Chapter 1

153 2 1
                                    

CHAPTER 1

Celine's Pov

"Miss, ganito ba talaga service rito tutungangaan n'yo lang yung customers, ganern??" Naputol ang pananaginip ko nang gising dahil sa sinabi niya.

"P-pasensya na ho, ma'am. Hindi na ho mauulit" ibinigay ko sa kaniya ang bulaklak na inorder niya kanina pa.

Parang pagalit naman niya itong kinuha sa akin. Nang lumabas ang resibo sa machine ay hinaklit niya lang rin ito sa kamay ko.

"Talagang hindi na!" Napangiwi nalang ako.

"Iyan kasi..." Nagitla naman ako nang may mahinang hampas sa puwit ko.

"Shani!!" Napahawak naman ako sa puwit ko.

"Kahapon kapa ganiyan eh. Ayos ka lang ba? Noong nakaraang araw ay matamlay ka, hanubaaa" hinawakn niya and magkabilang balikat ko at niyugyog ako.

"Ano ka ba?" Pabiro kong hinampas ang mga kamay niya sa balikat ko. "Masama lang ang pakiramdam ko..."

"Maniwala naman ako sa'yo. "

"Mh, oo nga" inalis ko ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa cash register.

"Nag-away kayo ng bf mo?" Maliit lang akong napangiti. Mi hindi nga kamu nag-uusap ng tao mag-away pa kaya.

"Huh?" Iwas ko sa tanong niya. Umalis muna ako sa kinatatayuan ko at kumuha ng maliit basahan at pinunasan ang counter.

"Ay sows, konting chupa lang dyan at wala narin ang galit niyan"
Bunganga talaga ng babaeng 'to. Sabay nalang kamung tumawa sa tinuran niya.

Nagtratrabaho ako sa isang caffe—romantic caffe to be exact. We sell flowers, serve food, meron ring place para mag shopping pero madalas ang mga taong pumupunta rito para bumili ng drinks at foods.

Dahil wala pa namang ibang napasok ng store ay tumulong nalang muna ako sa paglilinis ng mga tables.

Kinulekta ko ang mga baso ng kape na wala ng laman na naiwan sa mga mesa, matapos ay pinunasan ko ang mga table gamit ang basang basahan.

Napalinga ako sa saglit at nahagip ko ang isang matangkad na lalaki na nakatingin sa mga bulaklak malapit sa isa sa malalaking bintana.

Inilapag ko ang pamunas at ang mga hawak kong baso. Lumakad ako kung nasaan siya, tama lang para mapagmasdan ko ang gwapo niyong mukha. Hindi muna ako nagsalita at tinitigan muna ang ginagawa niya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na purihin ang lalaking iyon sa isip ko napaka gwapo nito, kung titingnan mo siyang mabuti ay parang napaka seryoso ng ekspresyon n'ya at halatang walang oras para makipag biruan. Kung ikukumpara ko sila ni Cian ay parang pareho silang dalawa pero mas gwa---ayyshh bakit ko ba sila pinagkukumpara.

"It's rude to stare, Miss" sabi niya habang hindi lumilingon saakin.

"Oh I" natuliro naman ako bigla akala ko ay hindi niya ako mapapansin. "Ahm... pasensiya na nacucurious lang ako kung ano ang ginagawa mo sa mga halaman---"

"It's okay, I'm just kidding" mahina siyang tumawa, at humarap sa'kin. Ang seryoso nitong ekspresyon ay nawala at napalitan ng maaliwalas. "Tinitingnan ko lang yung kalagayan ng mga bulaklak."

Bibili ba siya ng bulaklak??

Well, do your fucking job"A-ah kuya, bagong deliver lang ho iyan kaninang umaga panigurado ho ako na ayos ang kalagayan ng mga yan." Nagagalak kong sabi sa kaniya pero nailang ako nang para siyang napapantastikuhang nakatingin sa akin.

"Ibi...bi...gay n-nyo po ba sa girlfriend nyo?" Dahan-dahan kong sabi, mas lalo namang nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko. May mali ba sa sinabi ko?

The Other WomanWhere stories live. Discover now