LOVE AT FIRST NIGHT 6

155K 2.8K 39
                                    

CHAPTER 6: CONFIRMED RESULT

Nag-uusap sila ni Dom para sa mga gagawin before the board meeting dahil pagkatapos nito magiging busy na ang schedule niya. He has to remind him sa mga dapat gawin.

"Please choose those women who are the potential to be a cover magazine or for editorial and most likely a runway model. It's not all about the looks. Yong may X factor. I cannot join the judging dahil I have a flight to Cebu tomorrow. I'll be gone in two days. I would like you to take care of everything here, while I'm away. Just send me the updates or inform me of concern matters." He reminded Mr. Dominic Suarez, ang COO ng kumpanya. Ito ang OIC sa posisyon niya kapag wala siya.

"Okay, makakaasa ka Darren." Nakangiti nitong tugon sabay tapik sa balikat niya. He is also one of the board members. Magaling din ito sa trabaho kaya hindi na siya mahihirapan.

They are friends since college at kapag isa sa mga kaibigan niya ang empleyado o di kaya'y isa sa mga investors, hindi niya gustong tawagin siyang boss o sir. He prefers the name kahit siya ang boss.

Their conversation suddenly stopped when they heard a loud noise of yelling and noise from the crowd. Ang mga kababaihang nagpipila for audition ay nagsiumpukan at parang may hindi magandang nangyari. Nagmamadali niyang pinuntahan ang mga ito.

"Mars! Mars! Hoy! Huwag ka namang magjoke sa akin ng ganito! Mars naman eh! Tulong! Tulong!" Nagpapanic ang dalaga habang niyuyugyog ang babaeng nawalan ng malay. Bahagyang umiiyak pa ito.

"Excuse me.. excuse." Sumiksik siya sa upang makapasok at ma-irescue ang babaeng nahimatay.

They gave him space para makadaan at ang iba ay sa kanya na ang atensyon nang makita siya ng mga kababaihang nakakilala sa kanya as a boss and one of the toughest bachelors in town. He saw the side view of the woman, at biglang sumikdo ang kanyang dibdib nang makita ang pamilyar na mukha nito. He walked closer.

Nagmamadali siyang umupo at kinuha ang babaeng nawalan ng malay.

"Hey, what happened here?" Gumalaw ang panga niya nang makita ang kabuuang mukha ng dalaga. How could he forget this face? Mahigit dalawang buwan na na niya itong hinahanap-hanap. He checked her pulse and still breathing. Wala na siyang panahon pa para isipan ang nakaraan niya with this woman because she needs help right away.

"Ahmm——nahilo ho Sir." She was stammering. Hindi alam ang gagawin.

Agad niyang binuhat ito, "Please give us space!" Pakiusap niya sa crowd na kanya-kanyang bulungan sa mga katabi.

"Ang swerte ng girl.. Knight in shining armor yong may-ari."

Nagmamadali niya itong dinala sa clinic. May nurse naman siya dito for first aid at meron naman silang on-call doctor. Nakasunod lamang ang isang babaeng kasama nito.

"Mendy, just check her please. Now!" Medyo nagpapanic siya nang makitang wala itong malay. Hindi na siya mapakali habang tinititigan ito.

The nurse Mendy suddenly attend the patient. She checked her everything at nilagyan agad ng oxygen. Nag-aalala siyang napahilamos ng mukha. Siguro ay isa ito sa mga nag-audition ng modeling dahil sa porma pa lamang nito.

"She is stable now. Nahilo lang ang pasyente. Wait, I'll get blood samples." Wika ni Mendy.

"Can you call, Doctor Martinez? I need to know if she is okay or not." Utos niya sa nurse.

"Yes, sir. I'll call Dr. Martinez right away." Sagot nito habang kinukunan ng dugo ang dalaga sa elbow for blood testing for something kung may sakit ito o wala.

Saka siya nagkaroon ng time na titigan ng maigi ang dalaga habang ginagamot ito. She has that beautiful curves that makes him feel bothered. This is one of the reasons why he was captured with her stunning look the last time he saw her. Ngayon na nakikita na niya ito ng mas malinaw ay mas lalo lamang siyang nabighani. Bakit ba niya nakakaramdam ng ganitong feelings sa dalaga?

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon