Chapter 8

39 2 0
                                    

CHAPTER 8

Celine's Pov

Nagising ako dahil naririnig ko ang cellphone ko na nag riring sa may bedside table. Kinuha ko iyon nang nakadipa at nakapikit parin sa kama.

"Hello?" Walang gana kong sagot.

"Goodmorning, Miss Sleeping Beauty," nagising ang diwa ko nang marinig ko kung kaninong boses iyon. Napaupo ako sa kama.

"Kane?" Kinusot-kusot ko ang mata ko kahit papaano ay wala na ang antok ko. Tumayo na ako mula sa kama na nasa tainga parin ang cellphone. Sinuot ko ang pink na panloob kong sinelas.

"Yes pretty lady it's me." Naglakad ako palabas ng kwarto ko st pupunta sa kusina para magtimpla ng kape.

"Napatawag ka" kumuha ako ng isang tasa ng kape sa cup board at pinatong ito sa lamesa.

"Hm... nakalimutan mo yata ang dahilan bakit ko kinuha ang number mo" kumunot ang noo ko, hawak ko na yung kape sa kamay ko. Ano nga bang—

"Oh my gosh! Is it sunday?" Nasa bibig ko na ang dulo ng pack ng kape para sana buksan iyon.

"Yes." Maikling sagot niya.

"Hala, hindi mo sinabi agad—" tatakbo na bali ako sa kwarto para mag ayos

"Chill mamaya pa naman tayo aalis seven palang eh—"

"Akala ko naman"

"Anyways nasa labas ang ng building mo."

"What?!Anong ginagawa mo d'yan?"

"Hinihintay po kita" gago talaga.

"Sandali bababa ako" pinatay ko muna ang tawag saka inilapag ang cellphone sa lamesa.

Pumasok muna ako sa kwarto ko para kumuha ng cardigan dahil naka night gown lang ako, saka ako lumabas ng apartment ko. Walang elevator ang building at ang meron lang ay hagdan kaya pahirapan talaga.

Nang makalabas ng building ay nakita ko si Kane na nakasandal sa isang magarang kotse.

"Bakit hindi mo sinabi kung ano oras tayo aalis?" Sabi ko habang naglalakad papalapit sa kaniya." Tamo wala pa ako ayos! Ang gulo-gulo ng buhok ko."

"Aysh nagrarap ka na naman dinaig mo pa si Eminem." Tumaas ang kamay niya inilagay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

" I told you we're going out"

"Eh hindi mo tinext sakin kung ano oras tayo aalis, hindi mo rin tinext sakin saan tayo pupunta!"

"Uhm...suprise?"

"Kanina ka pa?" Pagiiba ko ng tanong.

"Yes." Nakakaawa naman to, pero kasalanan naman niya eh di siya nag text. Inilagay niya ang kamay sa bulsa ng jacket niya.

"Tara duon tayo sa loob ng bahay" hindi naman siya nag salita pero alam ko na nakasunod siya sakin.

"Why are you living in this kind of place?" Sabi niya paakyat na kami sa floor kung nasaan ang apartment ko. Hindi naman talaga maganda ang place na to, kaya ko naman lumipat, pero dahil sa sitwasyon namin ni Cian hindi kami pwedeng bumili ng condo or pad dahil baka makilala siya ng mga tao ro'n, dito ay sigurado ako na busy ang mga tao para bigyan Siya ng pansin. "Hindi ba sapat iyong sahod mo sa Store?"

"Hindi eh" sabi ko nalang para hindi na siya mag tanong. Sapat na sapat na nga ang sinusweldo ko sa store eh, nakakapagpadala ako sa kapatid at nanay ko sa probinsya, napaayos ko rin yung bahay namin ron nang paunti-unti.

The Other WomanWhere stories live. Discover now