CHAPTER 35

3.2K 151 28
                                    

Note: The note has been discarded.

•••••••

[ C H A P T E R 35 ]

LATISHA VALENTINE

Lagapak ang tawa ko habang kinukwento ni Wince ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala kung ano ang ginawa ko. I am not fond of drinking liquor because I know once I'm drunk it will be a disaster. Hindi naman ako mahina sa lasingan, sadyang ang inorder lang ni Cyan kagabi ay malakas ang hatak.

Nasa training camp kami ngayon dahil gusto kong malaman ang nangyari. Ganito lagi ang ganap ng utak ko kapag lasing, wala akong maalala kinabukasan. Wince was banned at their regular meeting for what happened last night. Nagpupulong kasi sina Roshan sa weapon house ngayon at nasa ilalim lang kami ng puno ni Wince.

"Kung wala siguro ang Duke kagabi, hindi tayo makakauwi, Madame." Bakas ang saya sa boses at mukha niya. "Hindi ko kasi na tingnan kung ano ang inorder ng hinayupak na 'yon."

"Sinadya ata 'yon ni Cyan," natatawa kong sabi. "Siya may hawak ng menu kagabi sa pag-kakaalala ko."

Umiling si Wince. "Siya nga, pero hindi niya daw binasa, pumili lang siya!"

Napangisi na lamang ako. Wince told me that they barely went home alive. Magiliw kasi ako kapag lasing, malikot, matabil ang bunganga, at hindi natigil hanggang sumabog na utak ko sa alak. I declared a sparring with Wince in that club which made the whole building closed. In short, hindi namin nasaksihan ang pagtatanghal dahil sinara ang buong gusali na siyang utos ng Duke. Sinabi niya ilang beses akong pinigilan ng asawa ko subalit makulit raw ako.

"Pasensya ka na," tanging sabi ko na lang.

"Okay lang 'yon, Madame!" agad na salungat niya sa sinabi ko. "Balita ko nag-extend daw sila ng stay kaya maraming beses pa sila na magtatanghal sa entablado."

"Huwag mo na ako isama, please lang," pagsusumamo ko sa kanya. Sinuklian niya ito ng mahinang tawa na siyang sinabayan ko kalaunan. "Hindi ako mahilig maglasing, Wince. Bukod sa wala akong maalala, hindi ko rin kontrolado ang katawan ko. It feels the same when I see blood, and I don't like thinking about it."

"Utos rin naman ng Duke na hindi na ulitin 'yon. How I wish you could have seen his face. He was close to dragging you by force last night but he was patient because you were laughing in the whole store."

Napako ang tingin ko sa kanya habang napamaang naman ako sa narinig ko. "I was?"

"Yeah, kung hindi ka niya hinayaan, malamang wala akong leg cast ngayon," saad niya. Sabay kaming napatingin sa kanyang isang paa na may cast. Napangiwi ako dahil kahit hindi ko maalala, alam kong ako ang may gawa n'yan. Ngumisi lang ito sabay thumbs up. "Kasalanan ko din naman 'to, your grace. Kung hindi ko hinila ang buhok mo, hindi mo ako sisipain at hindi ako mahuhulog mula sa second floor."

"Sayang, ang tindi siguro ng ekspresyon sa mukha mo kagabi no? Na-sprain ang paa mo, may galos ka pa, tapos nakangiti ka pa ngayon."

"Worth it naman kasi bukod sa nakita ka namin na lasing, nag-enjoy din naman kaming makita ang Duke na nagtitimpi lang," he said. I stared at his happy face, recalling what I cannot remember. Nalungkot ako dahil hindi ko masabayan ang saya niya. "He has always been this impulsive, Madame. When he's mad, he's physical. When he is pissed, he'll give a warning, and when he doesn't like to be disturbed, he will glare at you. Pero kagabi, kahit inis na inis na siya sa ginagawa mo, nagtitimpi siya."

"Too bad I can't remember," mahinang sabi ko. Hinawi ko ang ilang hibla na kumawala sa aking tainga dahil sa hangin. "Kung saan hindi ko pa maalala, doon pa may nangyaring milagro sa kanya."

✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon