LOVE AT FIRST NIGHT 3

223K 3.2K 79
                                    

CHAPTER 3: AUDITION

Jamisola Advertising Agency...

As he is watching the photos of the models, may maganda siyang ideya na naiisip. They are all the same—looking for fame. Same faces in the commercial, paulit-ulit na mga bigating artista. In fact, the product isn't selling that well dahil siguro sa familiarity, wala ng bago. He needs something new.

"Rommey, magpatawag ka ng board meeting, right now. May pag-uusapan tayong mahalagang bagay—a new strategic plans." Utos niya sa advertising manager ng kumpanya.

"Yes, boss. Right away." He immediately walked out of the office para sa madaliang utos niya.

Minsan natatawa siya sa humor nito pero lately napapansin siguro nitong wala siya sa mood, hindi na ito masyadong nagbibigay ng punch lines. Madalas na itong tahimik kapag kaharap siya at minsan palihim siya nitong inoobserbahan. He was frustrated sa takbo ng kumpanya ngayon. Masyado ng boring at walang pumapatok na bagong ads.

Maya-maya dumating na ang mga board members upang dumalo sa meeting.

"I'd like to include some changes here, for my own suggestion para sa new issue magazines natin, we will have a new cover model. Not in showbiz. I want new faces this time."

"So we will look for a new model, gaya ng mga sikat na ramp model ng Asia." Agad na hirit ni Mr. Reyes, one of the board.

"No, that's not what I mean Mr. Reyes. I'm talking about new faces, new beauties, new model. We will look for our own model. Just like Bazaar Modeling agency, mas umaangat sila dahil sila mismo ang naghahanap. We would not focus on that idea alone, we will have our own criteria of our own when it comes to versatility, originality, and uniqueness. Instead na kumuha tayo ng mga artista or mga sikat na model to our adds or cover magazine, why not tayo mismo ang maghanap ng matatawag nating sariling atin at tayo mismo ang magpasikat. I want our own originality—beuty and style. Mas advantage iyon para sa promotion ng ating mga sponsors and clients." He suggested carefully.

"So, what do you think?"

Tumango-tango ang mga board members.

"That would be a good suggestion, Mr. Jamisola." Tumango-tangong sang-ayon ni Mrs. Chan, isa sa mga board members.

"Okay, let's have our audition then. I will give the criteria for the auditionees." Excited na wika ni Laudia, ang baklang Talent Manager ng mga modelo.

Pagkatapos ng maikling discussion at sumang-ayon ang board members, he dismissed the meeting. Bukas magbibigay siya ng rationale at gagawa agad ng schedule para sa kanyang proposal.

"Darren! I miss you anak. Masyado ka ng busy." Biglang sumulpot ang ina niya sa kanyang opisina. May dala itong pagkain. Sinalubong niya ito at hinalikan sa pisngi. Matampuhin pa naman ang ina niya, kaya kailangan niyang lambingin ito.

"Thank you for this." Na-eexcite niyang binuksan ang dalang pagkain nito. Umupo ito sa sofa at nagmasid sa loob ng kanyang opisina.

"Hijo, I think kailangan mo munang magbreak sa work. How about vacation somewhere in France? I heard na maraming pumupunta doon at pag-uwi meron ng love life." Suhestiyon nito na muntikan na siyang mabilaukan habang kinakain ang homemade sandwich nito.

Lately, pinagpipilitan na nito ang pagse-settle down. Mahilig sa reto ang kanyang mga magulang. Kaya isang Jamisola ang napangasawa nito, ang kanilang ama dahil sa pagpapares at blind date. Her mother is the first cousin of Yvo's father, Tito Lucas. At ang ama naman niya ay kapatid ng asawa ng kanyang Tito Lucas, ang tita Regina. Kaya nalilito siya minsan sa kanyang mga first cousins—dahil para din niya itong mga pamangkin sa mother side na sina Yvo, Jamie, Mica, & Servo.

Love At First NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon