CHAPTER 5: MEETING THE STRANGER
Namamawis siya sa loob ng bathroom habang hawak niya ang Prenancy kit. She was debatating with herself kung itutuloy ba niya ang test na ito o huwag na muna, hayaan munang palipasin ang ilang araw. Anxious siya sa magiging resulta. Kanina pa siya nakaupo sa toilet bowl para gumawa ng test. Pero hindi pa din niya nagagawa. Natingin siya sa kanyang ihi na nasa maliit na plastic cap. She sighed. Gusto sana niyang bumisita sa Doctor pero kailangan niyang malaman ang initial result. Sa huli, pinatakan niya ang PT ng kanyang ihi. Nilagay niya sa gilid ang Pregnancy kit sa habang nagbibihis dahil panay na ang katok ni Megan sa labas ng pinto.
"Ate bilisan mo naman, naiihi na ako. Ate!" Sigaw nito sa labas ng pinto.
"Just wait!" Naiinis niyang sigaw.
"Ate! Ang tagal mo, kanina ka pa d'yan. Nandito na si ate Desiree!" Sigaw parin nito.
Naiirita niyang binuksan ang pinto.
"Ano ba Meg!? Ang ingay-ingay mo!" Pinandilatan niya ang kapatid. Napakunot-noo naman ito sa ipinakita niyang pagkairita.
Lumabas siya sa CR at naabutan niya si Desiree sa sala, nakabihis at halatang bagong ligo. Katatapos lang din niyang maligo at nakadamit pambahay lamang siya dahil ito ang napag-usapan nilang dalawa. Susunduin siya dito sa bahay at doon na sa apartment nito magbihis dahil ito na ang bahala sa susuotin niya papuntang audition.
"Oh ang aga-aga nakabusangot na 'yang mukha mo? Halika na baka ma-late ka na sa audition. Aayusan pa kita." Anito at tumayo na.
Pinandilatan niya ang kaibigan dahil ayaw niyang marinig sila ng tatay. Hindi pa naman siya nagpaalam tungkol sa bagay na ito. Desiree rolled her eyeballs at tila wala itong pakialam.
"Halika na nga. Nay! Tay! Alis muna kami. May aasikasuhin lang kami sa school." She louder her voice para marinig nito sa kusina.
"Kain muna kayo ni Desireee, anak." Pigil ng nanay niya na bumungad sa pinto ng kusina.
"Sa bahay na po Tita, nagluto po ako ng agahan doon." Mabilis na agaw ni Des sa sasabhihin niya. Nagtataka naman siyang pinagbalingan ng kanyang ina dahil sa sout niyang pambahay.
"Ganyan ang suot mo pupunta ng eskwelahan?" Nagtatakang tanong. Hindi niya gustong magsinungaling sa nanay pero hindi naman sigurado kung matatanggap siya pagkatapos ng audition. She will just open up to her if saka-sakaling dapuan sila ng swerte sa lakad nila ngayon.
"Ah Nay, nasa bahay ho ni Desiree ang susuotin ko ngayon. Casual lang naman po." Rason niya agad upang huwag itong magduda. Sabagay hindi naman madudahin ang nanay niya kumpara sa kanyang amain.
Tumango-tango lamang ito. Saka nagpaalam na silang umalis. Pagdating sa apartment ni Desiree agad itong nangalkal ng mga accessories. May fashion high-waist pants na faded gray ang kulay, nakalatag sa kama at loose white sleeveless para sa top then a brown cardigan, color nude boots na may five or six inches heels at marami pang iba.
"Don't tell me yan ang susuutin ko?" Naitanong niya sabay turo sa mga damit na nasa kama.
Umirap ito, "Of course, alangan naman magdedress ka gaya ng sinusuot mo pansimba. That's a cool chic outfit. Common na yong mga body tight dress, I am sure marami kang makikitang ganoong outfit mamaya. Ginaya ko lang naman ang ideyang yan sa mga Zalora fashion show. Anyway, baka may ipapasuot din sila sayo doon sa shoot ng audition. Gusto ko lang maging cool ang dating mo sa kanila para naman—sa awra mo pa lang makikitaan na ng potential." Sagot nito while choosing a purse fna babagay sa outfit niya.
Si Desiree itong fashionista sa kanila kahit siya itong sumasali ng pageant noon. Lage itong nakasuporta sa kanyang mga outfit noon. Afford naman nito ang lifestyle na gusto dahil hindi naman ito breadwinner ng pamilya. Professional ang mga magulang nito, Engineer ang nag-iisang kapatid na may maliit na kumpanya. Nagbibigay din ito ng allowance sa kanya dahil Doctor naman ang napangasawa ng kuya nito, afford din ang angat na lifestyle nito. While siya, nag-iisang nakatapos pa sa mga kapatid niya na lahat nag-aaral.
BINABASA MO ANG
Love At First Night
General FictionLOVE AT FIRST NIGHT ONE NIGHT SERIES I DARREN JAVES ZAMORA JAMISOLA He met the mysterious woman in a bar. He's willing to pay triple her price just to bed her in one night because of her irresistible looks and perfect body to die for. But to his sh...