Kabanata 19

6 0 0
                                    


Third Person POV

3 weeks past...

Tatlong linggo. Tatlong linggo na ang dumaan pero hindi pa rin nagigising si amore. Pagkatapos ng pag kakaroon nito ng malay at pag wawala, nakatulog ito ulit dahil sa itinurok ng doktor sakaniyang katawan

Binalita ng doktor kay fin na coma ito. After ng incident na nangyari sakaniya ay nagsimulang hindi mag function ng maayos ang kaniyang utak. Pinag sabay sabay na stress, trauma at anxiety ang inabot ng kaniyang utak dahilan ng pagtigil nito

Abot-abot naman ang kaba at pag aalala ni fin dahil sa nalaman. Muntik pa nitong mapatay ang doktor na nag balita sakaniya kung hindi lang ito napigilan ng kaniyang kapatid

Sa tatlong linggong nag daan na 'yon ay hindi natatapos ang isang araw na hindi lango sa alak ang binata. Papahirapan ang mga taong naging dahilan ng pag hihirap ni amore at mag babantay sa hospital pagkatapos ay mag lalango ulit sa alak

Kahit ang asawa ng kaniyang kapatid na si Shania ay sunod sunod ang pag susumbong at pag bubunganga sa asawa dahil sa ginagawa ng kapatid nito

Minsan ay naitutulak ni Shania ito sa tuwing siya ang papalit sa pag babantay at makikita nito si fin na amoy alak at patuloy na nag mamakaawa na gumising ang dalaga

Masyado nang naaawa ang mag asawa dahil sa kinahantungan ng binata. Kahit sila ay hindi na rin mapakali at panay ang paalala dahil ayaw nilang mag bantay ng dalawang pasyente nang sabay

Halata na kasi ang pangangayayat ng binata at pag hahaba ng bigote nito. Masangsang na rin ang amoy nito na dumadagdag sa amoy ng alak. Kung hindi pa ito hihilain ni Gin--kapatid ni Fin--papunta sa banyo ay baka wala pa 'tong ligo simula ng mailagay nila si amore sa hospital

"You're here again fin? Diba sabi ko sayo, linisin mo muna ang sarili mo bago ka bumalik dito." Nakataas na kilay na sabi ni shania at mababakasan doon ang pandidiring boses

Nanunuot nanaman kasi sa amoy niya ang alak na nakadikit sa katawan ng binata na nakaupo ngayon sa kaliwa at hinahawakan ang kamay ng dalaga at hinahalik-halikan ito

"Ha! Seriously? Ano bang nagustuhan sayo ni amore? You look ugly in my eyes. Maybe you bewitch her or threaten her to stay by your side. Parehas kayong may sapak ng kuya mo" Sinigurado niyang malakas ang boses niya ng binanggit niya 'yon para mapansin siya ng binata pero hindi nito ginawa bagkus ay tumulala nalang ito sa pader

Umiling iling nalang siya at saka nag balat ng mangga at hiniwa hiwa 'yon pagkatapos ay nilagay sa papel na nakalagay sa lababo. Ang room na inookupa nila ay vip. Ang kapatid ni fin ang may ari ng hospital na 'to

Pagdating sa seguridad ay maayos ang hospital. Sinusundan din kasi ang kapatid ni fin ng kaniyang mga kalaban pagdating sa business

Nakatulog ang binatang nakatulala habang si shania ay lumabas at balak umuwi. Tutal, nandon naman si fin ay iiwan niya muna ito. Masyado ng naaawa si shania kay fin kaya iiwan niya nalang 'to kasama ang dalaga na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Hindi na kasi kinakaya ng paningin ni shania na patuloy panoorin ang binatang amoy lango sa alak at payat. Maitim ang baba ng mata at palaging nakatulala pagkatapos ay iiyak

 

Liwanag ng ilaw ang unang bumungad sa paningin ng dalaga. Unti unti siyang pumikit at saka ulit dumilat bago umupo. Inikot niya ang paningin at pag tataka na agad ang unang namayani sa kaniyang utak

Nasaan siya at purong puti ang pintura ng silid na kinalalagian niya. Anong ginawa niya para mapunta siya sa lugar na ito. Nakita niyang may dalawang pinto sa gilid at hindi niya alam kung saan papunta iyon. Yumuko naman siya at nakota niyang may dextrose na nakalagay sakaniyang kamay

May nakita pa siyang lalaking nakadukdok sa kaliwa niya na kinataka niya. Hawak kasi nito ang kamay ng dalaga at sa lalim pa lamang ng pag hinga nito ay mahimbing ang tulog nito. Ni hindi pa nga mapansin na gising na siya e

Sumandal muna siya sa sandalan ng higaang kinalalagian niya at saka pumikit. Pinipilit niyang alalahanin ang mga nangyari sakaniya pero wala siyang ni isang maalala

Ni hindi nga niya alam kung anong nangyari sakaniya o ano ang huli niyang ginawa bago siya mapunta sa kalagayang ganito

Naramdaman niyang bumukas ang pinto kaya dumilat siya at tinignan kung sino ang pumasok. Namataan niyang doktor ito dahil sa stethoscope na nakalagay sakaniyang leeg at nasa likod naman nito ang isang nurse na may hawak na hand book

Nang makita siyang gising na ito ay mabilis ang mga itong lumapit sakaniya. "Mrs. Levin. Ano pong nararamdaman niyo?"

Mrs. Levin?

Inikot niya ang tingin bago ulit tumingin sa doktor bago tinuro ang sarili. "A-ako p-po?" Magaspang na boses habang uutal utal na ani niya

May nag abot sakaniya nang tubig na agad niya namang tinanggap at saka iyon ininom. Nawala ang panunuyot ng lalamunan niya na ngayon nalang niya naramdaman matapos siyang tanungin ng doktor

"Yes Mrs. Levin. Ano pong nararamdaman niyo?"

"A-ayos lang po?" Hindi niya siguradong tanong

Tumango tango ito sakaniya bago hinawakan ang mga mata at may tinapat pa ito sakaniya na maliit na flashlight. Na agad niyang kina igik at kinapikit. Nanghingi naman agad nang paumanhin ang doktor na agad niyang kinatango

Pagkatapos icheck ang lagay niya ay saka na nagpaalam ang mga ito at iniwan siya sa malaking silid na 'yon kasama pa rin ang lalaking nakadukdok sa kaniyang higaan at mahimbing na natutulog

Huminga siya ng malalim at saka dahan dahang inangat ang kamay bago pinatong sa ulo ng lalaking nasa tabi niya at hinimas iyon

Ang lambot naman ng buhok neto. Mayaman siguro 'to

Bakit kaya hindi pa rin ito nagigising hanggang ngayon. Nag ingay na siya at ang pumasok na doktor kanina pero hindi pa rin 'to gumigising. Nakalimutan niyang tanungin sa doktor na pumasok kung sino itong lalaking nasa tabi niya

Ramdam niya kasing dahil sakaniya kaya hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog nito

Bumuntong hininga nalang siya at maliit na ngumiti. Kung sino man itong nasa tabi niya ay pasasalamatan niya ito kapag nagising. Alam niya kasing siya ang nag ligtas sakaniya sa hindi niya alam kung anong sitwasyon

Humiga nalang ulit siya at pumikit. Bumibigat na kasi ang talukap nito kaya mag papadala na muna siya sa antok
 

 
Nagising ang binata sa kung anong mabigat na bagay na nakapatong sa ulo niya. Agad siyang napabalikwas ng makitang kamay iyon ng kaniyang pinakamamahal

Hinawakan niya ito at saka lumuha. Hindi niya alam kung nagising ba ito habang tulog siya at kung iisipin pa lang niya iyon ay nagagalit na siya sa sarili. Hindi niya manlang nasilayan kung paano mag mulat ang magagandang mata nito kapag tumitig sakaniya

"Wife..."
 
"I miss you so much..."
  

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon