LOVE AT FIRST NIGHT 13

175K 3.3K 58
                                    

" The one charm about marriage is that it makes a life of deception absolutely necessary for both parties."

Author: Oscar Wilde

**************

CHAPTER 13: UNEXPECTED ARRANGEMENT

Nagtataka siya kung bakit isang bouquet of flower siyang natanggap at isang box ng imported chocolates. She read the note.

'Let's talk later. Darren.'

Sa totoo lang kinilig din naman siya. Sayang din ang bouquet kung itatapon niya lamang, tingin niya ay mahal ang bulaklak na ito. White tulips with blue hyacinths flowers and and wrapped by an expensive wrapping paper. She smiled and smelled it. Maraming co-teacher ang nagtanong sa bulaklak at kung kanino galing. Pabirong secret lamang ang sagot niya.

Medyo nahihilo siya ngayong araw. Dahil medyo masama ang pakiramdam niya, maaga niya dinismiss ang klase. She took all her belongings, laptop, bag, and folders sa mga activities dahil sa bahay na niya ito e-che-check, and the bouqet. Tinago niya sa handbag ang isang box ng chocolates dahil ipapakain niya ito sa mga kapatid niya. Paglabas niya ng classroom ay nagulat siya nang makita ang binata sa may hallway, naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa kabuuan nito. And he was also staring at her intensely. Mas lalo yata siyang nahilo nang makita ang kagwapuhan nito—and her heart went wild.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad niyang tanong nang huminto ito sa harapan niya. Tinaasan niya ito ng kilay.

Nawewerduhan na talaga siya sa lalaking ito. Kagabi ay binisita ang mga magulang niya and ngayon binisita siya dito sa school at pinadalhan pa siya ng bouquet and chocolates. Seryuso lamang ang mukha nito at agad na kinuha ang mga dala niyang gamit.

"Why are you carrying all these things? It's heavy. It's not good for your pregnancy." Anito at kinuha ang lahat ng mga dala niya. Hindi na niya magawang pigilan ito dahil isinukbit na nito ang kanyang shoulder bag at iba pang mga gamit. Tanging bouqet na lamang ang bitbit niya.

"Hi teacher Marion! Uuwi ka na?" Tinawag siya ng isang guro sa may kalayuan, naglalakad ito patungo sa kanyang direksyon. Alam niyang makikiusyuso lamang itong co-teacher niya dahil nababalita sa school na binasted niya umano si Anthony.

"Hi teacher Kath!" Kumaway din siya.

"Maaga ka ngayon. Ako nga din eh, uuwi na kasi may lakad pa kami ni Mister." Anito at agad na napatingin kay Darren. Napaawang ang bibig nito. Alam niyang gwapo talaga si Darren pero normal ba ang lahat ng mga taong nakakakita sa binata ay namamangha? Dahil halos napapadaan na mga teachers sa hallway ay panay ang sulyap sa gawi nito.

"Ahm..kaya pala malungkot si teacher Verdez dahil may boyfriend ka na pala, Marion." Makahulugang sabi nito, Verdez ang apelyido ni Anthony. Tipid siyang ngumiti. Chismosa talaga. Nakita niya ang seryusong mukha ni Darren, tila hindi nagustuhan ang narinig.

"Hi sir. Teacher Kath po." Ngumiti ito kay Darren na medyo nahihiya pa kunwari sabay lahad ng kamay.

Bilang formality tinanggap naman agad ni Darren. "Darren Jamisola po, fiancé ni Marian." Nakita niya na medyo nasurpresa si teacher Kath sa salitang 'fiance'

"Ah, fiancé pala." Ngiti teacher Kath sabay tango.

Natitiyak niyang by Monday uugong na ang balita na ikakasal na siya. Ngumiti ito saglit kay Kath and he suddenly look at her.

"Let's go, sweetheart." Anito at hinawakan ang kamay niya at tila may kung anong kuryente ang nanalaytay sa buong katawan niya. Medyo nabigla siya pero hindi niya pinahalata sa harap ng kanyang co-teacher.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon