Masaya akong kumakain ng agahan sa dining room ng malaking mansyon na 'to. Kagaya ng hiling ko, hinayaan niya akong lumabas sa kwarto pero bago iyon ay may pinapirmahan siya saakinDahil sa tuwang naramdaman ay hindi ko na iyon binasa. Basta ko nalang iyong pinirmahan at saka siya masayang niyakap. Naramdaman ko pa ang paninigas niya sa kina uupuan dahil sa aking ginawa. Kalaunan ay kumalma na siya at yinakap ako pabalik. Siniksik niya pa ang mukha sa aking leeg at maliliit iyong hinahalikan
"Damn baby, I'll do anything for you" Bulong niya saakin
Inangat niya ang mukha at sinalubong ang mukha kong masaya. Ngumiti siya saakin at saka ako ninakawan ng halik na nag papula saakin
Ngayon ay nakalabas na ako. Wala siya dito dahil pumasok siya sa kaniyang trabaho. May mga kasama naman ako kaya hindi ko masyadong ramdam ang nag iisa
Maraming kasambahay ang kwaryong 'to at may nakikita pa ako sa labas na sabihin na nating sampung men in black. Binabantayan siguro nila ang buong bahay
Ng makababa ako kanina kasama si fin ay gulat ang mga mukha ng mga kasambahay habang nakatingin saakin. Ngayon lang siguro nila nakitang may kasama ang kanilang boss na babae
Pagkatapos kong humiling sakaniya kahapon ay maghapon niya akong pinag silbihan. Nag luto siya ng pagkain at hinatid sa kwartong kinalalagian ko
Alam kong luto niya iyon dahil pansin ko ang iilang maliliit na hiwa sa kaniyang malaking kamay. Nakangiti niya iyong hinanda saakin at sinubuan pa ako. Pinilit ko namang huwag na dahil hindi naman ako baldado
Nasugatan lang ang paa at ulo ko pero hindi naman ang mga kamay ko kaya, kaya kong kumaing mag isa. Hindi niya pa rin ako pinayagan kaya hinayaan ko nalang
Mag hapon siyang nakadikit saakin at nag kekwento ng kung ano ano. Nagulat nga ako dahil bigla siyang naging madaldal. That's so unusual of him...
Kinagabihan ay pinag silbihan niya pa rin ako at natulog sa kwarto ko. Masyado kasi siyang makulit. Ilang beses ko na siyang pinag tulakan pero ayaw pa rin makinig
Tumayo na ako pagkatapos kong kumain at saka uminom ng gamot. Medyo okay na ang paa ko pero ramdam ko pa rin ang kakaunting hapdi non sa tuwing iaapak ko ang aking paa
Napalitan na rin ang benda ko sa ulo at paa at si fin mismo ang gumawa niyon. Hindi pa nga niya ako pinayagang lumabas kasi hindi pa raw okay ang lagay ko
Pinilit ko lang siya dahil mas lalo akong mag kakasakit kung hindi niya ako papalabasin sa pinag kukulungan niya saakin
Bumuntong hininga ako at saka lumabas. Tumingin saakin ang mga body guard na naka itim pero hindi ko iyon pinansin. Nag lakad lakad ako at napansin kong nakasunod saakin ang isa sa mga lalaki na nag babantay sa bahay
Hindi ko pa rin 'yon pinansin dahil alam kong inutos 'yon ni fin. Unti unti ko na ring nakakabisado ang takbo ng utak ni fin at isa ang mas pinaka nakatatak saakin
Ayaw niya akong mawala sa paningin niya. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari 'yon samantalang lalaki siya. Ang unang beses na nangyari saamin ay simple lang dapat sakaniya dahil lalaki siya. Of course marami na siyang body count
Hindi naman mawawala iyon sa mga lalaki diba?
Hindi ko napansin na nakarating na ako sa garden. Namangha ako sa ganda niyon. Maraming mga bulaklak sa paligid at mas nangingibabaw ang pulang rosas. Marami ring mga paro-parong lumilipad at iba't iba ang kulay ng mga ito
Umupo ako sa damo at hindi pinansin ang upuan at lamesa na maganda ang disenyo. Inaliw ko ang aking sarili
Wala na ang lalaking nakasunod saakin kanina. Marahil ay bumalik na iyon sa trabaho niya. Sinigurado lang siguro niya kung saan ako pupunta
Bumuntong hininga ako at tinaas ang kamay. May isang paro parong dumapo doon na kulay violet ang kulay at may halong itim
Napangiti na lamang ako at huminga ulit ng malalim. Buti pa ang mga paro parong ito, kahit na maikli lang ang bahay ay nakakalipad ng malaya
Samantalang ako ay parang nabalik sa hawak ng magulang. Bumalik ulit ang isang bakal na mahigpit na nakatali sa aking leeg at imbis na ang magulang ko ang humawak non ay isang lalaking hindi ko pa lubos kilala
Inis kong sinuntok ang damo at saka kumunot ang noo. Nabobored na ako!!!!
Bakit kasi ayaw akong bigyan ng cellphone ni fin? Ayaw niyang ibalik saakin ang bag ko. Natatakot ba siya na baka tumawag ako sa mga pulis o di kaya ay sa mga katrabaho ko para rescuehen ako? O natatakot ba siyang tawagan ko ang mga magulang ko at itakas ako dito?
Tsk, as if amore? As if 'no? Patuloy mo pang igas light ang sarili mo...
Nakanguso kong pinapanood ang mga paro parong lumilipad at hihiga na sana ng may kamay agad na humawak sa likod ng aking ulo at hinawakan iyon
"Ma'am, wag po kayong hihiga!! Marumi po at saka baka po mapaano ang ulo niyo. Hindi pa po kayo lubusang magaling!!" Umayos ako at saka tumingin sa likod
May nakita akong tatlong kasambahay na nakatingin saakin ng nag aalala. Ang isa ay may hawak na cookies at cupcake na nakalagay sa tray habang ang isa naman ay may hawak ding tray at may patong na tasa iyon
Nag tatakha ko silang tinitigan. Sa hula ko ay matanda ako sakanila ng dalawang taon. Ang isang may hawak sa ulo ko ay lumayo na saakin at yumuko kasama ang dalawang kasama niya
Nag angat sila ng tingin at saka ngumiti saakin ng matamis. Maganda sila. Halatang halata ang pagiging pilipina nila. Nag susumigaw kasi ang morena nilang balat at itim na buhok
"Dessert niyo po ma'am." Nakangiting ani nila
Ngumiti naman ako sakanila pabalik habang hindi naalis ang nagtatakhang tingin. Hindi naman ako nag paluto ng dessert ah? Hindi rin ako humingi
sakanila.Ilalagay sana nila sa lamesa ng taranta ko silang sinabihan na huwag ilagay doon at dito sa lapag ilagay
"Dito niyo nalang ilagay. Ayoko diyan." Taranta kong ani
"Pero ma'am, madumi po. Atsaka, lapag po 'yan ma'am, baka po may lumipad na mga dumi sa kinakain niyo" Nag aalalang ani nila
Ngumiti naman ako lalo at saka winasiwas ang kamay nag paparating na wala lang saakin 'yon "Pare-pareho lang tayong mahihirap dito 'no. Ano ba kayo"
Tumawa ako ng mahina ng makitang nag katinginan pa sila na parang pinag uusapan kung gagawin ba nila o hindi. Nag aalinlangan silang sumunod saakin at saka linagay sa lapag ang dessert na dala nila
Ang kicute nilang tignan. Para silang triplets. Mag kakaibigan siguro 'tong mga 'to
Ng mailapag nila ang dala nila ay yumuko sila at saka umalis. Napanguso nalang ako. Hindi ko manlang natanong ang mga pangalan nila at maaya na kumain kasama ako
Napaka lonely ko tuloy dito na mag isang kumakain...
Bumuntong hininga nalang ako at saka kumuha ng isang cookies at kinain iyon. Nag liwanag ang mga mata ko ng malasahan ko ang napaka sarap na timpla nito
Sinong nag luto nito? Sana all. Mag papaturo nga ako. Tinignan ko ang tasa at may laman iyong chocolate drink. Hindi ko alam kung milo ba o literal na hot chocolate ito
Kakausapin ko si fin mamaya. Sasabihin kong bored na bored na ako dito. Kailangan ko ng libangan!!
Hindi kasi pwedeng pagtripan ko ang mga tao dito. Nakakahiya at masyado ng nakakakapal ng mukha kung sakaliTry kong sabihan siya na gusto ko ng makita ang mga kapatid ko. Sana pumayag lord...
BINABASA MO ANG
Mistaken Life
RomanceAvylhana Amore Suaro is a girl who lives just to bare the unending pain the world had Will she have a happy ending?