ang lalaking iyon mamaya. Bwisit na 'yan
Natapos na akong maligo at mag bihis. Ang laman ng paper bag na kulay blue ay undies na Iba't ibang kulay. Kung ano ang bilang ng undies ay ganoon din ang bilang ng bra na may Iba't ibang sikat na brandTinotoo nga niya ang sinabi niya kagabi na bibilan niya ako ng maraming ganoon. Akala ko ay nag bibiro lamang siya. Wala akong nakitang short at t-shirt na pambabae room kaya mas lalong nag init ang ulo ko
Anong silbi ng pagbili niya ng mga ganoong bagay kung wala naman 'yong pantago sa bagay na binili niya?
Ang ending at naka tapis akong lumabas ng c.r at pumunta sa walk in closet at pagkatapos ay kumuha ng damit niya roon
Isang sweater na kulay gray ang kinuha ko at hanggang baba ng tuhod ko iyon. Hindi na ako kumuha ng Short niya dahil una, ang weird tignan. Pangalawa, alam kong magiging palda ang itsura ko kapag sinuot ko ang pantaas
Pumunta ako sa pinto at sinubukan ko iyong buksan. Ganoon na lamang ang panghihinayang ko ng hindi ko 'yon mabuksan
Tangina, nalaman ba niyang kasinungalingan ang inusal ko sakaniya kagabi? Parang nag mukha akong tanga sa bagay na 'yon
Bagsak balikat akong bumalik sa higaan ng gumawi ang paningin ko sa gilid. Nakita ko ang bintana doon kaya pumunta ako roon at binuksan ang kurtina. Mas lalo akong nang hinayang dahil napakataas ng kinalalagyan ko
Nakakalula ng tumingin ako sa baba. Sinigurado niya talagang hindi ako makakatakas. Kampanteng kampante rin siyang hindi ko magagawang kunin ang buhay ko kapag binasag ko ang baso na nasa side table dahil may mga kapatid akong maiiwan
Mukhang hindi ako makakauwi ngayon. Fuck, hindi pupwede 'to. Malilintikan na ako sa nanay ko. Iniling ko ang ulo ko at bumuntong hininga. Bakit nga ba ako may paki sakaniya? Bakit ako nag aalala? Is it because i'm scared na mag away nanaman kami at tatakbo nanaman siya sa kaniyang hampas lupang plastic na asawa?
'yong mga kapatid ko nasa bahay. Baka pinag bubuhatan nanaman ang mga iyon ng kamay. Bwisit naman 'o. Nakakainis!!!
Napaiyak nalang ako sa frustasyon. Takte, matagal na ba niyang pinag planuhan ang bagay na 'to? Pinag isipan niyang mabuti ganoon ba? Kung saladsad lang akong babae at hindi nag iisip ng tama ay baka napatay ko na ang sarili ko gamit ang basong babasagin sa side table
Nanghihina akong bumalik sa kama habang patuloy ang pagtulo ng luha at saka roon umupo. Pinikit ko na lamang ang aking mata upang pigilan ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko at inawang ang labi. May maliliit na hikbi ang kumakawala room
Mabigat na ang pakiramdam ko. Kung hindi ako nag kakamali ay tatrangkasuhin ako. Hindi ko kasi maramdaman ang katawan ko at malalim ang paghinga ko
Habang nag kukuskos nga ako kanina ay panay ang inda ko dahil sa mga natamo ko sakaniya. Dinaig ko pa ang binugbog ng lalaking asawa dahil sa itsura
Nag ngitngit ang aking ipin at ikinuyom ang kamao sa sobrang pag pipigil ng galit. Hindi ko na nagugustuhan 'tong ginagawa niya saakin

BINABASA MO ANG
Mistaken Life
RomanceAvylhana Amore Suaro is a girl who lives just to bare the unending pain the world had Will she have a happy ending?