LOVE AT FIRST NIGHT 8

155K 2.7K 37
                                    

CCHAPTER 8: CHOICES

It's been a week since the audition happened when he had a chance to see her and had his information. Marami din siyang mga kaganapang ginawa at dinaluhan. Mga ilang scheduled business meeting somewhere in the Philippines and out of the country na mga business transaction. And now he is here in France dumalo sa finale ng show ng isang sikat na fashion brand na kailangan niyang daluhan, parte ito sa kanyang international advertsing agency. Kakabalik lamang niya sa Taiwan at ngayon ay nandito na naman siya sa Europe.

"Hi Darren! Oh, I heard you currently looking for new models or new faces?" Tanong sa kanya ni Miss Nadine Tan, American-Chinese na host ng isang event. Sikat itong modelo. Nasa event hall sila ng fashion show.

"Oh, that thing yeah. Still, the audition is ongoing in different schedules." He smiled. Professional naman itong si Nadine at isang businessman din ang napangasawa nito kamakailan.

"Well, I am very excited to see the upcoming show." She commented excitedly. May hawak itong goblet na naglalaman ng wine, wearing her backless blue gown with glitters that shimmered due to the reflection of the lights.

"Well, good to hear that."

May mga iilang endorsements silang pinag-uusapan at pagkatapos noon ay bumalik na siya sa kanyang team. Kapag nakakuha na sila ng lucky top 50, ipapalabas ang 'New Faces Top Model' sa ABC Channel. Nakipagpartnership na siya sa mga sponsors ng show sa magiging prizes ng mga modelo at sa whole expense ng show.

Pagod niyang inilahata ang katawan sa kama. It had been a very tiring day and night for all of them.

"Boss, nagyaya si sir Dom ng party sa labas ng hotel." Dungaw ni Dandreb sa bukas niyang pinto.

"No, thanks Dandreb. May mga schedule pa ba tayo bukas?" Naitanong sabay hablot ng cellphone sa kanyang bedside table. Ilang araw na talaga siyang pagod at hindi na siya halos nakakatulog ng maayos.

"Wala na po. Uuwi na po tayo ng Pilipinas bukas boss. Baka naman magbago ang isip mo boss at gusto mong sumama kay sir Dom—"

"Just go, Dandreb. Make sure na uuwi kang buhay at buo pa." Alam niyang gusto din nitong makiparty pagkatapos ng event dahil maraming mga magagandang babae sa party. This is France kaya expected na marami talagang mga foreigners.

"Thank you boss!" Ngisi nito at napa-yes pa bago lumabas sa kanyang silid.

Napailing-iling na lamang siya. Hinayaan naman niyang magsaya ang kanyang PA sa gabing ito. In every event sa iba't-ibang bansa na dinadaluhan niya ay palage niya itong nakakasama. Bumangon siya nang makita ang contact number ng dalaga. Humarap siya sa glass wall na tanaw ang nagniningning ng mga ilaw sa syudad ng Paris. Sinubukan niyang tawagan ang number nito noong nasa Cebu at Taiwan siya pero hindi ito matawagan. Out of coverage area. Hindi kaya mali ang number na nailagay nito?

Sinubukan niyang tawagan ulit. Pumintig ang puso niya nang mag-ring ito. Ilang beses pa nagring ang tawag bago nito sinagot.

"Hello?"

Napapakit siya nang marinig ang malambing na boses nito. So, it's her. Hindi siya nakapagsalita dahil sa excitement nang marinig ang boses ng dalaga.

"Hello? Sino po ito?" Magalang na tanong sa kabilang linya. Napaawang ang bibig niya, hindi malaman kung ano ang sasabihin.

"Hello? Hello? Sino po sila?"

He remained silent. Magpapakilala ba siya?

"Huwag na po kayong tumawag kung hindi naman kayo magsasalita—"

"Hey! This is Jamisola Advertising Agency, sorry for the inconvenience, medyo mahina ang signal." Agad niyang bulalas bago pa man nito ibaba ang tawag. May ilang segundo pang namagitan bago ito muling nagsalita. He just made-up a fvcking story dahil hindi niya alam kung paano kakausapin ito.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon