LOVE AT FIRST NIGHT 4

191K 2.8K 84
                                    

CHAPTER 4: SYMPTOMS

"So ano prepare ka na ba? Remember malapit na ang Saturday, Thursday na ngayon." Kumindat ito sa gawi niya. Noong isang araw lang nila ito pinag-uusapan. Kahapon pinaalala, ngayon pinaalala na naman nito ulit. Hindi ba ito nagsasawa? Ito pa ang excited sa gagawin niyang audition.

She sighed at napailing-iling. Kung hindi lang niya ito mahal bilang kaibigan, hindi talaga niya gagawin ang photoshoot audition. The truth is nawoworry siya dahil sa expectation nito dahil tiyak na hindi naman siya matatanggap sa modeling. For sure magsisilabasan ang mga magagandang dilag at sosyalera sa audition ngayong sabado. Wala din siyang bilib sa sarili pagdating sa ganitong bagay.

"Hay naku, Des. Kaya lang naman ako pumayag dahil sabi mo nga pwede ko itong sideline sakaling matanggap ako. Dagdag na rin yon para sa tuition ni Megan at Jemuel. At syempre, kaibigan kita. Ayoko namang masayang ang effort mo sa pagkuha ng audition number ko." Isa din iyon sa pampatibay ng kanyang loob, ang mga pangangailangan ng kapatid niya.

Mapagbigyan din niya ang kahilingan nito na sumali siya sa audition ay okay na. Sakaling dumaan ang himala at mabulungan siya ng swerte, baka sakaling maging modelo siya, why not? Pero malabong mangyari ang bagay na iyon.

"Mabuti at naisip mo ang bagay na yan. Practically saying, kapag nakuha ka bilang modelo, isa ka sa mga top 5 new faces na hinahanap nila, aba't napakalaking opportunity na 'yon sa career mo. Malaking tulong na din sa mga finances mo especially sa pagpapaaral sa mga kapatid mo. Hindi ka na mabuburo sa apat na sulok ng classroom na lage mong pinaglalaanan ng panahon. You don't need to wait for every fifteen days ng sahuran to provide for your family and to pay all your bills." Wika nito na animo'y siguradong matatanggap siya sa modeling.

"Naku, huwag tayo masyadong mag-expect sa bagay na 'yan, Des. Masasaktan lang tayo sa reality ng buhay." Negatibo niyang baling sa kaibigan. Mas mainam na huwag umasa para hindi ganoon kasakit sa pride kapag nagkataong hindi siya natanggap.

Desiree smiled. Yong ngiting punong-puno ng kumpyansa.

"Basta. Trust me. Makukuha ka. Walang imposible kay Lord." Kumindat ito.

Napailing-iling na lamang siya sa sinab nito. Minsan nahihiwagaan siya sa pangungulit at pagmo-motivate ng kaibigan niya na sumali sa audition gayong malabo namang papalarin siya.

"Halika libre kita sa Greenwich. Ang sarap kumain ng pizza. Sasabayan kita sa paborito mong lasagna." Sabi nito na subrang lawak ang pagkakangiti.

Napangiwi siya nang marinig ang lasagna pizza. Parang hindi niya feel kumain ng pizza ngayon. Pero dahil excited itong kaibigan niya na pumuntang mall, kailangan niyang samahan ito. Tutal halfday lang naman ngayon sa school dahil may activity.

Nang makapasok sa mall, medyo narelax siya sa lamig na sumalubong sa kanya sa may entrance. Napapikit, how she wish na magkaroon siya ng bahay na airconditoned upang hindi naman siya pagpawisan sa tuwing maglalagi siya buong araw. Nang makapasok sila sa loob ng Greenwich, parang babaliktad ang sikmura niya sa mabahong amoy.

"Des, ayoko dito..please." Hinila niya ang braso nito palabas at tinatakpan ang ilong upang huwag masuka.

"Bakit? Anong nangyayari sayo?" Nag-aalala nitong tanong. Sinuri siya nito ng kakaibang tingin.

"I don't know. Basta ayoko lang ng amoy. Doon na lang tayo sa Mandarin kakain." Bago pa man ito makapagsalita ay hinila na niya ito papunta sa mandarin restaurant sa may third floor. Parang bigla siyang nag-crave sa Chinese food.

"Huh? Ah eh.. kailan ka pa nagkaron ng hilig sa Chinese foods?" Nalilito nitong tanong habang papasok sila sa loob.

Narelieve ang sikmura niya sa kakaibang ambience at amoy. She sighed in bliss. Agad siyang umupo sa mesa and took the menu on the table. Wala sa sariling sumunod lang si Desiree sa kanya, nagtataka.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon