Naka hinga na ako ng maluwag luwag. Nakakalma na rin ako. Alas dose na ng tanghali at kakatapos ko lang mag luto ng tanghalianKahit na kalmado na ako ay hindi pa rin mawala wala ang mga kalmot at pasa na natamo ko sa nanay ko
Nasa sala ang mga kapatid ko at nanonood sila sa tv naming second hand at hindi flat screen. Kagaya nga ng sabi ko, hindi ako makakapag pundar dito sa bahay na 'to dahil sa 'magulang' ko
May ipon naman ako at nag papasalamat ako dun. Buti na lamang at nakakapag tabi ako ng isa o dalawang libo sa tuwing sumesweldo ako
"Kakain na!" Sigaw ko upang marinig ng mga kapatid ko ang boses ko
Narinig ko silang nag lakad papunta dito sa maliit naming kusina. Kaniya kaniya silang upo sa kanilang upuan at saka nag sandok. Nakita ko pa ang tingin ng kapatid kong sumunod saakin
"Bakit?" Nag aalala kong tanong "Ayaw mo ba ng ulam?"
Ang ulam namin ay pakbet. Alam kong mapili ang mga kapatid ko sa ulam kaya talaga namang nag alala ako ng tumingin saakin ang kapatid ko
"No ate. Okay ka lang po ba?" Tanong niya saakin at nabakasan ko ang pag aalala sa boses niya
Humigpit ang hawak ko sa kutsarang nasa kamay ko at hindi pinakita ang emosyong dumaan sa akin. Sa halip ay ngumiti ako sakaniya
"Oo naman. Bakit mo naman natanong?" Nakangiti kong tanong
Ngayon pa lamang ay gusto ko ng pumunta ng c.r o ng kuwarto upang umiyak ng malakas at isigaw ng impit ang sakit na matagal ko ng tinitiis
"Dahil po sa nangyari kanina ate..."
Nakaramdam ako ng kilabot sa batok ko at bumalik sa mga alaala ko ang nangyari kanina lamang umaga. Napaka hirap mag cope up at mag panggap na okay lang lalo na at kabisado ako ni jace
"Alam mo, kalimutan mo na 'yon. Kumain ka ng kumain diyan" Nakangiti kong sagot sakaniya at saka linagyan ang plato niya ng ulam upang hindi na siya mag salita pa
"Ate ang sarap mo po talaga mag luto!" Sabat ni Shawn--ang nauna sa kambal
"Alam mo po ba ate, nakakuha ako ng perfect score sa quiz namin kanina! 20 items po 'yon ate!" Ang sabi naman ng Shaun ang kakambal niya
Ngumiti ako sakaniya at saka ginulo ang buhok niya. Tumingin naman ako sa babae kong kapatid na tahimik na kumakain "Kumusta ang pag aaral mo Shalia?"
Nag taas siya ng tingin saakin at nakita ko nanaman ang mga mata niyang walang kabuhay buhay na nakatingin saakin "Okay lang po ate. I am still in the top 1 in our class po"
Gusto ko man guluhan ang buhok niya ngunit malayo siya saakin. 'di ko abot. Ngumiti nalang ako sakaniya "Don't pressure yourself to much okay? Tandaan mo pa ring dapat balanse ang katawan at utak mo. Besides, wag mong kakalimutang enjoyin ang pagiging dalaga" Nakangiting ani ko. Wala pa ring buhay ang mga mata niyang nakatingin saakin at saka ngumiti bago ulit pinag tuunan ng pansin ang pag kain
At last, tumingin ako sa kapatid kong sumunod saakin--Jace. "How about you? Kumusta scholarship at pag aaral mo?"
"Okay lang ate. I still maintain my high grades to maintain my scholarship don't worry. Ang alalahanin mo eh 'yang sarili mo"
Ngumiti ako sakaniya at saka isa isa silang binigyan ng mga ulam
"Kumain kayo ng kumain" Bilin ko sakanila at saka sila binigyan ng mga ulam
Sana ineenjoy nila ang buhay at hindi magaya saakin na sa murang edad pa lamang ay namulat na agad ang nga mata sa realidad
Nakangiti ako habang nakatingin sakanila na busy sa pagkain. Masarap silang tignan. Masayang nag sasalo salo at nag haharutan. Nakita ko pa si shalia na minsang sumasagot sa mga kapatid niya kahit na wala pa ring buhay ang mga mata niya
Minsan napapaisip ako kung may sakit ba ang kapatid ko na 'yon. Kung may problema ba siyang dinadala. Kung may pinag dadaanan ba siya o wala. Masyadong walang emosyon ang mukha niya
Hindi naman kulang ang pag mamahal at pag aalaga ko sa mga kapatid ko diba? Siguro nga ay kulang lalo na at nag tatrabaho ako at tuwing linggo ko lamang sila nakakasama. Bumuntong hininga nalang ako at saka sila pinagmasdan
Natapos ng kumain ang mga kapatid ko. Dalawang oras na ang nakakalipas. Ang nanay ko? Narinig ko ang pintong lumagabog trenta minutos lamang ang nakakaraan. Siguro ay lumabas na siya at nakaupo nanaman sa silya ng sugalan. Ang amain ko naman ay siguro'y nakaupo sa silya ng mga lasenggero at lumalaklak duon ng alakMasyado nang nakakapagod ang araw araw na dumadaan sa buhay ko. Hindi na gaanong nakakapanibago. Ang dalawang kapatid kong maliit ay lumabas lamang kanina. Siguro ay makikipag laro. Si jace naman ay nandito sa sala habang nasa harapan niya ang laptop niya. May kinakalikot ito sa word. Gumagawa siguro ng research. Si Shalia naman ay baka dumeretso sa kwarto nila. Siguro ay mag kukulong 'yon sa kuwarto nila
Hindi gaanong malapit saakin ang kapatid ko na 'yon. Pero kahit na ganuon, hindi pa rin ako tumitigil na lumapit sakanila at pumasok sa comfort zone niya. May pagka introvert kasi ang kapatid ko na 'yon
Ang alam ko ay si jace ang pinaka malapit sakaniya habang ang kambal naman ay lumalapit pa rin kay shalia. Actually, lahat ng kapatid ko ay mas malapit kay jace kaysa saakin kaya ganuon na lamang ako mag alala. Na baka kulang ang pag mamahal at pag aalagang ibinibigay ko sakanila
Sila na lang ang tanging lakas ko. Na mag patuloy sa buhay na 'to na paulit ulit nalang ang nangyayari at wala manlang pag babagong nangyayari. Masyado ng nakakasawa...
Hindi ko na namalayang isa isang tumulo ang mga luha sa mata ko sa sobrang pagod. Agad akong yumuko at mabilis na pinunasan ang luhang dumaan sa pisngi ko bago nginitian si jace na nakatingin na saakin
"Ate, okay ka lang?" Nakatingin siya saakin ng nagtatanong na mga mata habang nababakasan duon ang pag aalala. Sinong hindi mag aalala kung makita mo ang ate mong namumula ang ilong at nakatulala
Nginitian ko siya ng matamis habang tinatago ang pagod na dumaan sa mga mata ko "Oo naman. Ano ka ba? HAHAHA"
Tila nakumbinsi ko naman ito dahil dahan dahan siyang tumango saakin bago bibalik ang mga mata sa laptop. Ngumiti na lamang ako ng mapait bago umakyat sa taas upang pumunta sa kuwarto ko
Umupo ako sa gilid at kinuha ang box na nasa ilalim ng higaan ko. Binuksan ko 'yon at nakita ko ang perang naipon ko. Binilang ko ito
"2,000... 5,000... 7,000..."
"20,760 pesos." Yumuko ako at binilang ulit 'yon kung tama ba ang bilang ko at tama nga
"Kulang pa ito..." Kulang na kulang pa
Kulang pa ito saaming mag kakapatid para makaalis sa impyernong 'to. Masyado pa 'tong maliit para saaming lima...
Nangako ako sakanila na magandang buhah ang ibibigay ko sakanila kapag naka ipon ako ng malaki. Hindi ko maaaring iwan nalang ng basta basta ang mga kapatid ko dito lalo na at kasama ang magulang namin na walang ginawa kung hindi ay mag pakalulong sa bisyo
Masyadong delikado. Baka malaman ko na lamang na ginahasa na ang kapatid kong babae. Na naging babaeng bayarin ito. Na binenta ng magulang ko ang mga kapatid ko sa sobrang lulong sa bisyo. Baka malaman ko na lamang na patay na ang mga ito. Hindi ko kakayanin. Baka mawala ako sa sarili at hindi ko na sila makilala...
"Konti pa Amore. Konting konti pa, kakayanin mo 'to" Ikaw pa amore?? Kinaya mo ngang mabuhay sa loob ng ilang taon habang nasa puder at mga palad ka ng nanay mo
Bumuntong hininga ako at saka bibalik ang mga pera sa kahon at sinara ito. Pinodlock ko rin ito at binalik sa ilalim ng higaan ko
Dahan dahan akong humiha sa higaan ko at saka pumikit. Sa ngayon, pahinga lang ang kaya kong gawin...

BINABASA MO ANG
Mistaken Life
RomanceAvylhana Amore Suaro is a girl who lives just to bare the unending pain the world had Will she have a happy ending?