Dinilat ni fin ang mga mata at saka tumingin sa asawa nito na umiiyak nanaman. Mabilis siyang umayos ng upo at saka pinunasan ang mga luha nito. Hinalikan niya ang noo nito at saka hinawakan ang kamay at iyon ang hinalikan"I love you so much wife. Come back now. Balik ka na saakin baby..." Ganoon ang ginagawa ni fin sa bawat araw na nag daan
2 months. Dalawang buwan na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay wala pa ring progress si amore. Nakatulala pa rin ito sa kawalan at pansin na ang kapayatan nito sa katawan. Sumasayad na ang buhok nito sa higaan at kapansin pansin ang nangingitim nitong baba ng mata
Hindi na kayang makita na ganito ang itsura ni amore. Patuloy na nasasaktan si fin at gustong gusto niya na ilipat sakaniya ang sakit na nararamdaman ngayon ng dalaga
Oras-oras na siyang nag dadasal na sana ibalik na sakaniya si amore. Ibalik na sana sakaniya ang asawa nito. Tama na ang napagdaanan nito at tigilan na siya
Araw araw ay lumuluhod ito sa panginoon even though he doesn't believe in him. He stops believing in god when he was still a child. It's like the only key to believe in him again is to make his life miserable using amore
"I miss you so much wife. Tumingin ka na saakin, oh..." Pag mamakaawang ani nito habang nakaluhod habang hawak ang kamay ng dalaga
Every person who sees him will definitely feel pity. Bumalik ulit kasi sa dati ang binata. Hindi man ito nag papakalulong sa alak sa takot na maamoy siya ng asawa, bumalik naman siya sa gawi na hindi kumain at hindi asikasuhin ang sarili
Kung anong pagod at hindi pag papahinga ng dalaga ay sinusundan niya.
Inangat ng binata ang kamay at pinunasan ang luha nitong tumulo. Ganito nalang lagi, hindi niya alam kung bakit patuloy na umiiyak ang dalaga. Kung siya lang sana ang nag dudusa ngayon at hindi si amore...
He bit his lower lip to make his self awake though his eyes won't budge even a second. With that, he drifted to sleep holding amore's hand
Yumuko ang dalaga habang umiiyak. Nag papaulit-ulit ang eksena sa harapan niya at durog na durog na siyang pinapanood ito. Hindi niya alam kung ilang araw na siyang nasa madilim na lugar na 'yon. Ni hindi nga siya makaramdam ng gutom, pagka uhaw at pagka antok"H-hindi ka b-ba talaga titigil?" Nanghihinang ani ng dalaga sa sarili dahil sa pag iyak
Suddenly, she felt warm hands enveloped her cheeks. She looked up while crying only to find out someone looking at her with pity
"Amore apo, anong nangyari sayo?" Malambing na tanong ng matanda habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga
Nakatali pa rin ng bakal ang kamay ni amore at nakatali ito sa hindi niya alam kung poste ba o ano
Walang pagod namang sunod-sunod na lumandas ang mga luha niya. She cried helplessly in front of her grandmother
She don't know kung bakit nasa harapan niya ngayon ang matanda. Matagal nang patay ito. Ito kasi ang nag alaga sakaniya noong mga panahong inuuna ng kaniyang ina ang trabaho which is selling her body
"L-lola..." Umiiyak na bulong niya at malakas na humagulhol
Napapikit siya at saka napakagat ng labi nang maramdaman niya ang kamay nito na humawak sa ulo niya at hinimas ito
"Yosh, yosh. Tahan na aking apo. Kakayanin mo lahat 'no?"
"A-ayoko na p-po, l-lola. P-pagod na p-pagod na po a-ako..." Umiyak ng malakas ang dalaga at gustuhin niya mang takpan ang mukha ay hindi niya magawa dahil sa tali
"I-isama niyo na p-po a-ako, lola. S-sige na p-please..." Pag mamakaawa ng dalaga at saka tumingala at tumingin sa matanda only to find her looking at her in a stern look. It is like, stopping her to say another word
"Ano ba ang mga sinasabi mo? Malakas ka hindi ba? Kapag sumama ka saakin paano na ang mga nag mamahal sa'yo? Paano na ang mga kapatid mo? Ang mga magulang mo? Paano na ang pinakamamahal mo?"
"Iiwan mo nalang sila basta-basta dahil hindi mo na kinakaya ang mga pagsubok na binibigay sa'yo nang panginoon? Susukuan mo nalang 'yon at hindi mo lalabanan? Hindi ka mag papakatatag dahil sa hirap?" Tanong nito sakaniya na mas lalo niyang kina iyak
'yon nga e. Napakalaking pag-subok nito at hindi na niya kinakaya dahil patuloy siyang pinapatay sa loob. Para siyang binabangungot. Masyadong nakakapanghina...
"A-ayoko na po... P-pagod na p-pagod na po a-ako..."
"Isipin mo ang mga maiiwan mo amore. Huwag kang mag papadala sa takot mo..." Bumagsak na lamang siya sa sahig pagkatapos niyang maramdaman ang unti-unting pagtanggal ng mga bakal sa kamay niya
Tinakpan niya ang mukha at humagulhol na parang bata. Naramdaman niya naman ang mainit na yakap ng lola at hinalik halikan siya sa noo
"Magiging maayos din ang lahat apo. Malalabanan mo 'to. Makakatayo ka ulit sa sarili mong mga paa. At kapag nangyari 'yon, ako ang unang mag didiwang kahit na wala na ako sa tabi mo. Tandaan mo lagi na kapag nararamdaman mong mag isa ka, nandito ako sa tabi mo handa kang samahan at alalayan. Mahal na mahal kita apo" Malambing na ani ng matanda habang hinahalikan ang tuktok ng ulo nito
Yumakap ng mahigpit si amore sa lola at saka patuloy na umiyak. Parang bumalik sila sa pagkabata. Kung saan uuwi si amore sa tahanan ng lola nito habang umiiyak dahil dumudugo ang tuhod nito dahil sa pagkakadapa. Nandiyan lagi ang lola para umalalay sakaniya at patahanin siya. Nandiyan ang matanda upang pawiin ang sakit na nararamdaman niya
"Mahal na mahal ka ni lola amore..."
"M-mahal na m-mahal ko rin p-po kayo..."
Malakas na liwanag ang kumain sa buong lugar na kinalalagian niya at naramdaman niya ang init na tumatama sa braso. Naramdaman niya pang may humahawak sa kamay nito
Ang madilim na lugar na kinasanayan niyang tirhan ay napalitan ng liwanag only to find out that she is out of that place. She found herself in fin's room
Wala na ang lola niyang nakayakap sakaniya kanina lamang pero kahit na ganoon, nararamdaman pa rin nito ang init ng yakap nang matanda
Isang malakas na hagulhol ang lumabas sa lalamunan niya at saka tinakpan ang bibig upang hindi magising ang nasa tabi niyang natutulog
Iniyak niya lahat ng sakit at pait na naranasan niya. Iniyakan niya pati ang pagsisising binigkas niya ang mga katagang 'yon sa kaniyang lola
Tila sinampal siya ng katotohanan na hindi pagpapakamatay ang solusyon sa sakit na nararamdaman
BINABASA MO ANG
Mistaken Life
RomanceAvylhana Amore Suaro is a girl who lives just to bare the unending pain the world had Will she have a happy ending?