LOVE AT FIRST NIGHT 7

157K 2.8K 36
                                    

CHAPTER 8: COINCIDENCE

After more than two hours of the meeting, he went back to the clinic instantly to check on her. When he entered inside, the bed was already empty. Ni anino ng dalaga ay hindi niya mahagilap.

"Mendy? Where's the woman I brought here?" He asked the nurse frustratingly. Abala ito sa pagsusulat sa mga patient notes ng kanyang mga naging pasyente.

"Ah sir, umalis na po. Nagmamadali nga silang umalis kanina dahil may emergency daw silang pupuntahan." Agad nitong sagot at ibinaba ang hawak na ballpen.

"What?" Hindi makapaniwala niyang reaksyon. Bahagyang nagtaas pa ang kanyang boses na medyo ikinagulat ni Mendy.

"Is she okay? Did her blood check? Ano ang sabi ng doctor?" Sunod-sunod niyang tanong. Napakurap ito sa mga tanong niya, may halong pagkalito.

"Ahm, ano ho, hindi po available si Doc Martineze kanina po. So, I waited—"

"You didn't call any Doctor? How about Doc Guavez?" Hindi na niya pinatapos ang pangrarason nito.

"Hmm...hindi ko po siya natawagan, Sir. Sorry po." Alangan ang boses nito at napayuko. Mabigat siyang nagbuga ng hangin at napailing-iling. Maya-maya ay nagsalita siya.

"So how is she? You discharged her, so, I assume okay na ang kalagayan niya." Pinipigilan niyang mairita sa ginawa nito. Hindi man lang siya tinawagan to inform him na umalis na pala ang dalaga. Hindi man lang niya ito nakausap.

"Ahm, yes sir. Hindi na siya nahihilo at siya na po daw ang bahalang pumunta sa kanyang Doctor." Medyo nastress ito sa approach niya dahil hindi na ito tumitingin sa kanya at ipinagpatuloy ang pagsusulat.

Kumalma siya at naging neutral saglit. Hindi naman niya kailangang pagbuntungan si Mendy sa frustration niyang hindi man lang nakausap ang dalaga. Ilang linggo niyang hinanap ito at ngayon na nakita niya ang dalaga ay parang bula na naman itong nawala sa paningin niya.

"Can I have her record?" He asked sa kalmadong boses upang maging comfortable ito. Tumango ito at kinuha ang information sheet.

"Isa po siya sa mga nag-auditioned kanina sir sabi po ng kasama niya."

Tumango lamang siya habang binabasa ang impormasyon ng dalaga. Marionnie Centino, 25 years old, single, female. Lihim siyang napangiti nang makita ang status nito. Good. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at kinunan ng picture ang address at buong pangalan nito and some other relevant information.

"Here. Thank you, Mendy." Ibinalik niya ang record book kay Mendy.

Tila nagtataka naman nitong tinanggap ang record, wari nagtataka sa pagpapalit ng mood swings niya. From mainit ang ulo to kalmado na animo'y nasiyahan nang may mabasang impormasyon mula sa dalaga.

"I have to go." Paalam niya, hiding his smirk.

"Sige po sir." Nahihiwagaan parin si Mendy na nakamasid sa kanya habang naglalakad si Darren papalayo.

Hindi na mahirap ito hanapin dahil alam na niya ang full address nito, maging ang buong pangalan. Tinawag niya facilitator ng audtion regarding sa list ng mga auditionees.

"Can I have full information of Marionnie Centino? One of our auditionees a while ago. I need it now." Utos niya kay Shanna isa sa kanyang mga productions staffs.

"Right away, boss Darren. I'll check it first and I will be right back." She smiled at tinalikuran agad siya nito. Tumango lamang siya habang pinapaikot-ikot ang ballpen sa kanyang mga daliri.

Gusto lamang niya na magtugma ang impormasyon nito sa record nito sa clinic sa impormasyon na binigay nito sa audition. Hindi niya ito mabibisita ngayon dahil nakatambak ang mga kakailanganin niyang gawin. May appointment siya mamayang hapon at bukas naman ay dadalo siya sa business event sa Cebu. Marami din siyang nakapending ng mga schedules. Maybe after the Cebu, makikipagkita siya sa dalaga. Nakuha niya ang contact number nito. Maybe later he will call her to check on her. Napangiti siya sa nang maisip na maririnig na niya ang malamyos na boses nito.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon