Prologue

223 3 0
                                    

PROLOGUE

"I'm really sorry, Celine. 'Pag natapos 'tong meeting ko nang maaga uuwi ako Celine, I Promise." Pabulong na saad nito, siguro nga ay nasa meeting ito.

Nakatapat lang sa tenga ko ang cellphone ko habang nakatitig ako sa mga pagkaing nakahain sa mesa.

"Celine, I'm really sorry darling" his voice was full of sadness, and disappoinment.

"It's o-okay Cian i understand," pinilit kong pasayahin ang boses ko"Uuwi ka naman mamaya diba? Pag tapos ng meeting mo diba?" I was holding up my tears and really really trying my best to control my voice from shaking.

"Yes! Love, I promise Uuwi ako. Uuwi ako sayo." Masigla na may halong lambing ang boses niya na parang nabuhayan ng loob.

"Alright, I'm going to sleep, I'm... sleepy"

"Okay goodnight i love you." Napangiti ako.

"Goodnight, i love---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mawala na ang taong nasa kabilang linya.

I just sigh and rest my back. God, I'm so tired. Nang makuntento ay pumilas ako ng tissue paper sa lamesa.

Wala kong ganang pinahid 'yon sa labi ko upang alisin ang lipstick ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Pinispisan ko ang mga platong may pagkain at pinagpatas-patas ang mga ito. Habang ginagawa ko yun ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kaninang pangakong babawi siya.

Pinaniniwala ko na lamang sa sarili ko kahit alam kong hindi naman iyon mangyayari.

Matapos kong ipagpatas ang mga plato ay inilagay ko yun sa lababo. Masyado na akong pagod para hugasan ang mga iyon kaya ipagpapabukas ko nalang.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at hinubad ang pulang bistida na regalo sa akin ni Cian noong nakaraang birthday ko.

Wala akong iniwan mi-isang saplot at nahiga na lamang sa kama at binuksan ang tv.

Hindi ko pa naiililipat ang channel ay bigla ang gwapong mukha ni Cian ang nakita ko.

"Doctor Cyber Cian Petrov, was seen with Beatrice Camince—his rumored fiancé today at Green house restaurant. "  Matapos sabihin yun ng reporter ay nag-flash sa screen ang litrato nilang dalawa. Pareho silang may hawak na wine glass nakahawak si Cian sa beywang ni Beatrice at may maliit na ngiti sa labi.

"Mukhang nahanap na ni Doctor Cian ang the one niya—"  Pinindot ki na ang power button ng remote bagi pa man matapos magsalita ang reporter.

Mapait na lamang akong napatawa. Ganito na lang talaga siguro ang buhay ko.

-Mooraka/ M.A

The Other WomanWhere stories live. Discover now