"We cannot solve our problems with the same thinking we used when we created them."
-Albert Einstein.
CHAPTER 10:
Throwback...
"Walang hiya ka! Malandi ka pala! Sino ang ama ng pinagbubuntis mo! Sino!?" Salubong nito sa kanya sa may pinto habang papasok pa lamang siya ng bahay.
Hindi na siya nakapagsalita nang salubungin siya ng isang malakas na sampal nito at ikinawala niya ng balanse kaya muntikan na siyang matumba. Tumama ang braso niya sa gilid ng pinto at napaigting siya sa sakit. Agad namang lumapit ang ina niya at si Jemuel upang pigilan ang kanyang amahin na saktan siya nito. Lasing ang tatay at malakas din ang sampal nito. Tumulo ang luha niya sa inis, kahihiyan, at awa sa sarili.
"Tama na, tay! Nasasaktan ang ate!" Hinawakan ni Jemuel ang ama upang pigilan itong sampalin na naman siya. Niyakap siya ng kanyang ina sa tagiliran upang protektahan siya nito.
"Sino ang gagong nagbuntis sayo!? Sino!?" Sigaw muli nito na halatang galit na galit. Nanghahasik ang mga mata nito. Nakaramdam siya ng takot para sa anak niya sa sinapupunan. Ilang beses na siyang napalo nito noong kabataan pa lamang siya dahil sa mahigpit na pagdidisiplina pero mas kakaiba ang galit na pinupukol nito ngayon.
"Si Anthony ba!? Iyon bang anak ng isang matapobreng mga magulang? Siya ba? Huh? Sumagot ka!" Sigaw ulit ng tatay. Aakmang sasamapalin na naman siya nito nang hilahin ito ni Jemuel upang huwag siyang masaktan.
"Tay! Tama na!" Nagagalit na itong kapatid niya sa kanilang ama. Umiiyak siya sa kanyang palad. Hindi dahil sa galit ng ama kundi sa sariling kahihiyan.
"Tama na 'tay, hayaan niyo munang magpaliwanag si ate!" Pakiusap ni Jemuel.
"Magsalita ka, Marion!" Naririnding sigaw nito.
"Hindi po si Anthony 'tay!" Pasigaw niyang sagot upang matigil na ito. Hindi niya mapigilang mapahagulhol sa sinapit. Inaalo siya ng ina at hinimas himas ang kanyang likuran.
Pinaupo siya sa sofa at binigyan ng tubig. Kahit lasing ang ama niya ay nasa tamang huwisyo pa ang mga pinagsasabi nito.
"Naturingan ka pa namang isang guro! Sinira mo lamang ang prinsipyo mo." Duro ng tatay niya sa kanya. If only she could turn back time, hindi sana niya gagawin ang mga maling desisyon sa buhay.
"Lumayas ka dito sa bahay! Kung kailan ka tumanda saka ka pa naging iresponsable! Layas! Huwag kang babalik dito kung hindi mo kasama ang ama ng ipinagbubuntis mo! Wala kang moralidad!" Nagpalakad-lakad ito sa sala at frustrated ito sa kanyang kinasasadlakan.
"Iyan ba ang gusto mong ipakita sa mga kapatid mong babae? Hindi pa kinakasal ay buntis na sa lalaking hindi pa nakikilala ng pamilya mo? Aba'y ayusin mo ang buhay mo, Marion! Matanda ka na."
Napahagulhol siya sa sinabi nito. Naiintindihan niya ito dahil alam niyang very traditional ang pamilyang kinalakihan niya.
"Hindi porket nagbibigay ka sa mga pangangailangan dito sa bahay ay pwede ka na gumawa ng mga kawalang hiyaan!" Dagdag nito. Nasaktan siya sa mga sinabi nito pero alam niyang kagagawan din niya ang lahat ng ito.
"Tama na, Nardo. Megan, ihatid mo ang ate mo sa loob ng kwarto. Mag-uusap kami ng tatay mo." Utos nito sa nakababata niyang kapatid.
"Opo, Nay." Agad na lumapit si Megan at hinila siya paakyat sa silid. Panay parin ang pag-iyak niya.
"Tama na ate, baka makasama 'yan sa baby mo." Payo ni Megan.
Sa sigaw ng ama niya, alam niyang dinig na dinig iyon ng kanilang mga kapitbahay dahil magkakadikit lang naman ang mga bahay dito. Tiyak na pagchichismisan siya ng buong purok sa kanyang sitwasyon ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/36654094-288-k5870.jpg)
BINABASA MO ANG
Love At First Night
General FictionLOVE AT FIRST NIGHT ONE NIGHT SERIES I DARREN JAVES ZAMORA JAMISOLA He met the mysterious woman in a bar. He's willing to pay triple her price just to bed her in one night because of her irresistible looks and perfect body to die for. But to his sh...