22- Getting To Know 5

150K 2.9K 56
                                    

" To love oneself is the beginning of a lifelong romance."



Author: Oscar Wilde












***





























Marionnie POV

Third visit.

Magkahawak kamay kaming naglalakad palabas ng clinic. Happiness plastered on our faces after knowing our baby's health and condition. He's healthy coz I assumed that he is a boy.

"So saan mo gustong kumain ngayon?" He asked pagpasok niya sa loob ng kotse pagkatapos niya akong pagbuksan.

"Gusto ko sa dating restaurant na dinala mo ako. Yong celebration sa second monthsary night natin." Nakangiti kong sagot.

Actually, more than two months na kaming nag-eenjoy sa aming pagsasama. We both love our growing stage affair. Yong moment na nadidiskubre namin ang bawat isa. Like for instance, our likes and dislikes, habits and hobbies and of course our baby's development. I am now four months pregnant. At nahahalata na talaga ang tyan ko. Siguro ang anak namin, future basketball player dahil I had the feeling that he's a six footer baby. Mana sa daddy niya. At siyempre gwapo din. Gwapo pa sa Daddy niyang malambing at mabait.

"Wow, you still love their foods huh?" Magiliw nitong tanong habang nagmamaneho.

"Oo. Not just me, pati siguro yong baby." Nakangiti kong sagot sabay sulyap na nakangiti dito.

"Yeah. Buti naman at hindi na pihikan si baby ngayon. Hindi ka na nagsusuka. Good thing was hindi ka na rin nambubulahaw sa madaling araw." Sabi nito na natatawa.

Tumawa ako sa sinabi niya. Mahigit isang buwan din akong nambubulahaw sa kanya para lang bumili ng ice cream with matching french fries. Napupuyat siya kadalasan dahil sa paglilihi ko. That was part of first trimester that leads too much stress for me. Nagpapasalamat ako sa tyaga at patience niya. Natatawa na lang siya minsan sa ginagawa kong pambabawi dahil every lunch time dinadalhan ko siya sa opisina. And nanay  Norma was always present in the kitchen helping me to prepare foods for him. Ayoko na kasing sumuka na naman ang asawa ko after I cooked him something na masarap sa panlasa ko pero ang sama naman para sa kanya.

"Sweety, I have something to tell you. Sana huwag kang magalit sa akin." Sumeryoso ang asawa ko.

Napakunot noo ako at kinabahan.

"Ano naman yon?" Sana hindi ito related sa pagsasama namin. Minsan kasi hindi niya mapigilang umasa na forever na silang dalawa. At baka sisirain nito ang "forever" na pinapangarap ko. huhuhu

"Naalala mo yong nangyari last week?" Tanong nito, "Yong tumawag si nanay para ipamalitang nanalo sila sa isang raffle draw ng house and lot?"

Tanong nito. Last week nanalo sila nanay sa draw noong bumili siya ng worth of eight thousand na groceries and home appliances na galing din sa pera kong naipon. At saka may pera naman ako for them. I am still a direct seller ng isang sikat na cosmetics. My husband never stop me to earn in  business online. Kahit natatakot siyang baka ma-stress  ako, sinusuportahan na lamang niya ang ginagawa ko kasi pinanagkuan ko naman siya na okay yong baby namin. Alam naman kasi niyang ayokong manghingi sa kanya ng pera para sa pamilya ko. But palihim pala niyang sinusuportahan ang pamilya ko through sa bank account ng mga kapatid ko. Darren was supporting my family. He even offered them to put up a business. Si tatay ayaw munang tanggapin hangga't sa kaya pa niyang kumayod. Ma-pride ang pamilya ko. Siyempre yon na lang ang meron kami.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon