Kabanata 8

100 2 0
                                        


Nahihilo akong nagising sa isang kwarto. Kulay pula ang ilaw kaya medyo masakit sa mata

Umupo ako at nilibot ang tingin. Hindi gaano kalakihan ang kwartong pinag lalagyan ko. May pinto sa gilid at kung hindi ako nag kakamali ay c.r iyon

Tumayo ako kahit na umiikot ang paningin. Nag mukha akong lasing na ewan habang nag lalakad papunta sa isa pang pinto na sa hula ko ay labasan

Binuksan ko 'yon at tinulak ngunit bigla akong nag panic dahil hindi ko 'to mabuksan. Ginalaw galaw ko sa taranta ang door knob pero ayaw mag bukas

"Buksan niyo 'to!!" Kinalampag ko ng dalawa kong palad ang pinto. Umaasang may makakarinig saakin sa labas

Hindi ako pwedeng makulong dito. Kailangan ko pang umuwi

"Open this door, please!!!" Nag simulang manubig ng mga mata ko hanggang sa sunod sunod ng tumulo ang mga luha ko

Hindi ko pa rin tinitigilan ang pag galaw sa door knob at pag kalampag sa pinto. Please lord, tulungan niyo kong makalabas dito

Paano kung masama pala ang kumidnap saakin? Paano kung ibebenta pala niya ako? Paano kung patayin ako nun? Paano kung gahasain ako ng taong kumidnap saakin?

Nag simula ng mag overthink ang utak ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Kaya ayokong uminom. Alam ko kasi sa sarili kong mangyayari 'to. Bakit kasi hindi ako sumunod sa instinct ko?

Baka rin hinahanap na ako ng mga kasamahan ko. Hindi naman pwedeng wala akong gawin

Inikot ko ang paningin at nag babakasakaling may makita akong pupwedeng ipang bukas o ipang sira sa pinto pero wala akong niisang makita

Higaan lang ang meron sa kwartong 'to. Napaiyak nalang ako sa frustrasyon at sa halo halong nararamdaman. Nakakainis naman!! Bumagsak ako sa sahig dahil sa panghihina

Sino ba kasi ang kumuha saakin? Nahahayok na ba 'yon sa laman? Wala na bang pang tustos sa sarili kaya nangingidnap ng tao?? Letche naman 'o

Frustrate akong napasabunot ng buhok at napakagat ng labi. Tangina naman!! Wala bang dumadaan sa kwartong 'to? Puta naman kasi, bakit kasi napakaliit ng bintana?

Nasa pinaka taas 'yon at wala akong magagamit para makalabas. Hindi naman sapat ang tanginang kama na nandito dahil hindi naman 'yon kalakihan para maabot ang bintanang maliit na nasa taas. Maliit din 'yon at hindi ako kasya. Madilim pa sa labas at may pag asa pa akong makauwi

May pag asa akong makauwi kung makakalabas ako sa letcheng kwartong 'to

Nag angat ako ng tingin at nag karoon ng pag asa ng narinig ko ang lock nang pinto na nag bukas. Hindi na ako tumayo dahil sa panghihina. Naka angat nalang ang tingin ko sa taong pumasok. Nag babakasakali na makukuha ang taong kumidnap saakin sa paawa na makalabas dito

Ganoon na lamang ang panlalamig ko ng humarap siya saakin. Malamig ang tingin niya kanina ng unang pumukol ang tingin niya saakin ngunit agad 'yong lumambot ng makita ang itsura ko

"Mr. Levin" Bulong ko sa hangin

Lumapit siya saakin ng natataranta at agad akong binuhat ng pangkasal. Wala akong naging reaksyon dahil sa kaba at gulat na nararamdaman. Patuloy pa rin sa pag luha ang aking mata at pinapanood ang bawat galaw niya

Umupo siya sa dulo ng higaan at agad niya akong inupo sa mga hita niya. Malambot siyang nakatingin saakin habang may kabang nababakasan sa mga mata niya

"Hey kitten, why are you on the floor?" Malambot niyang tanong saakin bago hinawakan ang buhok ko at inayos 'yon

Lumunok ako at para akong nagising sa katotohanan dahil sa ginawa niya. Dahil sa taranta ay gumalaw ako sa kandungan niya at balak na sanang umalis ng agad niyang hinawakan ang beywang ko. His eyes went rigid after looking at me. Napayuko nalang ako sa panghihina

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon