Kabanata 16

144 2 0
                                        


Unti unti kong dinilat ang paningin. Madilim na kwarto ang bumungad saakin. Sa pag kakaalala ko, pumunta kami ni fin sa mall pagkatapos ay nag kagulo and then nabitawan ako ni fin sa daming taong nag tutulakan pag katapos noon ay may humila saakin at sinikmuraan ako at may pina amoy na kung ano pagkatapos ay wala na

Unti unting nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ang mga nangyayari. I've been kidnapped. Again. Fuck this life of yours amore!!!

Nag simulang manginig ang katawan ko dahil sa takot na naramdaman. Ang pag sikmura saakin ng taong dumukot saakin ay ay isa na sa proof na hindi sila nanananto ng isang tao kahit babae pa

Nag sibagsakan ang luha ko. Hindi ako pwedeng mag tagal dito. Kailangan ko pang umuwi saamin. Kailangan ko pang humingi ng pabor kay fin na kunin ang mga kapatid ko

Hindi pwede 'to...

Napayuko ako at saka napayuko. Nagiging mahina nanaman ako tangina!!!

Huminga ako ng malalim at saka tumingala upang itigil ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa mga mata ko. Hindi ako pwedeng mag pakain dito sa takot

Alam kong ililigtas ako ni fin. Ililigtas niya ako...

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ngunit nabigo ako dahil nanakit lamang 'yon dahil sa taling mahigpit na nakakabit saakin. Pinilit kong palinawin ang paningin sa dilim

Masanay na dapat ako dahil naranasan ko na ring mag lakad sa dilim noong mga panahong naputulan kami ng kuryente at walang ni kahit singkong duling na pambili nang kandila

Nakapag adjust ang mga mata ko sa dilim at nakakita ako ng mga pigura. Ngayon ko lang napansin dahil mas pinipili ng sarili ko ang mag pakain sa takot at kaba

"Tulong please..."

"Palabasin niyo na ako..."

"I'm scared on the dark please, let me out..."

"Tulong..."

Impit na iyakan ang naririnig ko sa loob ng kwartong 'to. Kung hindi ko napansin ang mga pigura nila ay baka isipin kong may kasama akong nilalang dito na hindi nakikita

Binuka ko ang bibig upang mag salita ngunit nabigo ako dahil may nakatapal na kung ano sa bibig ko upang hindi ako makapag salita. Letche naman amore, kung saan saan mo nanaman kasi dinadala ang sarili ko e!!!

Bigo akong yumuko at dumukdok na lamang sa mga tuhod. Walang silbi kung ipipilit ko ang sarili kong gumalaw at makawala dito. Mas lalo lang akong masasaktan

Tulungan mo ko dito fin, please. Baka may gawin sila saakin/saamin. Help us please. Dumating ka na...

Pumikit ako at saka mahinang umiyak. Bakit ba kasi napunta pa sa ganitong sitwasyon ang buhay ko? Kidnap na lang ba ang laging nakasulat sa kabanata ng kwento ko?

 
"Hoy mga babaeng bayaran, gumising kayo diyan!!!" Naalimpungatan ako at unti unting nanginig ng may malamig na bagay ang bumuhos saakin

Dinilat ko ang mata at tumambad saakin ang maliwanag na paligid. Nasilaw pa ako kaya pumikit ako ulit at dahan dahan uling dumilat

Nang makapag adjust ay linibot ko ang tingin. Maraming babae akong nakita. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong wala silang ni kahit anong saplot

Dahan dahan akong tumingin sa sarili at agad na kinilabutin ng wala rin akong saplot na kahit ano. Napalunok ako sa takot at nag simula nanamang tumulo ang mga luha ko

Paanong wala na akong suot na damit? Naramdaman ko lang na may nakatakip sa buo kong katawan ah? Tinanggal ba nila 'yon habang tulog ako? Puta bakit ba napaka tanga ko?!

Unti unti akong nag angat ng tingin habang umiiyak. Marami akong taong mga nakita sa harap at nakatingin sila saamin habang nakangisi. May babae pa sa gitna na may edad ang itsura at may hawak itong balde. Iyon siguro ang pinaglagyan ng tubig na binuhos niya saamin

"How's experience mga puta?" Nakangising tanong niya. Unti unting sumama ang tingin ko sakaniya

Babae siya pero hindi manlang siya naawa sa kalagayn namin? Akala ko ba ang sanggat dikit ang mga babae?

"Swerte rin naman pala ng mga nabingwit natin sa mall na 'yon e" Tumingin ako sa kaliwa niya at nakita ko roon ang lalaking kaedaran ni mama

Nakatingin siya saamin na parang isang hayop na handang mangain. Halos lahat sila ay nakatingin saamin na parang isang gutom na hayop

Nanginig ako ulit sa takot at kaba. Idagdag pa ang lamig dahil sa binuhos nila saamin. Mga halang ang kaluluwa nila

"Palabasin niyo na kami dito!!!"

"Mga wala kayong puso!!!"

"Mamatay na sana kayo!!!"

Tumingin ako sa gilid at nakita ko roon ang tatlong babaeng nakatingin na ng masama sa harapan habang umiiyak. Nanlaki ang mga mata ko ng sunod sunod na putok ng baril ang namayani sa loob ng kwarto at sabay silang bumagsak habang naliligo sa sarili nilang dugo

"Paano ba 'yan, kayo unang namatay?"

"Sino gustong sumunod sa mga yapak nila?"

Kinapos ako ng hininga at dahan dahang umiling. Hindi. Panaginip lang 'to. This is just a dream, amore. All of this is just a dream

"Ahhhh!!!!"

"Kyaaahhhhhh!!! Help!!!!"

"Dugo!! Dugo!! Dugo!!!"

"Shut the fuck up!!!!" Napatalon ako sa gulat dahil dalawang putok ulit ng baril ang narinig ko

Tumingin ako sa paligid nag babakasakaling  walang natamaan at guminhawa naman ang pakiramdam ko. Tumingin ako sa lalaking nasa kaliwa at nakatutok sa taas ang baril na hawak niya

Sunod sunod na iyakan ang namayani sa loob ng silid at napayuko ako dahil sa takot. Ayokong magaya sa kinahinatnan ng tatlong 'yon. May mga kapatid pa akong binubuhay. Isa pa, 'di ako makakapag salita dahil sa bagay na nakatakip sa bibig ko

"May marinig pa akong ingay sa mga madudumi niyong bibig, hindi ako mag kikiming isunod ang mga buhay niyo sa tatlong babaeng nakabulagta na ngayon sa harapan niyo" Napalunok ako sa sobrang takot na naramdaman

Hindi ko naman ginustong dito matapos ang buhay ko. Hindi ko rin hiniling na maging ganito ang sitwasyon ng buhay ko. This is a life or death situation!!

May bagong pasok na lalaki na mukhang tauhan dahil sa suot nitong civilian at may hawak pang malaking baril. Lumapit siya sa may edad na babae at may binulong ito. Nakita ko kung paano natuwa at ngumisi ang pag mumukha ng babae

"Tama na 'yan kaloy. Dumating na mga buyer natin" Nakangising ani niya sa lalaking nasa kaliwa niya. Mukhang iyon ang kaloy

Unti unting nanginig ang katawan ko ng mapagtanto ang sinabi niya. Buyer? Ibebenta nila kami?

Malamang amore!! Kaya nga kayo kinidnap para may pag kakitaan sila diba?!!

Nagiging tanga ka nanaman ata amore?!! Mag isip ka ng tama, mamamatay ka na!!!!

Anong gagawin nila saamin? Bubuksan ang katawan at kukunin ang laman loob at ibebenta? Gagawing sex slave?

Kinilabutan ako dahil sa mga iniisip at mas lalong tumaas ang kaba at takot sa aking buong katawan. Hindi ko gusto ang iniisip ko. Kinakapos ako ng hininga

Nasaan ka na ba fin? Kunin mo na ako dito pakiusap. Ayokong mangyari ang nasa isip ko at baka makita ko mo sa mental at wala sa sarili...

Mistaken LifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon