CHAPTER 4
C
eline's Pov
Nakakainis. Nakakapang galaiti. Nakakaurat. Nakakaburyo. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa sakin ni Cian yun eh. Pero kahit na I was expecting him last night akala ko uuwi s'ya.
Napatingin sakin si Shani nang pumasok ako ng Store nagwawalis siya gamit ang tradisyunal na tambo. Dumaretso ako sa Counter kinuha ko ang tuyong pamunas at nagsimulang punasan 'yong tiles, at mga gamit na nasa taas counter table.
Dahil sa inis ko ay iniwan ko ang phone ko sa Apartment, pake ko naman kung tumawag siya, sana ginawa niya yun kagabi at sinabing hindi na siya makakapunta kahit nakatulog ako kagabi syempre hinihintay ko siya.
Napatigil ako sa pag pupunas dahil may isang platito ng apple pie ang lumapag sa harap ko.
"Apple pie. Nang mawala 'yang kunot sa noo mo."
"Agang-aga pinapakain moko ng apple pie---Teka nga anong ginagawa mo dito? Dito kana nag tratrabaho? Kailan pa? Parang nakahapon lang kumakain kapa dito---ano ba!" Napatigil ako sa pag sasalita dahil isinubo niya ang maliit na piece ng apple pie sa bibig ko gamit ang tinidor.
"Nag rarap ka na naman. And yes at magsstart ako ngayon isa ako sa waiter"
"Sus kaya mo ba?"
"Psh, maliit na bagay" finlex niya ang kanang braso nito. Napataas naman ang kilay ko dahil mas lalong humapit ang suot niyang white na polo sleeve may black na apron siyang suot at may tatak ng store namin.
Malaki naman talaga ang pangangatawan niya. Parang malaking daga yung biceps niya. Nang heheadlock kaya siya? I could imagine his arm around my neck. Ramdam ko naman na namula ang mukha ko sa naisip ko.
"Done admiring my biceps, beautiful?" Napalunok ako. Wag ka aamin! Wag ka aamin, Celine!
"Umasa ka. Tsaka yang Apple pie na yan nako kailangan ilista 'yan baka mamaya baka mag kulang at mag-abono pa ako alam mo ba gaano kamahal ang isang slice ng Apple pie? Nako nako nako!" Tinipa ako sa screen kung saan ko inilalagay ang order ng mga customer duon rin nakacontect ang machine kung saan lumalabas ang mga receipts. Gusto ko hawakan ang mukha ko dahil alam kong namumula ako.
"Ikaw ang kumuha kaya ikaw ang magbayad" binigay ko sa kaniya ang resibo na lumabas sa machine nang hindi siya tinitingnan pakiramdam ko kasi ay makikita niya sa mata ko kung ano ang iniisip ko. Buti nalang at umalis na siya.
Alasinco palang mabibilang pa sa kamay ang mga costumer na pumapasok sa store.
~~~
May malakas na tawanan na nanggagaling roon sa mahabang table actually isang babae lang talaga ang malakas na tumatawa matatanggal na ang panga habang yung isang kasama niya ay katamtaman lang.
Paano, eh kanina pa nilalandi ni kane ang mga tao sa table na yun. At nagsisimula nang magreklamo yung ibang costumer.
"Miss, matagal pa ba yung order namin?"
"I'm very sorry about the inconvenience, would you give us another 2 more minutes sir?"
"Two minutes' good"
"Thank you for understanding sir" umalis ang lalaki at bumalik sa table nito. Pa'nong hindi tatagal eh yung isang waiter namin eh nakikipag tawanan pa.
"Teka Shani" Tumango lang si Shani at hindi nagsalita dahil may kausap na costumer. Naglakad ako kung nasaan si Kane at kinulbit siya at bumulong.
"Ikaw kanina kapa, nagrereklamo na yung ibang costumer kasi ang tagal ng order nila."
YOU ARE READING
The Other Woman
Romance1/12/23 Tapat si Celine sa kaniyang tatlong taon na nobyo na si Cian, kahit na balak pang ikasal ang lalaki sa iba. Gusto niyang isipin na pagbusok lamang ito sa kanila at malalampasan rin. Pero paano nalang kung dumating si Kane-ang nakakatandang...