CHAPTER 34

3.2K 167 20
                                    

Note: The note has been discarded.

WARNING:
This chapter is rated R18. The score is now EVEN.

••••••

[ C H A P T E R 34 ]

LATISHA VALENTINE

I woke up the next morning with a throbbing headache and a tired body. Ramdam ko ang sakit ng aking ulo na para akong minartilyo. Masakit rin ang aking likod at batok na para bang may naghampas sa aking ng isang malapad na kahoy. Isali pa ang malakas na sinag ng araw sa nakabukas na bintana na siyang dahilan kung bakit ako nagising.

"Hana, close the curtains!" utos ko sa aking tagasilbi habang dahan-dahan akong bumangon sa kama. I can feel I'm in my room because of the familiar scented candles lingering everywhere.

"Hana, kuhaan mo nga ako ng tubig, nanunuyo ang lalamunan ko," dagdag ko. Napaigtad ako ng biglang may umabot ng tasa sa akin kahit kakasabi ko pa lang. Kinuha ko na lamang 'yon at nilapat sa labi ko para inumin.

"Puta!" Naibuga ko ang tubig sa kumot dahil sa sobrang pait ng nainum ko. Napaubo pa ako sa lala at mas sumakit ang aking ulo. "Potangina, Hana?! Ano 'yon? Tubig ang kailangan ko!"

"It's hangover medicine, Latisha."

Tuluyan ng bumuka ang aking mata at napanganga ng marinig ko ang boses ni Roshan sa tabi ko. Napako agad ang aking tingin sa kanya. He sat on my bed, looking at me with that dazzling normal attire and disheveled hair. Nakasuot lamang siya ng puting polo at itim na pantalon. Kadalasan kasi ay nakasuot siya ng royal suit o hindi kaya'y nakakapa na siyang tumatakip sa royal suit niya. The ray of sunlight that peeked through the window hit him astonishingly which made me gulp.

"Y-your grace," mahinang saad ko. Hinawakan ko ang aking ulo para ayusin ang aking magulong buhok habang binabaon ko ang aking katawan sa kumot. Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil ramdam kong hindi ako kaaya-ayang tingnan ngayon. "What...What are you doing here?"

Napansin ko ang paglapit ni Hana sa gawi ng Duke at binigay niya sa taga-silbi ang tasa. Hana immediately excused herself without even looking at me. Gusto ko sana siyang panatilihin at magtanong subalit mabilis siyang nawala.

"I slept here," saad niya.

Nanlaki ang aking mga mata. His face is calm which I highly doubt that he is lying. "Y-you...you slept here?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sinundan ko lang ang tingin niya sa kanang bahagi ng kama at halos magwala na ang sistema ko dahil sa mga iniisip ko. Bahagya akong napailing at tumawa ng pagak.

"Why would you sleep here?" aniko.

"Just because," he replied.

Napamaang na naman ako. Napapikit ako para alalahin kung paano ako nakarating dito, subalit sumasakit lamang ang aking ulo. Napilitan akong mag-buntong hininga at tumingin sa kanya.

"Anong nangyari kagabi?" tanong ko.

The Duke just looked at me with his calm demeanor. I bet he is thinking that my brain got jammed for not remembering anything last night. In fact, I wanted to remember it myself but my head is not cooperating. Masakit ang ulo ko tuwing iniisip ko kung ano ang nangyari.

"You were drunk," he said.

"then?" agad na sabi ko.

"We went home," he replied.

"After that?" I said and gulped.

Napaigtad ako sa gulat ng lumapit ang katawan niya sa akin. My back rested on the headboard, completely trapping me in his presence. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko nagawa. My eyes locked on his amber orbs which are now sucking my soul out of my body.

✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon