Kiashelle's POV
"Wag kayong lalabas dito at kung may kailangan kayo sabihan nyo lang si Manang.. Next month pa ung pasok nyo" sabi ko sa tatlo.
Nakauwi na kami dito sa mansion at naisipan din namin ni Yonna na dito na uuwi kase nga kasama namin ung mga bata.
May kanya kanya parin kaming kwarto at pag gusto naman namin mag tabi ni Yonna dun kami sa master's bedroom natutulog.
We still respect each other's privacy kaya minsan lang kaming pumapasok sa kwarto ng isa't isa.
"Ate may PS5 ka diba?" Tanong ni Gail.
Kahit kailan talaga tong batang to e, "Tanong mo kay manang ung susi ng Gaming Room nasa second floor un" sabi ko
"Ate may Bola ka?" Tanong naman ni Tyron
"Tanong mo din kay Manang ung susi ng storage room 2, ayun lang" turo ko dun sa isang pinto dito sa baba, humarap ako kay Raille "Ikaw?" Tanong ko sakanya
"Ahhhh.. Cellphone hehe" kamot ulong tanong niya medyo natawa naman ako
"Ung kwarto mo may led light tapos may ring light din dun may bagong phone and ibang gadgets" sabi ko
"Ahh siya lang?" Tanong ni Gail
"Meron din dun sa kwarto mo" napairap pko sakanya
Mag 20 na tong dalawang to e bakit ba parang bata parin nako talaga.
"Sige na mauuna na kami" paalam ko sakanila
"Ingat ka te" hinalikan nila ako sa pisngi bago ako umalis.
"Manang pakitingin sila ahh"
"Sige anak" nginitian ko siya at lumabas na ng bahay.
Nadatnan ko si Yonna na nakakunot ung noo habang nakatingin sa phone niya, lumapit ako sakanya at kinuha ung dalawang kamay niya tyaka sinabit sa balikat ko at hinawakan ko siya sa bewang
Ung nakasimangot niyang mukha kanina napalitan ng nakangiting mukha "There.. You look beautiful pag nakangiti, ang aga aga nakasimangot ka" sabi ko sakanya and I kissed her twice.
"Nagka problema lang" sabi niya
"What is it? Tell me maybe I can help" umiling lang siya
"No, Akit I can handle it naman" nakiki akit na siya kase daw lagi ko siyang inaakit kahit hindi naman.
"You sure?" Tumango lang siya bilang sagot "Okay.. Pero just ask me if you need my help okay? Don't hesitate to ask" nakangiting sabi ko and I kissed her again bago ko siya pinag buksan ng pinto.
Habang nasa byahe kami tahimik lang kase nag rereview siya kaya hinayaan ko na muna siya.
Nung makarating kami sa parking lot ng school pinag buksan ko siya agad ng pinto at nginitian niya ako.
Lagi nalang nag wawala ung puso ko pag nakikita ko ung mga ngiti niyang un, mga simpleng ngiti na nakakapag patunaw sa pag katao ko.
"Yonna" napatingin ako dun sa tumawag sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/325922201-288-k620303.jpg)
BINABASA MO ANG
Playful Tadhana [𝙶𝚇𝙶] [𝙸𝙽𝚃𝙴𝚁𝚂𝙴𝚇] (UNEDITED)
De TodoWe felt something that no one knows about, how can two people be played by destiny. They tried to ignore what's already been written but that's when destiny start to play their game. They loved each other since forever but destiny doesn't allow it. ...