Nakasimangot akong nasa tabi niya habang nag lalakadTinotoo niya ang sinabi. Pumunta lang ako ng rest room para umihi pagkatapos naming kumain. Pagkalabas ko e nakita ko ng may hawak hawak na malalaking paper bag ang dalawa naming kasamang guard at may tatak 'yon na Jollibee
Literal na kinurot ko ang braso niya at saka hinampas ng malakas. Sinong lalaking mag iisip ng ganoon? Hindi na ba nag fufunction ng maayos ang isip niya?
Binibiro ko lang naman siya about sa pagbili lahat e. Walangya namang lalaking 'to
Wala ng hawak ang dalawa dahil kinuha 'yon ng kasama pa naming guard na lumapit saamin. Sila ata ang nag patawag o itong katabi ko
Papunta kami ngayon sa clothing store. Bibilhan daw niya ako ng mga gamit ko dahil wala daw akong gamit
Of course, and it's all his fault. Kidnappin ba naman ako?
Umurong ang mga paa ko ng makita ang nag gigntuang presyo. Niyakap ko ang braso niya at saka siya hinila papalabas "Sa bayan ng tayo bumili fin. Ginto 'yong mga damit nila" Tumawa ako at saka siya hinila
Napasimangot ako ng niyakap niya ako sa beywang at saka ako binalik sa mga damit na ginto ang presyo "Just pick whatever you want. I'll pay kitten. Remember, my wealth is also your wealth"
"Pero ginto nga 'yong presyo" Pamimilit ko
"I'll pay baby." Sumimangot nalang ako
"Napakagastos mo talaga!" Asik ko
Kumunot ang noo ko ng nilabas niya ang wallet niya at saka binigay saakin "Gagawin ko dito?"
"You said i'm magastos? Then budgetin mo mga pera ko so i'm not magastos na"
Pu-- lumunok ako at saka napapikit sa inis. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko kaya napakagat ako ng labi. Minasahe ko nalang ang sintido ko dahil sa inis na nararamdaman
Bumuntong hininga ako at saka binalik sakaniya ang wallet at nag lakad pauna sakaniya. Hindi siya kinakaya ng pasensya ko. Patupok ng patupok ang inis ko at paubos ng paubos ang pasensyang matagal kong inipon sa isang malaking baul
Jusko lord, bakit ba naligaw saakin ang lalaking 'to?
Tumingin ako sa salamin ng fitting room. Nagsusukat kasi ako ng mga damit. Lumabas ako at saka pinakita sakaniya ang suot koKulay pulang dress ito at below the knee ang haba. May tali rin siya sa likod. "Rate" Ani ko
"Stunning kitten" Nakangiting ani niya. Napanguso ako
Wala naman kasi akong narinig na negative comment sa kaniya e nakakainis
"Puro nalang 'yan sinasabi mo! Wala bang negative comments diyan? May favoritism ka!" Singhal ko at saka napapadyak sa inis
"Because you look gorgeous and stunning to every clothes you wear kitten." Ang ngiti niya ay napalitan ng ngisi at saka tumingin saakin ng nag aalab na kinataranta ko "But you look more than stunning if you don't wear any clothes"
"Siraulo!!" Taranta akong bumalik sa fitting room habang sapo sapo ang dibdib sa sobrang kaba
Tarantadong 'yon! Kitang nasa public place kami tapos kung ano anong kadumihan ang lumalabas sa bibig. Juskomeyo kitde
Lumabas na kami sa clothing store ng matapos naming bumili ng mga damit. Marami rin kaming napasukan na clothing store na may sikat na brand kaya maraming dalang paper bag ang dalawang lalaking naka sunod saaminDumako ang tingin ko sa book store at dahil sa excitement ay mabilis ko siyang hinila papasok
Amoy ng mga libro ang bunungad sa pang amoy ko na kinangiti ko. I like reading and collecting books. Kapag pupunta ako ng mall kasama ang mga kapatid ko ay hindi nawawala ang paper bag na may laman ng mga libro sa hawak ko
May nakita akong mga libro sa Wattpad section. Kumuha ako ng season 1-3 ng mafia boss at titan academy. Tutal wala akong cellphone, ito nalang ang pag didiskitahan ko
Dumako ang tingin ko sa possessive series bago tumingin sa tabi ko na pinapanood ang ginagawa ko. I change my mind. Huwag na pala. Nakakahiya. Baka makita niya kung anong genre non
May iba pa akong libro na natipuhan bago pumunta sa counter. Lumuwa ang mata ko ng inabot sa 6k ang mga 'yon. Naparami ata ang bili ko sa sobrang excited
Labag sa loob kong kinuha ang wallet ng may nag abot na agad ng black card sa counter
Tumingin ako sakaniya "Bakit mo binayaran e luho ko 'yon?"
