LOVE AT FIRST NIGHT 1

290K 4.4K 70
                                    

2015 Copyright All Rights Reserved.

©2015 BlondQueen

Ano man ang pagkakapareha o pagkakahawig ng kwento, pangalan, hayop lugar, pangyayari at iba pang mga salita ay hindi sinasadya ng may akda. Ang gawang ito ay hindi po kopya ng ibang libro o storya ng ibang ta. Ito'y kathang isip lamang o produkto ng  imahinasyon.

SALAMAT.

CHAPTER 1: MEMORIES OF FIRST NIGHT

Bar@ 2016

Panay ang hila niya maiksing sout na casual dress na kulay pula. Nagmumukhang terno itong estilo ng damit niya sa mga babaeng dancers sa bar or mga entaintainers. Hindi niya alam kung tama bang tawagin itong mga prostitute dahil sa pagkakaalam niya ay ang mga entertainer dito ay pwedeng ilabas ng mga customers depende kung gusto din ng mga ito. Ito ang sabi ni Desiree sa kanya dahil dito nagtatatrabaho ang kaklase nito bilang isang entertainer. Pero first class bar ito kaya bigatin ang mga gumagawi dito. Depende na sa isang GRO or guest relation officer if gusto nitong mag-extra service o hindi. May mga iilan naman daw na hindi at dancers lang talaga dito sa loob ng bar o kaya'y taga-aliw sa table ng mga customers.

But most of them are called 'on-call' May kanya-kanya daw silang suki kung tawagin.

"Des bakit naman ito yong pinasout mo sa akin? Magkasingparehas ng estilo at kulay ang damit ko sa mga entertainer dito. Baka mapagkamalan pa ako nito."

Napasulyap siya sa palibot at napuna niya na siya lang yata ang nakasout ng pula dito maliban sa mga babaeng nagtatatrabaho dito.

Ngumiti lang ito at hindi pinansin ang sinabi niya. Nagsalin na naman ito ng alak sa baso. Nakailang shots na ang kaibigan niya at parang nag-uumpisa na rin itong mahilo. Naku, parehas pa naman silang hindi sanay sa inuman.

"Malay ko ba na pula pala ang uniform dito. Ay mali! Kasi nga valentine's day diba? Kaya nakapula sila. Saka may konting pagkakaiba naman ah. Mas sexy ka sa kanila nila kahit nakatago yang boobs mo. Hekhekhek." Tawa nito. Napuna niyang labas ang mga cleavage ng mga babaeng entertainer ng bar. Of course, they need to.

Lasing na si Desiree basi sa mga kilos at pananalita nito. Saka hindi naman valentines day ngayon. Tsk.

Palibhasa bigo sa pag-ibig. Kaya niya sinamahan ito dahil sa sitwasyon nitong heartbroken. Ganito ba talaga ang mabigo? Nung naghiwalay sila ni Hero noon parang nabunutan pa nga siya ng tinik dahil medyo toxic ang kanyang kasintahan. Sabagay puppy love lang naman 'yon. Teenagers pa lamang sila, kapwa immature sa mundo ng pag-ibig.

Desiree's voice was getting slurred.

"Uminum ka naman Marionnie. Ang daya mo ako lang itong shot ng shot dito."

Tinulungan niya itong inumin ang alak na pinili nito pero bigla siyang napaubo sa lasa nitong mapait at maanghang. 'Bushet! Akala ko masarap pero ang pangit naman pala ng lasa!' Nasira ang buong mukha niya sa lasa ng inumin.

Pinagtawanan siya nito. Nasa mataas at maliit na mesa sila nakapuwesto. Counter bar area. Kapwa sila nakatayo. May mga sariling rooms ang VIP customers. Nasa common area lang sila ng bar. Malapit sila sa may dancefloor kaya parang nagsisigawan silang dalawa kung nag-uusap.

"Mars, dito lang ako saglit hah? May pogi doon uh."

"Huwag ka masyadong magpadalos-dalos, Des. Lasing ka na." Hinawakan niya ito. Nag-aalala siya sa maaaring gagawin nito.

"Don't worry, I know that guy. Classmate ko yan noon sa subject na Humanities noong college. I can manage, Mars." She winked. Lasing na nga itong kaibigan niya.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon