Note: Happy two months ROTR! Dapat sa February 25 ko sinabi 'to pero wala po tayong weekend update kaya ngayon na lang. Grabe kayo ha, dalawang buwan pa lang 'to pero ang bilis ng statistical engagement hahahaha. Thank you so much for tuning in, and I hope to see you at the end. Enjoy reading!
••••••
[ C H A P T E R 31 ]
LATISHA VALENTINE
I gently massaged Annika's small hands as she moved her eyelids. Sonya told me that she woke up yesterday but it was just a short moment to take her medicine and she went back to sleep. Hinintay ko talaga siyang magising muli at ngayon ay dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at napako ang kanyang tingin sa gawi ko.
"Mommy...?""Hey, darling." I leaned forward as a smile peeked on my lips. Her little eyes were confused but I tried easing her bewilderment. "Ano ang nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo?"
Bahagya siyang umiling. Inayos ko na lamang ang kanyang kumot. "You have to rest for a few days, okay? Don't be stubborn and listen to Sonya."
"Mum, I had a dream," she said in a low voice, looking at me as her consciousness began to wear away. May sleeping pills ang mga gamot niya para hindi siya maglikot at bumilis ang paghilom ng kanyang sugat.
"What is it, baby?" I said sweetly to her.
"We watched fireworks," she answered.
Lumabas ang manipis na ngiti sa aking labi. "Kapag magaling ka na, manunuod tayo, okay ba 'yon?" I said and kissed her forehead. "Now, sleep my little brave darling. I'll be staying here with you."
Sinunod niya ang sinabi ko at pumikit muli. I just caressed her little hands until she slept soundlessly. Nanatili ako sa kanyang silid ng ilang oras bago pumalit si Sonya sa akin at binantayan siya.
Kanina pa ako hinahanap ni Erwan pero sa laki ba naman ng mansyon, hindi ko siya nakasalubong sa kahit saan. I was informed by Hana that there's a little setback on the shipments for this month's goods. Since I handle the financial plan of the Duchy, Erwan needs my consultation. Nakasalubong ko si Logan pababa ng hagdan at pansin ko ang pagmamadali niya.
"Sinong humahabol sa 'yo?" tanong ko.
"Hindi ko alam, sabi lang kasi nila Wince na huwag raw magpakita sa Duke dahil mamamatay daw kami lahat ngayong araw," inosenting sabi niya.
Napailing na lamang ako. Balisa siyang napalingon sa kaliwa't kanan ng hallway at parang natatakot mabisto. Nagsalita ako, "bakit naman kayo mamatay kapag nakita kayo ng Duke?"
"Ito kasing si Wince, Madame. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, lumaking may mahangin na ulo," he said as he shake his head. "Alis na ako, Madame. Balita ko kasi galit ang Duke ngayon. Narinig kong sinigawan niya ang kitchen staff kanina at nasa training ground na si Hasan, nagpapainit."
Tumaas ang aking kilay. Nagpaalam na siya sa akin bago tumakbo palayo ng marating namin ang first floor. Pinagkrus ko na lamang ang mga braso ko habang naglalakad. Kung nagtatago ang mga tao ngayon, mahihirapan akong hanapin si Erwan. Does pissing off Roshan go downhill too far?
Nagalit na siya kanina kay Wince at pumangalawa pa ako, siguro napuno na rin siya kaya ang mga Knights ngayon ang kawawa. Napangisi na lang ako dahil unang beses nangyari 'to. Ako lang kasi ang nag-iingay sa mansyon noon, maganda naman na marami ng tao.
"Hana, have you seen Erwan?" tanong ko sa kanya ng nakasalubong ko siya sa kusina. Maharan niya akong binigyan ng pugay.
"Huli ko po siyang namataan ay papunta po siya sa gubat, Madame."
BINABASA MO ANG
✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book One]
Fantasy[Book 1] This is the rebirth of the rebel, and that villain will walk her way through triumph. ---------- Date Started: December 25, 2022 Date Ended: March 25, 2023 Genre: Fantasy, Romance, Adventure Language: English, Filipino (Taglish) Book Cover...