Chapter 9

37 2 0
                                    

CHAPTER 9

Third person's Pov

'gusto ko pa mabuhay...gusto ko pa mabuhay"

Yun ang paulit-ulit na saad ni Kane sa kaniyang utak. Hindi niya magawang tingnan si Celine na sa passenger seat ng Kotse niya, Celine is wearing a beautiful pink floral dress with cardigan, hair tied up using a bow.

•••

Celine's Pov

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Kane. Na simula kaninang lumabas kami ng building ay hindi ako tinatapunan ng tingin.

Lumiko ang direksyon namin, mga ilang minuto rin at maya-maya ay huminto kami sa isang restaurant.

"Let's eat breakfast first" Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako. "Tara"

Pumasok kami sa loob at humanap ng mauupuan. Ang ganda rito, iba't-ibang shade ng pink ang theme ng Store nila what really caught my eyes were the paintings hanging on the wall. Naglakad ako kung nasaan ang mga paintings at tiningnan isa-isa.

Ang mga paintings na naroon ay kagubatan, mga bahay na napapaligiran ng mga halaman at bulaklak, at mga babaeng nakasuot ng pang Victorian era.

'Gentle path to take us home' basa ko sa isa sa mga paintings na naroon, matataas na halaman at puno, na may mabatong maliit na daan.

"Wow..." Tatalikod na sana ako nang bumangga ako sa kung ano. Potek baka maareglo ako nito. Hinawakan ko agad ang noo ko. "A-aray...Aw" I heard a small chuckled, mapaangat naman ang tingin ko at inalis ang kamay sa noo ko. Hindi ko alam na sumunod pala siya sakin.

"You're the one who dumped me" sabi niya sabay pitik sa noo ko. Mas masakit yon kaya napahawak akong muli sa noo ko.

"That's a nice painting" sabi niya tinutukoy ang painting na tiningnan ko kanina.

"It's not just nice, it's beautiful. Naka order kana? Gutom na ako, ang aga mo ba naman pumunta, tapos hindi mo pa ako tinext kagabi okaya tumawag kung anong oras tayo..." Kusa akong tumigil sa pagsasalita nang marinig ko na para siyang nag bebeat box sa likod ko." Anong ginagawa mo?"

"Sinasabayan ka" sabi n'ya at pinagpatuloy ang pag bebeat box, hindi ba siya nahihiya sa mga taong naron sa store, may pa simpleng sayaw pa siya na pang hiphop. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil mukha na siyang tanga, napahawak nalang ako sa bibig ko baka mapalakas ang tawa ko nakakahiya"Ano kaba nakakahiya" tinulak-tulak ko siya.

"Tara na, ayun na ang order natin oh" hinawakan niya ang balikat ko at pilit na pinaglakad sa table namin.

~~~

"That is just so stupid" komento niya. Nasa bookstore kami sa isang mall, nakaupo kami sa sahig habang nagbabasa ng isang libro."Seriously why would you stay when that person is treating you like shit?"

"Baka may reason yung girl, basahin pa natin" ganito talaga kapag nakaka-relate ka sa isang libro o kwento, parang gusto mong matuto kung anong gagawin sa ganong sitwasyon.

"No. I'm getting bored, let's go somewhere else. At ang ending lang niyan ay walang pinili ang babae sa dalawang lalaking nagkakagusto sa kaniya, at magisa niyang pinalaki yung anak niya." Tumayo siya mula sa tabi ko.

"How'd you know that?" Tiningnan ko lang siya nang bahagya lang inangat ang ulo ko.

"I just...know. Get up." Parang siyang nahihirapan huminga.

"Ayoko, babasahin ko to"

"Get up, Celine" may kung ano na sa boses nito na hindi ko mapaliwanag. Isinara ko nalang ang libro at tumayo, mabagal kaming naglalakad palabas ng store.

The Other WomanWhere stories live. Discover now