Kabanata 7

91 2 0
                                        


Lugmok akong nag dadrive habang sinusundan ang mga sasakyan ng kasama ko papunta sa bar

Hindi nila ako hinayaang tumakas. Sinecure talaga nila na makakapunta ako dahil nakasakay sa likod ko ang manager namin na kumakanta ng masaya

Ang isa sa mga katrabaho kong lalaki ang nagdadrive ng kotse niya. Ang rason niya ay wala raw sasakyan ang iba kaya 'yon nalang ang sakyan nila habang siya naman ay saakin aangkas

Nakakasama lang ng loob. Para akong tinanggalan ng karapatan para mangatwiran at sapilitan akong tinanggalan ng tali na nakakabit sa leeg dahil masakit 'yon

Bumuntong hininga ulit ako saka pinaharurot ang motor na kinasigaw ng nasa likod ko at paghumiyaw niya ng malakas dahil sa saya

Nahuhuli na kami sa mga kasama ko na parang nakikipag race dahil nag uunahan sila sa madilim na daan. Umiling iling nalang ako at saka mas lalong pinaharurot ang motor kaya rinig na rinig ang ingay ng sinasakyan namin sa buong kalsada

Nag tawanan naman ang mga kasama ko na may kaniya kaniya ring sakay sa likod at saka humihiyaw sila

Para kaming mga siga na may susugudin ngunit lasing na nagdadrive. Napapatingin pa saakin ang nga driver ng mga kotse na bukas ang bintana at ibang nga motor riders na nag dadrive kagaya namin

Nagpapasalamat nalang ako dahil walang mga pulis na nag babantay sa bawat gilid para antabayanan ang mga sasakyan na mausok at mabaho ang binubuga. At ibang rider na walang suot suot na helmet

  
Nakarating kami saaming destinasyon at sabay sabay kaning lahat pumasok. Nag tatawanan pa ang ibang mga lalaki at inakbatan ako ng isa

"Ikaw amore ah. Hayok ka rin pala sa kalsada. Tara race tayo" Aya niya saakin ngunit nakasimangot kong binatukan ito kaya lumayo siya saakin habang sapo sapo ang ulo

"Para saan 'yon?" Maktol niya saakin

"Tantanan mo ko kevin. Baka maitulak kita sa kalsada para paglamayan ka ng maaga" Irap kong saad at saka nanguna ng naglakad sakanila

Narinig ko ang tawanan at pag uusap ng mga kaibigan niya sa likod ko

"Ey! Forda nabatukan ng isang amore!"

"Tangina mo lian! Manahimik ka nga!"

"Kumusta na ulo mo gar?"

"Gago, bakal ata kamay nun. Sobrang sakit ng batok putek"

Umiiling iling nalang akong bumuntong hininga dahil sa naririnig kong usapan nila at narinig ko pa ang pekeng iyak ni kevin na mas lalo kong kinainis

Para siyang tanga sa totoo lang. Bakla ba?

 
Pumasok na kaming lahat sa loob ng hindi kami hinarangan ng bouncer at napamangha ang mga katrabaho ko dahil sa dami ng tao na nagkakasiyahan sa loob. Puro maliliwanag na ilaw ang nag iikutan sa buong paligid kaya medyo nakakairita dahil masakit sakit sa mata

Malakas na tugtugan ang nangibabaw sa loob ng silid at may nakikita pa ako sa gilid na nagme make out. Napa paypay ako sa harapan dahil amoy na umaaligid sa ilong ko

Napakabaho kasi. Pinagsamang amoy ng sigarilyo at alak kasi 'yon kaya nakakaalibadbad sa pang amoy. Ewan ko lang sa mga kasama ko

Third floor ang bar na 'to at kung hindi ako nagkakamali, may vip at vvip. High class kasi ito at kilala sa buong mundo. Ang balita ko ay babae ang may ari ng bar na 'to

Nanguna ang manager namin na umakyat sa 2nd floor at sumunod naman kaming lahat. May iba pang mga lalaki na lumalapit saamin para ayain kaming sumayaw at makipag inoman sakanila ngunit tinataboy lang sila ng mga lalaki naming kasama

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon