Note: Happy Valentine's Day! Dahil araw ng pag-ibig ngayon, here's an update. I'm very excited with this chapter kasi dito niyo malalaman 'yong trip ng mga Knights hahaha. Enjoy reading, see you tomorrow!
••••••
[ C H A P T E R 24 ]
LATISHA VALENTINE
"OH SHIT! MADAME KALMA!"
Muntik ng tumama sa mukha ni Wince ang kamao ko kung hindi siya umilag at parang tupa na ayaw masapak ng kanyang amo. Sinamaan ko lamang siya ng tingin dahil sa ginawa niya kanina. Bigla ba naman siyang sumulpot at ginulat ako kaya mabilis rin ang kamay ko na susuntukin sana siya.
"Gawin mo pa 'yan sa susunod, tiyak akong mawawalan ka ng pogi points kapag nagka-black eye ka!" inis na sabi ko at binaba ang aking kamay na nasa ere. Nagsimula akong maglakad muli dahil hinahanap ko si sir Hasan.
Sumunod si Wince at nakakita kong ngumisi lang ang kumag at inayos ang maayos niya naman na buhok. "So, sinabi mo na rin na gwapo ako, Madame? Mas gwapo ba ako kay Logan o kay Nethys?"
"Mas gwapo ka sa palaka, Wince," sagot ko habang inilipat-lipat ang tingin ko sa bawat portion ng training ground nila. "Alam mo ba kung nasaan si Sir Hasan? Kahapon ko pa siya hinahanap kasi may ipapatayo akong bagong paglalaruan ni Annika sa pabilyon."
"Sa pagkakaalam ko ay kakasimula pa lamang ng probation nila dalawa ni Erwan," Wince said as he was playing with his steps. Mukha siyang engot tingnan na parang batang tuwang-tuwa dahil sa sinabi kong mas gwapo pa siya sa palaka. "May ipapagawa ka, Madame? Gusto mo ako nalang?"
Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan siya. I crossed my arms and observed his warm tone attitude. Tumaas ang kilay ko ng mapagtanto kong parang may kailangan siya sa akin. "Anong kailangan mo sa akin? Wala ka bang trabaho?"
"Nakalimutan mo ba 'yong usapan natin?" saad niya at kamuntikan pa akong napaatras ng lumapit siya sa akin. "Did you ask the Duke about my week off? Nasa lungsod na ang mga musikero, Madame! Gusto kong pumunta!"
Naririndi ako sa tono ng boses niya. Halatang isang tagahanga ng kung ano mang banda ang tinutukoy niya. Niyugyog pa niya ang aking balikat dahil sa tuwa, pero napapadaing ako sa sakit. I have a wound from Logan's arrow on my shoulder. Hindi ito naghihilom kahit tatlong araw na ang lumipas.
"Did you find my cousin?" I said as I stopped him from shaking my shoulder. "This is a bargain, Wince. Tell me about my cousin and I will tell you what the Duke said."
Lumayo siya saglit at pinagkrus ang kanyang mga braso at biglang lumalim ang kanyang pag-iisip. "Nag-usap ba kayo ng Duke? Ilang araw mo na kaya siyang iniiwasan. Grabe talaga kayo mag-away no? Linggo-linggo na lang at linggo-linggo rin kung humupa."
Binigyan ko siya ng nababagot na tingin. "Akala ko ba gusto mong malaman ang sinabi ng Duke? Bakit hindi mo simulan isiwalat kung ano ang nakalap mo sa pinsan ko?"
"Eto naman, chill ka nga lang, Madame."
Umikot ang aking mga mata at bumalik sa paglakad. Narinig ko pa ang pagbuwelo niya pero hindi ko pinansin. Sinabayan niya ang lakad ko at napapatingin ang mga Knights sa gawi namin.
"Balita ko nasa Denver daw ang pinsan mo," mahina niyang sabi. He leaned too close to me as if we are close friends just to ensure that what he said will be for my ears only. "Umalis siya pagkatapos niyang pumunta sa mansyon at hindi pa ito bumabalik. Sabi nila, nagbukas daw ito ng branch doon kaya matagal pa bago siya bumalik sa Edinburgh."
Napakunot ang aking noo. Blessime did tell me she will open a branch in Denver but I thought it wasn't that soon. Marami pa siyang ilalakad na mga papeles at kailangan niya ng malaking pera para sa renovation ng shop na gagamitin niya. I know Blessime can afford these things but that bitch is a kuripot.
BINABASA MO ANG
✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book One]
Fantasy[Book 1] This is the rebirth of the rebel, and that villain will walk her way through triumph. ---------- Date Started: December 25, 2022 Date Ended: March 25, 2023 Genre: Fantasy, Romance, Adventure Language: English, Filipino (Taglish) Book Cover...