Chapter 12

10 2 0
                                    

CHAPTER 12

Celine's Pov

Two Days passed since Cian called, isa or dalawang beses siya tumawag sa isang lingo kaya hindi ko na ine-expect na tatawag ulit siya.

Papikit-pikit ako ngayon habang naghihintay ng costumer na papasok at bibili sa store.

Walang hiyang shift to Ala una ng madaling araw, sinong niloloko nila? Walang nabili ng ganitong oras.

May lumapag na cup ng tsaa katabi ng cash register, antok kong tiningnan yon at ang nag bigay non.

"Sabi nila mas nakakapang gising raw ang tsaa kesa sa kape. Ako si Nila." Ngumiti ang lalaki na hindi nakikita ang ngipin, pero hindi rin kita ang mata, may kung amo sa ngiti niya na nakakahawa kaya napangiti nalang rin ako. "Drink it."

Naalala ko kahapon ay mainit siya ayos na kaya siya ngayon.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Kinuha ko ang tsaa na nasa tabi ng cash register at dahan-dahang iniinom iyon.

"Huh?"

"Pakiramdam mo. Kung ayos na ba, mainit ka kahapon ah"

"Bakit mo naman natanong yan? Maayos naman ang pakiramdam ko kahapon."

"Anong ayos? Namumula ka kahapon tapos ang init mo pa" wala akong narinig na salita mula sa kaniya st sumimsim ako ng tsaa nang wala parin ay napatingin na ako sa kaniya. Nakatingala siya habang nakapamewang at humihingi ng malalim.
"Hoy ayos kalang? Iyan ka na naman eh"
Muli akong sumimsim ng tsaa, bumaba ang tingin niya sakin, ang seryoso ng mata niya.

"You're Beautiful, Celine" Bigla-bigla nalang niyang sabi. Hindi ko nakontrol ang pag simsim ko ng tsaa at naparami ang inom ko dahilan para mapaso ang dila ko at maibuga sa kaniya ang tsaa na nasa bibig ko.

"Hang hinit..." Nakalabas ang dila ko at pinapaypayan iyon gamit ang kamay ko.

"Are you okay?" Nag-aalala niyang sabi Sandali kong hindi sinagot ang tanong niya dahil pinapaypayan ko ang dila ko nang mawala na ay saka ako nagsalita.

"I'm okay don't worry wala na ang init" at para naman siyang nakahinga rin ng maluwag. Marahas siyang nagbuga ng hangin na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan

"Sa likod lang ako, ubusin mo na iyan" tumalikod na siya at maglalakad na sana.

"Thank you" I'm beautiful that's what he said. Matagal na rin noong huling beses na may nagsabi sa'kin non, it really made my day.

"For?" Then suddenly embarrassment hit me.

"For the compliment." Daretso kong sabi at tumalikod na rin sa kaniya.

"Oh you're very much welcome, beautiful" ramdam ko ang pagiinit mukha ko hanggang sa tainga.

~~~

Sinuot ko ang susi sa key hole ng apartment ko at pumasok sa loob. Hinatid ako kanina ni Kane ewan ko ro'n parang hindi makakatulog ng hindi ako hinahatid.

Inilock ko ang pinto at naglakad sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas para makatulog ako ng ayos mamaya. Pumunta naman ako sa salas at in-on ang Tv, inilipat-lipat ko ang chanel hanggang sa makakita ako ng magandang palabas. Naupo na ako sa sofa at nanood ng tv, Transformers ang palabas.

Nabasag ang matiwasay na panonod ko dahil tumunog ang cellphone ko na nasa bag. Hindi ko na naman kailangan tumayo dahil katabi ko lang ang bag ko.

Kinuha ang cellphone ko, sinagot ko ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino iyon dahil nakatutok ako sa tv.

"Hello?" Wala munang sumagot ron kaya sumimsim muna ako ng gatas.

"Hi" naibuga ko ang laman ng bibig ko kasama na yata ang utak ko.

The Other WomanWhere stories live. Discover now