Tumingin siya saakin "My wealth is your wealth" Hinalikan niya ako sa sintido at saka kinuha ang paper bag na may laman ng nbs at kinuha ang black card
"Come again ma'am" Nakangiting ani ng nasa counter
Ngumiti ako sakaniya at kukunin na sana kay fin ang paper bag ng iniwas niya 'yon "This is heavy baby. I don't want you to carry it. There are say that if women carry heavy things, their 'matres' will fall." Kumunot ang noo ko. Alam ko na kung saan papatungo 'tong sinasabi niya "You'll carry my children's kitten so no to heavy things" Hinalikan niya ako sa pisngi at saka nag patuloy sa pag lalakad
Tumawa ako ng mahina. Hindi ko alam na ang isang Fin Xyler Levin ay naniniwala sa mga sabi-sabi ng mga matatanda
Nag lalakad kami papapunta sa first floor at uuwi na dahil sa pagod. Halos ikutin na namin ang buong mall dahil may napupukaw 'tong katabi ko na mga bagay na babagay saakin at bibilin 'yon. Dinaig niya pa ang babae dahil sa pagiging shoppiholic
Nakarating na kami sa first floor ng mag simulang mag kagulo ang mga tao. Nag taka naman ako. Para kasing sira ang nga tao na nag tatakbuhan sa kung saan saan habang sumisigaw
"What's happening?" Tanong ko
Humarang na saamin ang dalawang kasama namin at humigpit naman ang hawak saakin ni fin "Stay kitten"
Nag sisimula na akong mataranta. Kinakabahan na rin ako dahil ayaw pa rin tumigil ng mga tao sa pag sisigawan at pag tatakbuhan. May naririnig na rin akong umiiyak na bata
Malakas na tunog ng alarm ang umingay sa buong mall at kasabay non ang pag bitaw ng yakap saakin ni fin
"Fuck, kitten!!" Inabot niya ako pero huli na dahil nadadamay na ako sa mga taong nag tatakbuhan
"Fin!!!" Sigaw ko
May humawak sa isa kong braso kaya naginhawa ako. Hoping it's fin. Tumingin ako at saka tumingin sa kaliwa para sana yakapin ng bumungad saakin ang mga lalaking armado at naka takip ang mukha
"Sumama ka saamin"
Kinabahan ako lalo "Teka, saan niyo ako dadalhin?! Let go of me!!" Sinimulan kong hilahin ang kamay ko sa hawak nila ng mas lalong humigpit 'yon at napadaing ako dahil doon
"Tumahimik ka na lang babae!" Malakas akong dumaing ng may sumuntok sa sikmura ko at nang hihina akong bumagsak
Nag simulang mag dilim ng paningin ko ng may tumakip na panyo sa ilong. With that, nawalan ako ng malay at naramdaman ko ang pag angat ng katawan ko bago nawala ang buong wisyo ko
BINABASA MO ANG
Mistaken Life
RomanceAvylhana Amore Suaro is a girl who lives just to bare the unending pain the world had Will she have a happy ending?