CHAPTER 25

3.2K 160 16
                                    


Note: You've finally reached half of the drafts I'm working on. Yes, umabot na sa 50 chapters ang current draft at hindi pa ako tapos d'yan hahaha. Kasalanan po ng mga Knights kung bakit humahaba ang mga chapters. Malalaman niyo kung bakit sa susunod na mga kabanata. Enjoy reading!

••••••

[ C H A P T E R 25 ]

LATISHA VALENTINE

When I woke up, the physician was tending my wounds. Ramdam ko ang hapdi ng bawat pagpahid niya sa bulak na may gamot at agad akong bumangon. Sinamaan ko ng tingin ang doktor at sa takot niya ay humingi siya ng paumanhin.

"Latisha, let him do his job," utos ni Roshan habang papalapit siya sa kama. I glared at him which signifies I am not following his order. Masama akong tumingin sa kanilang dalawa dahil na rin sa tinatago ko ang sakit ng sugat.

I felt Roshan's domineering aura that made me flinch in fear. Kahit hindi siya nagsalita ay ramdam kong tinatakot niya ako gamit ang kanyang tingin. Wala tuloy akong choice kundi hayaan ang doktor sa ginagawa niya. Napabuntong hininga na lamang ako nang matapos siya, subalit napamaang ako muli.

"Bakit kailangan ko ng arm cast kung hindi naman ako pilay?" nakakunot-noo na tanong ko sa doktor habang inaayos niya ang pagkakalagay ng arm cast sa akin. Napako ang tingin ko kay Roshan na nakatingin lamang sa ginagawa ng doktor. "Can you tell this quack to put it off? A simple dressing helps, why cut my arm's mobilization?"

Hindi sumagot si Roshan at dinapuan lamang ako ng tingin na hindi ko rin naman maintindihan. It is always blank and those dead eyes beaming at me with obscure intent. I let out an exasperated sigh after knowing I cannot win against him.

"The wound got infected, your grace. It needs to take at least a week for it to fully heal. Arm cast helps in healing it faster."

Inikotan ko lamang siya ng mata bago ko tinaas ang kaliwa kong kamay para kamotin ang ulo ko sa inis. Pinaalis ko ang doktor dahil kung mananatili lamang siya malapit sa akin ay baka masabunotan ko pa siya.

"I will leave some antibiotics for her to intake every four hours, your grace. It can be mixed with her meal if she hates the taste." Nagbigay siya ng pugay bago umalis ng kwarto. Sinundan ko lang ng tingin ang bulto niya at napahinga ako ng maluwag ng mawala siya sa paningin ko.

I turn my gaze at Roshan. "You can leave too."

"You're still upset," he said, crossing his arms like he is the one who is more upset than I am. I rolled my eyes and attached my back on the headboard. Nakipagtitigan lamang ako sa kanya at kinopya ang kanyang titig at limitadong pananalita.

But, I am not good at staring contests with him as an opponent, so I have to divert my eyes at his back. "Kung wala kang sasabihin, pwede ka ng umalis, your grace. May sinabi ba ang doktor na kailangan kong magpahinga? Kung meron, gusto kong magpahinga."

"Annika is waiting for you outside," he said.

My eyes snapped and looked at the closed door. Bumangon ako muli at umalis ng kama, at akma na sana akong maglalakad papunta sa pintuan ng harangan niya ako.

"Can you think of your own situation first before anyone else?" he said without changing his tone. I walked to his side but he also blocked it. Humahanap ako ng daan paalis pero hinaharangan niya ako. With my thinning patience, I wished to hit his foot but he moved it a few seconds faster than me.

"Tumabi ka," may diin kong sabi.

"Why are you ignoring me?" he firmly asked.

"Itanong mo sa sarili mo kung bakit, Roshan."

✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon