LOVE AT FIRST NIGHT 14

186K 3.4K 68
                                    

CHAPTER 14: SLEEPING TOGETHER

"You don't have aircon?" Kunot-noong tanong nito habang inikot ng mga mata nito ang kabuuan ng kanyang silid.

"Wala. Magastos sa kuryente." Sagot niya habang inaayos ang higaan. May kaliitan ang kama para sa kanilang dalawa kaya namumuroblema siya ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon ay magkakaroon siya ng katabing lalaki sa kama.

Medyo nanginit ang katawan niya nang maalala ang unang tagpo nila ng binata. Hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakaget-over sa nangyari sa kanila dalawang buwan ng nakakalipas. Sariwa parin sa utak niya kung paano siya pinaligaya nito, pinalasap ang langit sa unang pagkakataon ng buhay niya. Lihim siyang napakagat-labi sa kaba, excitement o anumang nararamdaman niya ngayon dala ng bugso ng damdamin.

"Kung gusto mo maligo o maghalfbath, may banyo sa labas ng kwarto. Ipaghahanda lang kita ng damit na masusuot mo." Tumungo siya sa cabinet at naghanap ng extra large T-shirt dahil hindi naman kakasya ang damit ni Jemuel sa size nito. She has oversized T-shirts na ginagamit niya minsan sa pagtulog. Kumuha din siya ng malalaking short upang may maisuot ito. The problem is wala siyang undergarment para sa lalaki. Ito na naman siya kunwa'y kinikilig sa sitwasyon na parang totoong may relasyon silang dalawa o mag-asawa.

"Heto towel." Ibinigay niya ang towel dito na matiim lamang nagmamasid sa mga kinikilos niya.

"Paano ka nakakatulog sa ganitong init na silid?" Nagsalubong ulit ang mga kilay nito.

"Nasanay na. Since childhood ganito na ang buhay namin. Saka may electricfan naman. If you are not comfortable na matulog dito sa kwarto ko, umuwi ka nalang sa mansion niyo o di kaya'y matulog ka malapit na hotel dito." Pagtataray niya at lihim na inirapan ito.

"Where's the bathroom?" Agad nitong tanong. Tumaas ang isang kilay niya tila nahahalata niyang ayaw nitong umalis. She did not mind the kilig.

"Sa labas ng kwarto, right side. Maliit lang ang bahay, Darren, hindi ka mawawala." Pamimilosopo niya.

Maya-maya ay narinig niya na umandar ang gripo banyo at biglang napasigaw ito ng 'fvck'. Gusto niyang matawa sa pagmumura nito. Agad siyang lumabas sa silid at kinatok ang banyo.

"Anong nangyayari sayo?" Concern niyang tanong. Baka nadulas ito, hindi pa naman sanay sa pangmahirap ang lalaking ito.

"The water is cold." Pasigaw na sagot nito. Napangisi siya. 'Ayan ang bagay sayo na mahilig makisiksik.' Sigaw ng kanyang isipan habang nangingiti.

"Walang heater dito." Sagot niya at tinalikuran ito.

Sa tapat ng silid niya ay ang maliit na kwarto na pinaglalagyan nila ng mga gamit pero inuukupa na nina Megan and Sami.

Nagsink-in na talaga sa pamilya niya na magkakaroon na din siya ng sariling pamilya at pinaglaanan na sila ng sariling kwarto ni Darren. Alam naman niyang hinihintay lang ni Darren na maikasal sila sa huwes at pagkatapos ay bubukod sila—sa sarili nitong bahay o condo, or whatever type of unit meroon ito. Knowing how rich he is, hindi iyon magtitiis na makitira dito. At talagang isasama siya dahil baby nito ang nakasalalay dito. Napag-usapan kanina sa hapunan, kung ano ang mga plano nila after the wedding. Actually, mas tamang sabihin na plano ni Darren.

He also insisted that she will stop teaching since she could support him and her baby. Kung nanghihinayang daw siya sa sahod niya bilang guro ay ito na lamang daw ang magpapasahod sa kanya buwan-buwan kahit pa triplehin nito na ikinabigla nilang lahat. Tatay Nardo advise her to submit to her Darren kung kasal na sila at mas mabuting siya talaga ang mag-aalaga sa first baby nila, as if masundan pa. Darren is going to give her parents a capital to put-up a business to sustain her family's needs. Nagustuhan naman agad ng nanay niya ang plano nito at excited ito nang sabihin ni Darren na bibigyan ng restaurant business ang pamilya kung gugustuhin ng mga ito. Right away.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon