Kabanata 23

39 1 0
                                    


Triggered warning⚠️: Contains mature content. Read at your own risk
 
  

Unti unti kong dinilat ang paningin at saka umupo. Bumuntong hininga ako pagkatapos at saka binuksan ang cellphone ko

2:38 am

I dreamt some part of my memories...

Nakita ko sa panaginip na 'yon na binubugbog at sinisigawan ako ng nasa 30's na babae. She's maybe my mother. The face is blurry so yea

May mga bata naman sa gilid na pinipigilan ang babaeng 'yon sa paraan ng pag sigaw na tumigil na habang umiiyak. They're maybe my siblings. Tinawag kasi nilang mama ang babaeng 'yon habang ate naman saakin

Bumuntong hininga ulit ako at saka bumaba sa higaan at nag pasyang pumunta ng kusina. My throat is so dry and i suddenly felt thirsty

My life maybe is not what i imagine it to be. You know? Perfect, happy family who is full of love and care

Ngayon nag dadalawang isip na ako kung gusto ko pang bumalik ang alaala ko o hindi na. Sa panaginip ko palang kasi e halatang minalas na ako sa buhay

Ang tanging katanungan saakin ay kung paano ako naligaw dito sa pamilya ng 'asawa' ko. Pumayag ang nanay ko na ipakasal ako? Ganon ba ang nangyari? Or maybe, there's a high chance that my mother sold me. Who knows right?

I shookt my head and sigh. Nakapatay na ang mga ilaw at tanging dim light nalang ang nakabukas, buti't hindi gaanong madilim na kailangan ko pang mangapa para mabuksan ang ilaw at hindi mabangga sa kung saan saang gamit na nakalagay

Mabuti na rin at hindi na ako naliligaw sa mansyon na 'to. Hindi rin kasi nawawala sa isip ko na libutin ito nong mga panahong dinala nila ako dito e

Binuksan ko ang ref at saka nag salin ng tubig sa baso pagkatapos ay ininom 'yon. Wala ng ingay sa buong paligid at medyo creepy para saakin. Nangingibabaw din kasi ang tunog ng mga kuliglig sa labas

Nilagay ko sa lababo ang baso at saka binalik ang pitcher pagkatapos ay aakyat na sana ng marinig ko ang unti unting pagbukas ng pinto

Napatigil ako sa pag lalakad at kilabot ang lumukob sa buong katawan ko. S-sino 'yon? M-multo ba 'yon?

Hindi ako lumingon sa likod ko banda sa pinto dahil baka multo nga 'yon. Matatakutin pa naman ako. Baka bigla akong sumigaw, masyadong nakakahiya

Ayoko rin namang makasagabal ng taong natutulog 'no!!

My heart skipped a beat when someone hugged me from behind. 'di maipaliwanag na pakiramdam ang lumukob saakin. Ang takot na kanina ko lang naramdaman ay napalitan ng kakaiba

Nahagip ko ang hininga ng sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at naramdaman ko doon ang pagbasa ng balikat ko

U-umiyak ba 'to?

Teka, sino ba 'to?

"I miss you so much..."

Si fin...

Teka, bakit amoy alak 'to? Huwag mo sabihing sa tatlong araw na hindi niya pag uwi dito ay sa alak nakatuon ang pansin niya

Tarantado amp. Asawa ko ba talaga 'to?

I gulped and shut my eyes. Hindi ko gusto ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong kakapusin ng hininga. Ang hirap kontrolin

"Alalahanin mo na ang lahat ng ala-ala mo. Alalahanin mo na ako..." He pleaded. I bit my lower lip as i felt my eyes watered

Paano ko aalahanin ang ala-ala ko kung ni simpleng tanong e pinag kakait niyo saakin?

"Come back to me please, i miss you wife" Kumawala siya ng yakap saakin at parang nawalan ako ng pagkatao dahil don. Parang may humatak ng kalahati sa pagkatao ko ng kumawala siya

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon