CHAPTER 10
Kane's Pov
"Wala akong mahanap, tara sa ibang store..." Tulak-tulak ako ni Celine papalabas ng Bewelry.
"Are you sure? Parang may nakita kana ro'n." Nakita ko kung pa'no kumislap ang mata niya kanina nang makita iyong red na beads na nakasabit sa itaas.
"Wala eh." Naglalakad na kami papalayo sa Store."nagugutom ako. Libre moko" tatapak na sana kami sa escalator nang magsalita ulit siya. "Ay! Wait may nakalimutan ako. D'yan ka lang" I smiled she ran fast for someone who's wearing heels. She's so cute, I want to put her in my pockets.
I'm scared that she might trip so I followed her. Bumalik siya sa Bewelry, kita ko siya sa glass window ng store na may kausap na saleslady, may itinuturo siya sa taas ay bahagyang tumatalon.Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko. I don't care if I look like an idiot, this woman is adorable.
Nawala siya sa paningin ko at siguro ay nasa counter na iyon at nagbabayad, kaya mabilis akong bumalik kung saan niya ako pinaghintay kanina, mga limang minuto rin akonag naghintay ro'n at bumalik siya'ng hinahapo.
"Anong binalikan mo ro'n?"
"Wala nagpa-customize lang ako ng charm" ngumiti siya at kahit wala sakin ang tingin niya ay hindi iyon nawala. I can't help but smile too.
•••
Celine's Pov
"Sharap" hindi ako makapagsalita ng ayos, punong-puno ang bibig ko ng pizza.
"Here" Sabi ni Kane at inabot pa sakin ang isang slice ng Fruity Pig Pizza. Itinaas ko ng kamay ko at inuwestra sa kaniya na sandali lang. Napapikit ako nang nilunok ko yung pagkaing nasa bibig ko saka uminom ng tubig.
"Teka lang naman! Kita mong may laman pa yung bibig ko eh, bastos..." Kinuha ko sa kaniya yung pizza. Napatawa naman siya at kumain rin ng pizza. Nang matapos kaming kumain ng tatlong box ng pizza at tinawag na niya iyong waiter, saka nag bayad.
"May gusto ka pa bang kainin?" Tanong niya naglalakad lakad kami sa mall at naghahanap ng magagalaan.
"Gusto ko sana dessert eh"
"Tara, may alam ako" Hinawakan na naman niya ang kamay ko at hinila ako kung saan.
~~~
"Ayoko ng chocolate, masakit sa lalamunan"
"How 'bout Vanilla?"
"I want to try!" Kumuha siya ng dalawang vanilla ice cream na nasa popsicle saka ibinigay iyon sa tao na naroon sa loob kung nasaan yung mga toppings, ang kagandahan dito pwede ka pumili ng toppings na gusto mo seven toppings ang max.
Nakasunod lang si Kane sakin habang pumipili ako ng mga toppings na gusto ko, sabi niya ay yun nalang rin daw ang sa kaniya. Inabot na samin yung dalawang ice cream.
"Payment nalang po ro'n, Ma'am-sir"
"Thank you po" I said smiling.
Nakasunod naman ako kay Kane dahil siya ang mag babayad.
"4,050 pesos Sir" Walang salita si Kane at kinuha lang ang card sa wallet niya.
~~~
" I know a place you might like"
"Teka sandali! Busog pa ako eh. Masakit ang tyan ko" Buti nalang at may mauupuan akong nakita at naupo ko ron.
Napa buntong hininga ako at isinandal ang buong likod ko sa upuan."Bakit ba tayo nasa mall?"
"Because, I want to eat"
"'Yon lang? Sumama ako sayo sa mall kasi akala ko may bibilhin ka tapos gusto mo lang pala kumain, masakit na ang paa ko..." Mahina kong sabi pero sinigurado ko ns maririnig niya yun
YOU ARE READING
The Other Woman
Romance1/12/23 Tapat si Celine sa kaniyang tatlong taon na nobyo na si Cian, kahit na balak pang ikasal ang lalaki sa iba. Gusto niyang isipin na pagbusok lamang ito sa kanila at malalampasan rin. Pero paano nalang kung dumating si Kane-ang nakakatandang...