Kabanata 29

56 1 0
                                    


Nagising si fin dahil sa ingay na naririnig niya sa kwarto niya. Mabilis siyang napabalikwas nang maalalang nakatulog siya at mabilis na sinapak ang sarili

"Why did you sleep moron?! Iniwan mong umiiyak ang asawa mo!!" Suway nito sa sarili at saka sasapakin pa sana ulit ang sarili ng may kamay ng pumigil sakaniya

Unti-unti siyang lumingon at nakita niya ang pinakamamahal niyang asawa na nakatingin sakaniya habang nakangiti. Namumula pa ang mga mata at ilong nito ngunit hindi 'yon nakabawas sa ganda niya

Unti-unting umawang ang bibig ng binata at tila nahulog siya ulit dito "B-bakit mo sinasaktan sarili mo f-fin? Nababaliw ka na b-ba?" Suway nito sakaniya

Tila luluwa naman ang mga mata nito sa sobrang gulat. B-bumalik na siya. B-bumalik na ang a-asawa niya. B-binalikan na siya ng a-asawa niya...

Dininig ng panginoon ang pagluhod at pag mamakaawa niya...

Unti-unting tumulo ang mga luha sa mata niya habang nakatingin sa dalagang nakatingin sakaniya ngayon. Walang lumabas na ingay sa bibig nito habang umiiyak at mukhang nalipat sakaniya ang pagkabaliw ni amore dahil sa itsura nito ngayon

"Wife..." Mabagal na tawag nito habang umiiyak

Nakangiti namang tumugon ang dalaga habang nakatingin din sakaniya ng malalim. "Y-you-- You c-came back..." Nanlabo ang paningin ng binata ngunit hindi niya ito pinansin o binalak na punasan dahil baka nananaginip lamang siya

Baka paniginip lang 'tong nangyayari sakaniya. Baka hindi pa talaga bumabalik sakaniya ang asawa at nakatulala pa rin ito. Marahil ay tulog pa siya at panaginip lang lahat ng 'to

Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili pero nang maramdaman niya ang mainit na kamay ng asawa nito sa pisngi niya tuluyan na siyang napahagulhol. Mukha mang bakla pero kaya niyang ipakita sa asawa niya ang lahat ng kahinaan niya

"Y-you're not a dream w-wife. Y-you're really b-back. B-bumalik ka n-nga s-saakin..."

Kinagat ni fin ang ibabang labi at saka hinawakan ang kamay ng dalagang nasa pisngi nito at pinupunasan ang mga luha niya "Huwag -ka masyadong umiyak, m-mapagkakamalan kang b-bakla niyan..." Pagbibiro ni amore dito pero ngumiti lang ng matamis si fin

Mabilis siyang lumapit dito at saka niya hinila ang dalaga sa isang mahigpit na yakap. "B-bumalik ka! F-fuck wife, i m-miss you so d-damn much! Y-you don't know h-how hard for me to look at y-you in that h-horrible state" Putol-putol na ani ng binata habang yakap ang dalaga

Kinagat na lamang ng dalaga ang labi nito at saka umiyak pagkatapos ay niyakap ng mahigpit si fin, trying to find comfort which is she definitely succeeded

"I m-miss you so d-damn much wife... I-i love you so m-much..." Umiiyak na bulong ng binata at sinisiguradong maririnig ito ni amore

Lumayo ang binata sakaniya at saka hinawakan ang pisngi ni amore. Tinitigan niya ito ng maigi, memorizing each part of her face. After that, he leaned and kissed amore tenderly . Sinigurado niyang maramdaman ng dalaga kung gaano niya ito ka miss

Nag tingin ang mag asawa at saka tumawa ng mahina pagkatapos ay sumandal si shania sa balikat ni gin dahil namamahinga ang braso nito sa sofa at saka hinawakan ang kaniyang tiyan na makikita na ang umbok

Sa wakas, natapos na rin ang hirap na pinag daanan nila. Hindi man ito ang una at may susunod pa, alam naman nilang hindi na masisira pa ang bond na meron ang mag asawa sa harapan nila

Magiging isang lesson ang pangyayaring 'to sakanila. It is to remind them that they are unbreakable and inseparable...

"Finally, ending it is..."
  
   
   
A week past...

