Kabanata 2

65 1 0
                                    


3:00 am

Nagising ako dahil sa tuyo kong lalamunan. Mabilis akong tumayo at saka nag bukas ng pinto at bumaba. Tahimik na ang buong paligid. Naririnig ko rin ang sunod sunod na huni ng kuliglig

Bumuntong hininga ako at pag baba na pag baba ko pa lamang ay nakita ko na sa upuang mahabang kahoy ang ama ng kambal. Ang dalawang bunso saaming mag kakapatid

Nakahilata ito at humihilik pa. Nakita ko pang may hawak hawak itong isang bote ng red horse na walang laman. Umiling na lamang ako at saka pumunta ng kusina

Kumuha ako ng isang basong tubig na galing sa gripo at saka 'yon ininom. Nag simula na akong mag lakad papa akyat ng maibsan ko na ang nararamdaman kong pag kauhaw

Hindi dalawang palapag ang bahay namin. May hindi gaanong kaliitan lamang na hagdan para maging lakaran papunta sa tatlong kuwarto

Mag lalakad na sana ako papunta sa kuwarto ko ng may narinig akong umiiyak sa kuwarto ng magulang ko. Itataas ko na sana ang braso ko upang kumatok ng bigla 'yong umurong at saka ko ulit binaba

Napayuko na lamang ako at saka kumuyom ng kamao. Gusto ko mang katukin ay hindi ko magawa. Bakit? Dahil kapag nangialam ako ay papagalitan niya lamang ako at ayokong mangyari 'yon

Nanikip na lamang ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman at saka umalis sa harap ng pinto na 'yon. Pumunta ako sa kuwarto ng mga kapatid ko at saka 'yon binuksan

Nakita ko sila sa double deck na nakahiga. Sa baba ay ang sumunod saakin at ang nasa taas ay ang babae. Sa foam naman na nasa sahig ay ang kambal. Napangiti na lamang ako ng makita kong mag kayakap ang kambal

Pumasok ako sa loob at saka inayos ang kumot nila. Inayos ko rin ang electric fan para sa kambal at saka sila isa isang hinalikan sa noo

Tagal na pala ng nakalipas. Parang dati lang karga-karga ko pa sila at isa isang binabantayan ngayon malalaki na sila at may sarili ng isip at desisyon

Umiling na lang ako at saka sinara ang pinto nila at bumalik sa kuwarto ko at ni-lock 'yon. Umupo ako sa kama at saka tumingin sa bintana

Nag hahari ang liwanag ng sikat nang bilog na buwan sa buong paligid. Kasabay nuon ang simoy ng hangin na nag papasayaw sa mga puno

Bumuntong hininga ulit ako at saka dumukdok. Hindi na ako makakatulog nito. Isa 'to sa naging kasanayan ko sa bawat araw na nag daan. Nuong unang gising ko kasi ng alas tres ay may naririnig akong iyak at mahinang sigawan. Dahil dun, hindi na ako komportableng hindi nagigising ng madaling araw

Baka kasi sa pag gising ko ng maaga, may duguan na sa isa sa mga pamilya ko tutal ganun ang laging nangyayari sa mga taong nag aaway hindi ba?
  

Linggo ngayon at walang pasok. Mag hapon kong makikita ang ama amahan ko at ang ina ko. Sa totoo lang, ang trabaho ko ang isa sa dahilan kaya ako nakakatakas sa bawat sigaw at sa bawat itsura ng magulang ko

Sa tuwing nakikita ko sila ay patuloy na nag rereplay sa utak ko kung paano kami nag hirap. Nang bata pa lamang ako, walong taon o pito, nakaranas ako ng hindi makakain ng ilang linggo. Naranasan ko din ang pag kain ng bayabas upang mabuhay. Kahit na ang patola ay naging isa sa sikmura ko, at isipin niyo pa lamang na kainin 'yon ay sadyang nakakaumay na lalo na kung walang kanin at walang lasa ang pagkaing kinakain niyo. Iyon ang nag papa laman sa kumukulo kong tiyan ng mga panahong nakilala ng aking ina ang tatay ng dalawa kong bunsong kapatid

Masyado na iyong vivid sa aking memorya pero kahit na ganun, tila naaalala pa rin'yon ng aking buong katawan. Sadya nga namang nakaka trauma para hindi makalimutan. Kinuha ko ang cellphone ko na nag ni-charge at saka tinignan ang oras

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon