LOVE AT FIRST NIGHT 16

149K 2.8K 35
                                    

CHAPTER 16: PAMAMANHIKAN

Maaga siyang nagising upang ipagluto ng agahan si Darren. Napagod siya kagabi pero mas nanaig ang pananabik niyang pagsilbihan ito. Habang nagluluto ay hindi mawaksi sa kanyang isipan ang pinagsaluhan nila kagabi. Minsan napapangiti siya na wala sa oras at minsan naman ay natutulala na lamang siya ng bigla. Kinikilig at pinamumulahan siya ng mukha sa tuwing pumapasok sa kanyang eksena ang mainit na tagpo nila ng binata kagabi.

Buti at hindi napansin ng kanyang ina habang tinutulungan siya nitong mahain. Pagkatapos niyang magluto ng sinigang at egg omelette ay agad siyang nagtimpla ng gatas para sa sarili. Nasanay na siyang umiinom ng gatas araw-araw para sa anak dahil kung hindi lamang siya buntis ay hindi talaga siya iinum nito dahil hindi niya gusto ang lasa nito especially sa gatas para sa mga buntis.

"Nakapagluto ka na pala." Komento ng ina niya nang makapasok sa kusina.

"Saan ka galing, Nay?" Tanong niya at lumagok ng gatas. Maaga din ito nagising pero nagpaalam muna ito na may pupuntahan saglit. Ang tatay naman ay maagang lumisan para magtrabaho. Nagbaon lamang ito ng agahan at pananghalian.

"Nagbayad ako ng utang kay Conching." Sagot nito at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape.

"Nagbayad? Saan ka kumuha ng pera?" Pagtataka niya nang sulyapan ito. Wala pa naman ang sahod niya at wala naman siyang natatandaang nagbigay siya ng pera sa ina. Calculated na niya ang bills at budget sa bahay buwan-buwan at ang schedule ng pagbibigay niya ng pera.

"Binigyan ako ng pera ni Darren noong isang gabi, tatlumpo't limang libo. Siningil kasi ako ni Mads Conching nang nasa bahay siya. Ayon, siguro naaawa sa kalagayan natin." Anito. Nanlaki ang mga mata niya.

"Tinanggap niyo ng buo ang trentay-singko mel, Nay?" Hindi niya napigilang tanong. Agad siyang nakaramdam ng hiya sa binata. Mas malaki pa iyon sa support niya every month.

"Oo. Matagal pa ang sahod mo, anak. Tapos may bayarin pa si Jemuel ngayong petsa diyes. Dyes mel Ang bayarin natin kay Mads Conching. Nakakahiya man pero wala akong nagawa dahil kailangan ko talagang bayaran si Mads dahil mas lalong tataas ang tubo kapag lumipas pa ng isang linggo. Binigyan din niya si Megan ng pambaon at---"

"Nay naman! Sana tumanggi kayo. Baka akalain ni Darren ay pinagpipirahan natin siya. Tapos hinayaan niyo pang tanggapin ni Megan ang pera eh may pera naman kayong natanggap mula sa kanya. " Frustrated niyang baling sa ina.

Hindi naman sila ganoon kagahaman. Alam niyang barya lamang sa binata ang pinamimigay nito pero nakakahiya dahil kahit mahirap lamang sila, hindi niya hahayaang mawala ang prinsipyo at dignidad na iniingatan ng pamilya.

"Aba'y anak, wala na akong magawa dahil hindi ko naman nakita na binigyan niya si Megan. Ang kapatid mo na ang nagsabi sa akin kinabukasan." Naghila ito ng upuan at naupo, habang siya ay nanatiling nakatayo at nakatingin lamang sa ina.

"Magkano naman daw binigay ni Darren kay Megan, Nay?" Naitanong niya at pinigilang huwag maluha dahil naaawa siya sa pamilya.

"Sabi niya ay ten-k daw. Magkano ba 'yong ten-k, nak? Hindi ko masyadong naiintindihan ang sabi niya at ayon hindi nanghingi si Megan ng baon dahil may allowance na daw siya." Sagot nito at humigop ng kape.

Mariin siyang napapikit. She sighed. Kailangan niyang sabihin sa ina ang totoo niyang sitwasyon sa buhay ni Darren upang hindi na lamang ito nagugulat kapag naghiwalay sila at para na din maiwasan ang ganitong sistema na aasa ang pamilya niya dahil nakapag-asawa siya ng mayaman. Sakali mang totohanin ni Darren ang annulment nila, anumang nanaising panahon nito ay hindi ito magalit sa binata at sa kanyang mga desisyon sa buhay. Hinila niya ang upuan sa tapat ng ina at nagbuntong-hininga.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon