LOVE AT FIRST NIGHT 18

165K 2.9K 42
                                    

" The most powerful symptom of love is a tenderness which becomes at times almost insupportable."

Author: Victor Hugo

CHAPTER 18: BEING A WIFE

(Marionne POV)

Being a wife is not that hard, but being a wife to Mr. Darren Jamisola and meeting his circle makes it harder for her to adjust. Mahigit dalawang linggo na silang kasal pero napupuna niyang masyadong reserved si Darren. Hindi naman siya pinabayaan nito, they make love every night or even during the day whenever he wants to but aside from that, Darren sometimes avoids her for a conversation or even spending time being together.

Gusto niyang unti-unting kilalanin ang asawa. Gusto niya malaman ang mga hilig nito, ang mga bagay-bagay like perspective sa buhay, his ideal number of children, and anything na pwedeng pag-usapan. But Darren maintained his aura, being casual though sweet but sometimes unpredictable. Madalas din itong busy a telepono, kung nasa bahay ito ay lage naman itong nakaharap sa desktop o di kaya'y sa laptop nito. May mga gabi na late na itong umuuwi. Gusto niyang kausapin ito casually during breakfast pero parang tinatablan siya ng hiya sa tuwing nakikita niya itong seryuso. Darren just talk to him kung patungkol sa kanyang pinagbubuntis, check-up schedule, her visits to her family, and not even asking her about 'how's her day' na mag-isa sa penthouse kasama ang may edad na kasambahay na si Panchita. Buti na lang may kasama siya sa bahay kaya hindi siya gaanong bored dahil may nakakausap siya paminsan-minsan. But anways, aling Panchita cannot satisfy her soul—she always feels being alone in the house.

Other than that, Darren was something like... na parang nagpipigil itong maging close sila sa isa't-isa. Hindi din naman niya magawang sumbatan ito in the first place dahil wala naman silang relasyon bago sila ikasal, wala silang malalim na ugnayan sa isa't-isa at mas lalong wala siyang mabigat na dahilan upang magtampo o mag-assume siya sa mga pinanggagawa nito. Ano ba ang itatanong niya? Kailan sila maghihiwalay pagkatapos ng pagkukunwari nito? Ano ba ang dapat niyang gawin? Isa pa sa pinakaayaw niya kapag sinasama siya nito sa mga social gathering, pinapakilala naman siyang asawa pero tila isa siyang estatwa sa tabi na walang kumakausap maliban sa mga iilang kaibigan nito na medyo mabait naman sa tingin niya.

Mas dumadagdag pa sa pressure niya tuwing may nagtatanong sa kanya kung saan siya kunektado. Isa lang naman siyang ordinaryong citizen na nagtatrabaho bilang guro sa isang public school. Nothing special, aside from being mestiza na hindi kilala ang ama. Nahihiya siya dahil walang-wala siya sa status ng kanyang asawa. Hindi din naman niya masasabing proud ito sa kanya, siguro kaya lamang siya dinadala sa mga gatherings nito dahil kinakailangan.

She sighed habang nakaupo sa sofa, malayo ang tingin.

"Did you already eat your breakfast?"

Napakurap siya nang marinig ang boses nito. Marahan siyang tumango. Late na ito umuwi kagabi at hindi na niya namalayang tumabi ito sa kanya. Tinitigan nito ang kabuuan niya at seryuso lamang itong inaayos ang polo. Nailang siya sa ginagawang pagtitig nito kaya naman upang makaiwas ay tumayo siya at tumungo sa dining. Sumunod naman ito.

"Ready na ang breakfast mo. Aalis nga pala ako mamaya. Bibisitahin ko sila nanay." Matamlay niyang tugon. Kinuha niya ang mga pinagkainan at nag-umpisang maghugas ng pinggan.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Where's Aling Panchita?" Tanong nito habang hinihila ang upuan.

"Ahm. Masama ang pakiramdam niya. Kaya pinagpahinga ko muna. Umuwi siya sa probinsya kahapon. Sinundo siya ng pamangkin niya." Sagot niya habang naghuhugas ng plato.

"Kumusta nga pala sila nanay sa bagong bahay?" Tanong nito habang kumakain.

"Okay naman sila. Nagiging kumportable na sila sa space ng bahay." She answered. Hindi sanay ang pamilya niya sa malaking espasyo. Nasanay sila sa masikip na tanahan.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon