Di ako makahinga ng maayos. Para akong kinakapos ng hangin pagkatapos kong mabasa ang naiusal niya sa kaniyang bibig. Kinakabahan akoBaka may gawin siyang masama saakin dahil ang tingin niya ay matatalim na nakapukol saakin. Tila isa akong kaawa awang kuneho na handa niyang dakmain para ikulong at nag aantay ng oras para lutuin
Yumuko ako dahil sa tensyon at pagkailang na natatangap ko sa mga titig niya
Nagsabi pa ang boss namin na binili ni Mr. Levin ang buong lupa ng buong restaurant na pinag tatrabahuhan namin. Medyo kinabahan pa kami dahil sa sinabi niya dahil may tendency na ipa demolish 'tong pinag tatrabahuhan namin at mawawalan kaming lahat ng trabaho
Nagsabi naman ang boss namin na wag mag alala dahil hindi ipapademolish ang restaurant na 'to. Hahayaan lang daw ni Mr. Levin na nakatayo ito para hindi kami mawalan ng trabaho. Isa pa raw, masyado ng kilala ang restaurant na 'to kaya nakakapanghinayang kung ipapabagsak
Milyon din daw ang papasok sa kumpanya na pag mamayari ni Mr. Levin kapag nagkataon. Nagpaalam ang boss namin saamin at ginaya niya ang bago naming boss sa opisina ng manager. Kasama nila ang manager na kasama naming nakahilera rin
Nang mawala sila sa paningin ko ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Para akong natutunaw sa mga titig niya kanina lang. Hindi ko kinakaya. Partida nasa malayo pa siya, paano kung malapit na siya saakin? Baka maaga akong himatayin
Napapikit nalang ako at bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa. Ano pang silbi ng pagtatago ko para hindi niya ako makita kung parehas ang hangin na hinihigop ng mga baga namin
Hindi naman ako pupwedeng umalis sa trabaho kong 'to dahil malaki ang sahod at mahirap mag hanap ng trabaho ngayon. Baka ang mapasukan kong trabaho ay maliit ang sahod. Hindi 'yon kakayanin sa pag iipon ko para makaalis sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko
Hinilot ko ang mga sintido. Ang hirap maging panganay bwisit. Kargo lahat
Pupunta na sana ako sa kusina ng bigla akong tumigil sa paglalakad dahil naririnig ko ang usapan ng mga katrabaho ko. Pinag uusapan nila ang bagong "boss" namin
"Ang gwapo niya shet! Parang malalaglag ang panty ko ng tumingin siya sa gawin ko!!" Narinig kong tumili siya at kung hindi ako nag kakamali ay hinahampas niya ang kasama niya dahil naririnig ko 'tong dumadaing
"Kumalma ka nga! Alam ko namang gwapo 'yon. 'di mo na ako kailangan bugbugin. Ouch takte!!"
"Ang pogi niya talaga!! May girlfriend na kaya 'yon? How about asawa? Kyaahh!!"
"Bakit 'di mo tanungin? Tapos meron pala? Edi bye bye broken heart ka"
"Okay lang. Willing naman akong maging kabit niya. Willing na willing pa akong ipush ang sarili ko sakaniya kyaahh!! 'di ako tatanggi run. Para siyang greek god na bumaba sa langit para basbasan ang isang babaeng kagaya ko!!"
Nainis ako sa huli niyang sinabi ngunit agad ko ring kinalma ang sarili ko. Bakit ako nakaramdam nun? He's just a stranger who took my virginity. Nothing else!
Fuck this!! Kumuyom nalang ako ng kamao dahil sa pang iinit ng ulo at dumeretso sa kusina ng restaurant na 'to. Masyadong exaggerated ang katrabaho ko na 'yon dahil hanggang dito ay naririnig ko pa rin ang tili niya
Kulang nalang matanggal ang litid ng lalamunan kakatili bwisit. Mapaos sana siya at matapilok tapos mahalik ang sahig peste!!
Naiinis akong dumeretso sa isang pinto ng kusina at tumambad saaking paningin ang locker room
Binuksan ko ang locker ko na may no. 21 at kinuha ko duon ang attire ko run as a waitress. Linagay ko naman sa loob ang dala kong gamit at saka sinuot ang attire ko

BINABASA MO ANG
Mistaken Life
RomanceAvylhana Amore Suaro is a girl who lives just to bare the unending pain the world had Will she have a happy ending?