CHAPTER 14
Third person's Pov
Nakalhati na ni Celine ang Red wine na binigay sa kaniya kanina. Ayaw mang aminin ni Celine sa sarili niya pero tumatama na sa kaniya iyon.
"Putanginang... Mga lamok" tila tunay na lasengera siya sa tabi, hawak-hawak ang bote ng wine malapit sa bunganga nito, pinaypay niya ang kamay niya sa binti para hawiin ang lamok.
Hindi niya mapigilang maluha sa sitwasyon niya, bakit ba siya nagpapakatiis sa ganitong sitwasyon kahit na kaya niyang kuhanin ang lalaking magugustuhan niya ay bakit parin siya nagtitiis sa ganito. Ang sariling tanong ay hindi niya masagot, alam niya sa sarili niya na ga'no pa man niya kamuhian ang lalaki, ito at ito parin ang pipiliin n'ya.
Pinunasan niya ang luhang nasa pisngi niya kahit patuloy parin iyon sa pag buhos. Humawak siya sa pole ng street lights at sinubukang tumayo. Pero kasabay ng bahagyang pagtayo niya ay pag riring ng cellphone niya.
Ang mga naniningkit niyang mata ay bigla namulat. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa bag niya at hindi na tiningnan kung sino ang tumatawag
"Hel-lo? Cian is that you? Baby kanina pa ako dito, nilalamig na 'ko" hindi ko na mapigilan ang iyak ko at pagsabi sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko na umuwi. Iyon talaga ang gustong sabihin Celine
"Nasa'n ka?"
"K-kane?"
"Where are you, Celine?" Sobrang kalmado ng boses nito, at nakakainis 'yon para sa kaniya.
"Bakit ba ang kulit mo?! May boyfriend ako!" Gusto na niya umuwi at nilalamig na siya, pinapangagat pa siya ng lamok, at dumagdag pa sa inis niya si Kane.
"Just tell me where you at." Naawa naman agad siya sa binata, kalmado parin ang boses nito kahit na sinigawan niya ito.
"Near green house res----*toott*" napatingin siya sa phone niya dahil nawala ang katawagan niya. Deadbat.
Naupo siyang muli at tinungga ang wine. Ilang saglit pa siyang naro'n nang maramdaman niya ang malalaking patak ng ulan. Hindi niya pinansin 'yon at nanatili siyang nakaupo. Tumalsik ang putik sa damit niya.
Bigla nalamang kumidlat na siyang nakapagpapuno sa pasensya ni Celine.
"Ugh! Why does God fucking hate me?" Kahit naulan ay nanatili lang siya sa pwesto niya, pinagsara niya ang dalawang binti at niyakap iyon, kasabay ng ulan at kulog ang pagpatak ng mga luha at hagulgol niya.
May naramdaman siya pumalibot na kung ano sa likod niya, napabalikwas siya at tiningnan kung sino iyon, mas lalong bumuhos ang luha niya nang makita kung sino iyon. Napakapit siya sa itim na slacks nito ginamit niya iyong alalay para makatayo, at binigyan ang lalaki ng mahigpit na yakap.
"Shh... it's okay, Baby." Ang malambing na boses ni Kane ang naging sandigan niya sa mga oras na iyon. Sinukbit niya ang braso sa leeg ni Kane at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.
"I want to go h-home...please take me home. I-I'm cold...pleasee..." Nangangatal ang boses niya dahil sa lamig at dahil na rin sa pagpipigil ng luha.
"Shhh... I'm here now. I'll take you home"binuhat s'ya ni Kane, na parang isa siyang napakaimportante bagay sa mundo. Mainit ang katawan nito para sa kaniya.
'fucking asshole' iyon ang nasa isip ni Kane, naglalakad pabalik sa kotse nito habang nasa braso parin ang dalaga. Namumutla ang dalaga, maitim na ang mga labi nito, kalat ang mascara at lipstick sa pisngi nito, amoy red wine rin siya.
Maingat niyang ibinababa si Celine sa passenger seat niya. At mabilis na umikot sa harapan at sumakay sa driver seat.
•••
YOU ARE READING
The Other Woman
Romance1/12/23 Tapat si Celine sa kaniyang tatlong taon na nobyo na si Cian, kahit na balak pang ikasal ang lalaki sa iba. Gusto niyang isipin na pagbusok lamang ito sa kanila at malalampasan rin. Pero paano nalang kung dumating si Kane-ang nakakatandang...