Kiashelle's POV
It's been 5 month since nung makita ko si Yonna at malaki na din ung tiyan ni Ate Valentine.
Tumigil na din ako sa pag aaral pati si Ate Tine tumigil na muna sa pagtuturo dahil sobrang selan din ng pag bubuntis niya.
Wala nakong balita kay Yonna, kahit nakikita ko lagi si Vivi at Niko. Pag tinatanong ko sila about sa ate nila pareho lang silang walang kibo at iniiba agad ung usapan.
Lagi din akong pumupunta sa bahay nila pag nakakatakas ako kay Ate Tine pero hindi ko siya laging naabutan dun. I missed her so damn much, I wanna see her smile, I wanna hug her, I wanna kiss her and I wanna tell her how much I love her.
Siya dapat ang kasama ko ngayon at hindi si Ate Valentine pero paano? Paano akong makakabawi sakanya, paano ko siyang mababawi kung siya mismo tinataguan ako at ayaw na rin niya akong kausapin.
"Ate Kiaaaaaaa!!" Napakunot noo ko sa biglang pag pasok ng dalawa.
Close parin kami ni Niko at napatawad na niya ako dahil ayaw niya din kay Denver. Di nga din daw niya alam bakit biglang pumayag si Yonna nung nag proposed si Denver sakanya e.
"Napano kayo?" Tanong ko.
"Kami naaa!!" Sigaw nilang pareho na kinakunot ng noo ko.
"Ha?" Naguguluhan ako sakanilang dalawa.
"Sinagot nako ni Vivi/Raille" sabay nilang sabi at napatango ako.
"Sinagot na pala-What?!" Gulat na tanong ko.
"GIRLFRIEND KO NA SI VIVI! WOHHHHHHH!!" Yung reason din bat lagi ko silang nakikita dahil nililigawan ni Niko si Raille tapos si Gail naman nililigawan niya si Vivi.
"KAMIII NA NI RAILLEEE ATEEEEEE!!" niyugyog niya pa ako ampotangina.
Napangiti nlang ako ng tipid sa dalawa "I'm happy for the both of you" sabi ko nalang.
Napayuko ako at hindi na alam kung bakit bigla nalang akong nalungkot.
"Ate Kia" biglang bumilis ung tibok ng puso ko.
That voice.. It can't be, nandito siya? Anong ginagawa-nanlumo ako nung si Vivi nakita ko.
Bakit kase kaboses niya si Yonna bwiset! Ayokong mag mukmok pero dahil sa pangungulila ko sakanya diko na talaga alam.
"Hi" ngiting pilit lang pinakita ko sakanya, nag katinginan pa silang mag kapatid bago tumingin saken.
"Miss mo na ba siya ate?" Tanong ni Niko. "Aray" bigla siyang kinurot ni Raille sa tagiliran.
Tinignan ko lang siya at nag iwas ng tingin. I can't deny the fact that I really miss her.
"Ate Sorry ha" napatingin ako kay Vivi sa sinabi niya.
"Ano kaba, okay lang" ngumiti ako "I think she's already happy with Denver and without me" biglang lumapit saken si Vivi at niyakap ako.
"You can cry naman ate wag mong kimkimin" napasubsob ako ng mukha sa balikat niya.
Hindi ko na napigilang umiyak lalo na nung naamoy ko pabango ni Vivi, it's the same scent.
Bakit ba sa daming babae at lalaking pwedeng magustuhan at magkagusto sa kapatid at pamangkin ko bakit sila pa.
Naramdaman kong yumakap din saken ung tatlo. Para pareho nila akong pinapatahan, hindi ko naman masisisi ung dalawa kung hindi nila masabi kung nasan ang ate nila.
BINABASA MO ANG
Playful Tadhana [𝙶𝚇𝙶] [𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇] (UNEDITED)
AcakWe felt something that no one knows about, how can two people be played by destiny. They tried to ignore what's already been written but that's when destiny start to play their game. They loved each other since forever but destiny doesn't allow it. ...