Kinakabahang nakatingin si amore sa bahay na nasa harapan niya. May humalik sa sintido niya kaya tumingala siya only to fine fin looking at her tenderly

"Everything will be fine wife. I'm always on your side, whatever happens" Ani nito sakaniya

Malakas na nagpakawala nang hangin ang dalaga at saka dahan-dahang kumatok sa pintong nasa harapan niya

Bumukas ito kaya mas lalo siyang kinabahan. Idagdag pa ang mga tingin at bulungan ng mga tao sa paligid niya. Syempre hindi magpapahuli ang mga ito na pag usapan siya. May dala-dala ba naman siyang isang big tim na tao at isa pa, sa tagal niyang nawala, bigla-bigla na lamang siyang lilitaw sa kanilang lugar na parang walang nangyari kahit na maraming nangyari

"Sino po sila" Pahinang pahina na ani ng isang babae

Nangilid ang mga luha sa mata niya nang makita niya ang babae nitong kapatid. "Ate..."

"Kylie..." Bigkas ni amore at unti-unti na ngang tumulo ang nga luha nito sa mata

Mabilis siyang lumapit dito at saka niya mahigpit na niyakap ito. Malakas siyang umiyak habang nasa likod naman niya sa fin na hinihimas ang kaniyang likod

 
"Kumusta ka na ate?" Tanong ni jace sakaniya

Nasa sala sila ngayon at pansin niyang wala nang ganoong gamit sa bahay nila. Wala na gaano ang ibang napundar niya. Hindi niya rin napansin ang nanay niya at ang asawa nito. Alam niya kasing umuuwi ng ganitong oras ang mag asawang 'yon

"Habang wala ka po, binantayan ko ang mga kapatid natin kagaya ng bilin mo ate. At saka, nagastos ko po ang ipon mo na nakalagay sa ilalim ng higaan mo" Dagdag ni jace sakaniya

Nangilid nanaman ang mga luha niya habang nakatingin sa mga kapatid niya. Kumpleto silang apat ngayon na nakaupo sa harapan niya. Si jace na nakatingin sakaniya habang nakangiti at mababakas pa ang luha sa mata. Si kylie na nakatingin sakaniya ng walang emosyon pero bakas ang pamumula ng mata dahil sa pag iyak. Si shawn at shaun na nakatingin sakaniya habang may kinakain na chocolate bar na dala nila

Hindi niya binigyang pansin ang sinabi ng kapatid dahil para naman sakanila ang bagay na 'yon. Hindi naman sila nagutom, 'yon ang mahalaga...

"S-sila mama, a-asaan?" Garalgal na tanong nito sa mga kapatid

Nag tingin ang si kylie at saka si jace bago nag salita si kylie. "Patay na po sila ate"

Nanigas ang katawan niya at tila may bombang pumutok sa magkabilang tenga niya dahil sa narinig. Aksidente niya pang nakagat ang labi kaya nag dugo 'yon

"A-anong sabi n-niyo?" Utal utal na ani nito at halatang hindi nagising sa pagkakagulat

"Pagkatapos niyo pong hindi umuwi ng dalawang linggo, nabaliw ang nanay dahil wala nang natatanggap na pera galing sa'yo, kaya po wala nang gaanong gamit dito sa bahay. Sa tuwing nagagalit ito saamin ay pinapalabas kami ni kuya jace at kasama po namin lagi ang butler ni kuya fin. Nag babantay po saamin at ginagala kami."

"Nang mabaliw po ang nanay, nabaril naman ang tatay dahil nakuhaan ito ng pinagbabawal na gamot. Dahil doon, mas lalong nabaliw ang nanay at kinuha ang sariling buhay. Simula po noon, si kuya jace at ang butler po ni kuya fin ang kasama namin lagi kaya hindi kami nagugutom at medyo nanaba" Mahabang litaniya ni kylie

Unti-unti namang nanghina si amore buti na lamang at nakaupo siya kung hindi ay baka nabuwal siya. Kinalma niya ang sarili nang makaramdam ng kirot sa dibdib ng malamang nabaliw at nagpakamatay ang nanay nila

Kahit naman na inabuso siya nito at humahantong pa sa puntong nabubugbog siya, hindi pa rin maipagkakaila na magulang niya 'to. Ang nanay niya ang nagluwal sakaniya kahit bali-baliktarin ang mundo

Dahan-dahan siyang tumingin kay fin ng malaman niyang kasama nang mga kapatid niya ang butler nito. Naalala niya kasi noon na nag aaway pa sila dahil walang kasama ang kapatid niya at wala siyang tiwala sa nanay niya

Nakita niya namang nakatitig ng mariin sakaniya si fin bago lumapit sakaniya at hinalikan siya sa sintido pagkatpos ay mas lalo siyang hinatak papadikit sa lalaki gamit ang malalaki nitong braso na nakahawak sa maliit niyang beywang

"Gusto niyo bang sumama kay ate?" Dahan-dahan niyang tanong nang makalma niya ang sarili at saka tumingin sa mga kapatid niya

 

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon