Note: Binasa ko lahat ng comments sa last chapter at grabe kayo hahaha. Kalma muna tayo, at e-enjoy ang chapter na 'to (pero baka hindi rin kayo mag-eenjoy pagkatapos >___<). Don't worry, may babawi next chapter, hulaan niyo kung sino~ Enjoy reading!••••••
[ C H A P T E R 38 ]
LATISHA VALENTINE
I feel relieved that Roshan didn't stop me when I left. I don't think I can stand seeing the answer in his eyes. That question hurt me like an arrow piercing through my flesh. I could bleed inside but not physically. That throbbing pain in my chest that weighs like a million pounds, and yet, I walked with a head held high like I wasn't affected.
Sulking over it is not my forte. Nagbihis ako ng panibagong damit bago ako bumalik papuntang dining hall. Sa hallway pa lang, rinig na rinig ko na ang mga ingay ng bawat tao sa loob. Isang masayang ngiti ang sinalubong ni Annika sa akin bago ko siya niyakap at kinarga.
"Are you happy?" I said to her as I kissed her cheeks. "Pasensya ka na umalis si Mummy ng hindi nagpapaalam, nagbihis lang ng damit kasi masikip 'yong una."
She happily shakes her head. "Okay lang po 'yon! Sobrang saya ko po ngayon, Mummy! Thank you po!"
Hinalikan ko muli ang kanyang pisngi bago ko siya binaba. Nagpaalam siya sa akin at tinakbo ang kinaroroonan ni Nethys at pinandilatan ko lamang ng tingin ito. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang close silang dalawa, dahil si Nethys ngayon ang bagong personal bodyguard ni Annika. Roshan appointed him.
Hinahanap ko si Lady Graciela, at tuwing may nakasalubong akong mga Knights ay bumabati at nagbibigay galang lamang ang mga ito. Nahagip ko pa sina Wince at Laphel na nag-a-arm wrestling habang pinapalibutan sila ng mga Knights. Kumaway si Lady Lila sa akin kaya't binalik ko lang ang tugon. Pansin kong hindi ko mahanap rin si Cyan kaya't alam kong magkasama ang dalawa.
"Sir Hasan," pagbati ko sa Vice Commander. "Are you enjoying the banquet or are you patrolling?"
Isang tipid na ngiti ang binigay nito bago niya inilahad ang kanyang braso. Pinuslit ko ang aking kamay roon at sabay kaming naglakad. Pinagmasdan ko ang mga kabalyero na may kanya-kanyang ganap sa buong dining hall. May nagre-wrestling, nagtatawanan, nagpapaliguan ng alak, at mga tamang tambay lang sa gilid at pinagmamasdan ang iba.
"I hope we are not going to receive any attack from the stations," I said hopefully, then looked at the pile of 6 feet long and 4 feet wide drums. "They will be wasted for two days straight by how massive those drums of wine are."
"Sana nga," saad ni sir Hasan.
Dinala niya ako sa mesa na dapat namin uupuan mag-asawa. May nakahanda ng pagkain at inumin, subalit wala akong ganang kumain. "Sir, Hasan. Alam mo ba kung nasaan ang Commander ng mga Kabalyero at ang tagapagturo ni Annika?"
Saglit siyang napaisip at napako ang tingin niya sa paligid. May tinuro ang kanyang kanang hintuturo na siyang sinundan ko kaagad. "Kakapasok lamang nila muli sa dining hall, Madame."
Napataas ang kilay ko ng makitang pumasok sina Cyan at Lady Graciela at nagkatinginan muna sa isa't isa bago naghiwalay ng daan. Pamunta si Lady Graciela sa gawi ko habang papunta naman si Cyan sa pwesto nila Wince at Laphel na hindi pa rin natigil sa magbabangayan.
"Enjoy your meal, your grace," Sir Hasan said and left.
Sumakto naman ang dating ni Lady Graciela at nagbigay pugay sa akin. "I am beyond grateful for letting me be the master of ceremony for this event, your grace. This is a huge factor in Annika's development. I am also impressed that the ducal couple are truly hands on to their child," she said and smiled.
BINABASA MO ANG
✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book One]
Fantasy[Book 1] This is the rebirth of the rebel, and that villain will walk her way through triumph. ---------- Date Started: December 25, 2022 Date Ended: March 25, 2023 Genre: Fantasy, Romance, Adventure Language: English, Filipino (Taglish) Book Cover...