Chapter 2

67 3 0
                                    

CHAPTER 2

Kane's Pov

"Clyde, kailan mo balak manahin ang kalahati ng kompanya ko?" Tanong ni “Dad„. Habang nakain kami sa hapag. KAtabi ko si Mama, sa kabilang side naman ay si Cian—ang nakababata kong kapatid sa ama, ang fiance niyang si Beatrice, Si Elizabeth ang nanay niya, at si Francisco—tatay namin.

Pareho kami ng Tatay ni Cian pero magkaiba ang Nanay naming dalawa, gayunpaman ay nakatira kami ni Mamaa sa bahay ni Francisco at ng asawa n'ya, kahit na tutol ako sa desisyong iyon wala naman akong nagawa dahil 'yon naman ang kagustuhan ni Mama para daw makilala ko ang Tatay ko kahit na hindi ko naman kailangan iyon.

"Wala akong balak gawin sa kalahati ng kompanya n'yo, gusto ko lang ituloy ang pagpapalago sa shop ni Mama." Sabi ko habang hindi siya tinitignan at patuloy lang ako sa pagkain dahil gusto ko na rin umalis agad.

Ramdam ko ang tingin sa'kin ni Mama na parang nag-aalala.

"But it's not enough, you're a petrov. Mas maganda kung pumapayagpag lalo ang pangalan natin sa business"

"Ayos lang iyon sa'kin sapat na ang shop ni mama para mabuhay ako—kami hindi ko kailangan ang kompanya nyo."

"But Clyde you're also my son—" nagsitaasan ang mga balahibo sa balat ko nang tawagin niya akong ganon. Sino ba ang nagsabi na tawagin niya ako sa pangalang pinili n'ya?

"Tapos na ako, aalis na ako." Uminom ako ng tubig at saka tumayo, humalik muna ako sa pisngi ni Mama bago naglakad palabas ng bahay.

Nang makalabas ako ng bahay ay sumakay ako sa Ducati ko at pinaandar iyon. Balak ko pumunta sa shop at duon muna magpalipas ng gabi. Habang tumatakbo ang Motor ko ay siya namang malakas na buhos ng ulan, hindi naman iyon hadlang sa akin.

Hindi ko alintana ang ulan at mas lalong pinabilis ang takbo ng motor. Nang medyo malapit na sa Shop ay pinabagal ko ang takbo.

Huminto ako sa tapat ng shop, bumaba ako ng Ducati ko. Naglakad ako sa pinto ng store at kukunin na sana ang susi sa bulsa ng jacket ko.

"hoy!" Sabay ng sigaw nayon ang malakas na hamapas ng kung ano sa likod ko.

Galit akong lumingon sa kung sino iyon pero nawala rin iyon nang makita ko kung sino.

"Celine?"

"K-kilala moko?"

"It's me kane. What are you still doing here? its raining heavily" mabilis kong hinubad ang jacket ko pinalibot ko ito sa kaniya at tumakbo kami sa waiting shed.

"Anong ginagawa mo dito??" Tanong ko. Kanina pa dapat s'ya nakauwi. Hinubad ko ang helmet ko at ibinababa sa upuan ng shed.

"Eh ikaw?! Ano ginagawa mo dito? Magnanakaw ka sa store namin?? Wag na wala namang pera duon kinuha na kanina. Gutom kaba? Parang hindi naman eh kasi ang gara ng motor mo---" para siyang nag rarap sa mga sinasabi niya at hindi ko mapigilan matawa.

"Baliw." Sabi niya saakin.

"No, i just—" hindi ko mapigilan ang tawa ko." Pag may magnanakaw sa inyo ganiyan din ba ang sasabihin mo??"

"Huh?? Totoo naman eh wala naman silang makukuha sa store ng ganitong oras kasi kinuha na ng may ari kung meron man silang makukuha siguro mga libro,bulaklak tsaka mug lang ang makukuha nila---" tumigil na ako sa pagtawa at pinitik ang noo n'ya.

"Aray! Para saan yun?" Napahawak naman siya sa noo niya with an obvious frown, she's cute.

"Pano kung magnanakaw nga talaga ako??" Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

The Other WomanWhere stories live. Discover now