KABANATA IX : ANG PRINSESA
Klean Ghio
Ilang araw pa lang ang nakakalipas ngunit marami ng mga kaganapan ang nangyayari sa Wiseman. Nagkaroon ng magkakasunod na pag ataki sa iba't-ibang parte ng lugar at nasangkot ang grupo namin doon. Marahil sinyales na ito para sa pagbubukas ng malawakang digmaan sa pagitan ng mga kaharian.
Sa mga oras na ito, magkasabay kaming naglalakad ni Yuki sa pasilyo ng yunit at patungo kami sa opisina ni Heneral Azuma. Kagagaling lang namin sa timog bahagi ng Wiseman Forest kaya dumaretso na agad kami rito para ipaalam ang nangyari.
"Sa tingin mo, makikinig kaya sila sa atin?" nangangambang tanong ni Yuki.
"Siguro pero dapat makinig sila."
"Sana dahil ayokong maging useless ang mga naging pinagdaanan natin do'n. Saka, bakit ba ikaw mismo ang gumaganap sa trabahong ito kung puwede mo namang utusan ang ibang miyembro?"
"Hindi ako nagbibigay ng utos kapag alam kong hindi nila magagawa ng maayos," sagot ko.
"Kung sa bagay. Hm, teka ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo? Sa tingin ko kasi, tinamaan ka ng huling ataki ko, humihingi ako ng tawad. Hindi ko iyon sinasadya."
"Ayos lang ako. Huwag Kang mag alala, gasgaa lang ito. Ikaw?" pabalik kong tanong.
"Ganoon din. Medyo nagkaroon lang ng mga galos ngunit gagaling naman ito kaagad. Ang mahalaga buhay pa tayong nakabalik."
"Mabuti."
Nang nasa tapat na kami ng pinto, agad ko iyon binuksan at naunang pumasok sa loob.
Nakaupo si heneral Azuma sa swivel chair at tahimik na nakatayo sa tabi nito ang alalay niya na si Han. "Magandang umaga heneral!" magalang kong pagbati sa kaniya.
"Kolonel Klean, napasyal ka. Anong maipalilingkod ko? Ah sandali, kumusta ang inyong misyon? Natapos na ba?" tanong niya.
Umiling ako, sinyales na hindi. "Nakasagupa naming muli ang ilan sa Dark Zone, doon mismo sa timog na bahagi Wiseman Forest. Natalo namin sila subalit mayroong isang nakatakas," sabi ko.
"Natakasan na naman kayo, aba noong nakaraang araw, natakasan din kayo ha. Ano ba iyan, Klean. Inaayos mo pa ba ang iyong trabaho? Tila hindi ka yata makapagpokus, may bumabagabag ba sa iyo?" dismayadong tanong niya.
"Wala naman at hindi namin sinasadyang patakasin siya, talagang nakatakas," pagdadahilan ko.
"Hay, ano bang klaseng rason iyan? Palagi kang ganiyan simula nang magtrabaho ka sa palasyo, naprepresyon ka ba? Hindi mo na ba kayang pagsabayan ang dalawa? Sabihin mo lang at nang mailipat kita sa permanenteng posisyon," magkakasunod na sermon ni Heneral Azuma at tumingin sa bukas na bintana.
"Hindi po sa ganoon."
"Paanong hindi? Paano mo ba mapapatunayan? Hindi ka naging sundalo para patakasin ang mga kalaban kundi talunin sila at arestuhin. Huwag mo ring kakalimutan kung bakit nandito ka." Naniningkit niya akong tiningnan. Natatakpan ang bibig niya ng kaniyang mga kamay habang magkahawak ito
Umiwas ako ng tingin at mahinang sumagot. "Alam ko iyon, hindi ko pa nakakalimutan."
Napansin ni Yuki ang kinikilos ko kaya sinulyapan niya ako't hinawakan sa kamay. Huminga siya ng malalim at hinarap ang heneral. "Sandali, hindi naman kasalanan ni Klean kung bakit nakatakas ang kalaban. Sa katunayan, ak—" Pinutol ko ang sasabihin ni Yuki nang magsalita ulit ako.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...